Chapter 3

19 0 0
                                    

casithediyosa: Good Afteroon din Jhackier My Love, sure. Hihintayin ko bukas. Tiyaka, hinay-hinay naman sa pagpapakilig sa akin. Baka mamaya magpatiwarik na ako nang tulayan nito. Hihintayin kita, hindi na ako makapaghintay na makipagkuwentuhan sa'yo. Ingat ka, 'wag kang magpapalipas nang gutom.

Apat na oras na ang nakalipas matapos ang huli kong mensahe sa kaniya at hanggang ngayon ay patuloy ko pa rin itong binabasa nang paulit-ulit.

Habang nakatitig ako sa cellphone ko at hinihintay ang reply ni Jhackier My Love ay bigla ko na lamang naramdaman ang pagwawala ang mga bulati ko sa tiyan. Alas-siyete na pala nang gabi, apat na oras na pala akong naghihintay nang reply niya. Sa tagal niyang magreply nagutom tuloy ang mga alaga kong bulati.

Napagpasiyahan ko nang bumaba upang kumain, syempre bago ako tuluyang bumaba ay kailangan ko munang mag update kay Jhackier My Love.

casithediyosa: Jhackier My Love, hindi ka pa ba tapos? Ang tagal mo naman, pero ayos lang maghihintay ako. Hihintayin kita kaya 'wag kang paasa baka ikaw ang ibitin ko patiwarik. Hihintayin talaga kita, pero kakain muna ako. Sana lang pagbalik ko ay may' reply ka na. Kumain ka na rin sana, ayaw kong nalilipasan ng gutom ang idol ko. Kutusan kita diyan kapag nagpalipas ka.

Pagkababa ko naabutan ko si Mama na nagsisimula pa lang maghugas ng plato. Ano ba naman 'to si Mama nagpapakapagod na naman.

"Hoy bibig ni Anne curtis!" sigaw ko dahilan para mapatigil si Mama. Binigyan niya ako ng masamang tingin. "Joke lang," pangbabawi ko sa akin sinabi at tumawa. "Ako na po diyan, kakain pa po ako. Ako na ang maghuhugas pagkatapos kong kumain."

Medyo marami kasi ang hugasin, simula pa iyon kaninang umaga. Hindi ako nakapaghugas kasi nga nag-iinarte ako kaninang umaga, pero ngayon ay ayos na ako dahil nakausap ko si Jhackier My Love sa Instagram at makikita ko na rin siya sa personal.

"Buti naman ata bumaba ka na. Si Daira pala kanina mukhang galit noong umalis siya. Nag-away ba kayo? Napikon mo ba?" pagtatanong ni Mama Habang kinukuhanan niya ako ng plato at kutsara, agad naman akong lumapit sa kaniya para kunin iyon.

"Opo, ang galing ko 'di ba? Sa wakas natalo ko na rin siya," malaking ngiti kong saad inilingan naman ako ni Mama. Umupo na ako upang kumain, umupo naman si Mama sa harap ko.

Balak na naman sigurong makipagchikahan ni Mama sa akin. Nako naman si mudrakels talaga.

"Nako, kayo talagang dalawa. Lagi ko na lang kayong naririnig na nagtatalo. Nakakapagtaka nga na kayo pa talagang dalawa ang naging mag bestfriend," saad ni Mama. Nilagyan ako nang ulam na hotdog at itlog ni Mama sa plato. Nagpatuloy na ako sa pagkain. "Bakit nga pala nagalit si Daira sa iyo, Anak? Ang pagkakaalam ko ikaw lagi ang unang sumusuko sa sagutan niyong dalawa." Napakamot ako sa ulo. Si Mama talaga, chinichika niya pa ako alam na niyang kumakain ako e.

Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago ako nagsalita.

"Ang sabi ko po kasi na ikaw po ang isasama ko sa fan day ni Jhackier My Love, nagalit po siya kasi ang gusto niya na siya ang isama ko dahil nandoon ang idol niyang si Witmer Gorden," Tumatawa ko pang sabi. "Alam ko na agad na 'yon ang kahinaan niya kaya sinabi kong ikaw po ang isasama ko at hindi siya. Ang galing ko 'di ba, Ma?"

"Hindi ba--hindi ka napili sa big fan ni Jhackier Krozt? Ayan ba ang tungkol sa sinasabi mong nag-reply siya sa iyo? Ay nako, 'wag mo akong isama sa kalokon mo Casilyn." Napakagat ako sa aking ibabang labi. Ayaw pa rin talagang maniwala ni Mama.

"Bahala ka nga diyan Mama, si Daira po na niwala na, ikaw hindi parin," sabi ko. Tumayo na si Mama upang umalis ngunit tumigil siya ng magtanong ako. "Si Papa po pala?" tanong ko kay Mama. Bumalik muli siya sa pagkakaupo.

Im just a FanWhere stories live. Discover now