Hi ! Kung graduating 4th year highschool ka na , or kahit college ka na rin, sigurado ako na lahat ng to e naranasan mo , nararanasan mo , o naranasan ng kakilala mo..
Para sa mga incoming college freshmen : Ang isinisigaw ng mga isip ninyo e
"Haays katamad , sana college na ko!"Kung ako sainyo pag isipan nyo ulit yan.. Kasi ang mga college na eto na sinisigaw :
"Ang hirap ! Namimiss ko na ung highschool .."
Kaya hayaan nyong i-orient ko muna kayo para atleast makatulong ako and hindi rin kayo maculture shock na tumapak sa tunay na mundo sa kolehiyo ..
Ngayon palang I welcome you to the real world , welcome to COLLEGE.
Isang adventure na puno ng saya at pagdurusa at the same time , parang hunger games meets survivor , ganun .. Not meanting to be OA pero ganun sya kahirap..Ok so simulan muna natin to sa pinaka unang pagsubok natin bago o pagkatapos grumaduate ng highschool..
Ang pagdedecide kung anung course ba talaga ang kukunin mo ?
May kakabit pa yan na tanong na
San ka ba mag aaral ?Alam mo ?
Maraming rason ..
Karamihan iba iba ng kwento pero iisa lang naman ng punto.
Pero para sakin eto ang mga "on top of the list" ng reasons for choosing a career :• WOW HEAVY :
- Eto ung mga Taong ang piniling course e pagkasarap sarap sa tenga pag narinig ng iba .. Masaklap lang ung iba mabigat nga ang kinuha..
Di naman pala kaya:.• FRIENDS FOREVER :
- Eto ung mga magkakaibigang nagplano na kung san sila mag aaral at anung kurso ang kukunin nila , basta gusto nila sila pa rin ang magkakasama.• THIS IS IT:
- Eto ung mga highschool palang e planado na ang kukunin sa college , mga may "ganito na ko 10 years from now" vision ..• FOLLOW THE VOICE :
-Eto ung mga taong napush sa kursong "ginusto" nalang din nila kasi sabi ng mga tao e fit daw sa kanila .. For example :
Gwapo/Maganda, may height pa = HRM , Tourism.
Matalino sa math = Engineering , Accounting , business management.
Magaling mag drawing = Fine Arts.
Magaling sa computer = I.T , Com.Sci. , computer engineering.Yan ang mga typical judgement ng mga tao sa paligid mo , na kung maka suggest e parang kilalang kilala ka kanila at sila na namili para sayo ..
• GO WITH THE FLOW :
-Eto yung mga estudyanteng pag tinanong mo kung bakit yun ang course nila ang sasabihin sayo e :
"In demand to sa ibang bansa"
Pero pag graduate nila wala rin namang makuhang trabaho kasi lahat alam na in-demand kaya andami rin nilang kumuha ng kursong iyon.• EXPECTATION MEETS REALITY :
- Eto naman yung mga gusto kumuha ng mabibigat na kurso pero kulang naman sa budget , nakalulungkot lang kasi na merong mga taong kaya sa pisikal at mental pero nagkukulang sa pinansyal , kaya kadalasan dito naggagaling ang mga scholar ng bayan. or sad to say , tambay.• TRABAHO MADALI :
- Eto ung mga kumuha ng 2-year vocational courses para makapag trabaho agad , eto ang sulusyon para sa mga kapos pa makapag aral ng 4 year courses , ang iba after makagraduate , nagttrabaho para makapag aral ng 4 years , or matuloy pa nila ung kurso nila pero ung iba kuntento na basta may trabaho na.
Well lets face the reality of life.• SINO BA SA KANILA ?!:
-Eto yung tanong ng mga estudyanteng sagana sa protina ang utak sa talino kaya lahat ng kinuhaan ng entrance exam eh passed for scholarship kaya nalilito kung sino sa mga university ang pipiliin nya.• NO CHOICE :
- eto e para sa mga taong imbis na sila ang masunod sa kurso nila , e ung kursong gusto ng magulang nila ang kelangan nilang kunin , ung iba dahil ayun ang pangarap ng magulang nila sa kanila , ang iba naman dahil nasa "family line" nila , kumbaga tradisyon na kailangan ipagpatuloy, masaklap pa nito ang linya ng magulang na " kung hindi ito ang kukunin mo , hindi kita pag aaralin." At ang commonly stated line nating mga estudyante na :
"Edi sana kayo nalang nag-aral"• BAHALA NA SI BATMAN :
-Eto e para sa mga richkid na pumasa sa mga bigating university pero di pa sure kung anu gusto kuning course kaya kung ano ang magustuhan e ayun na lang ..• SHORT IS THE ANSWER :
-Eto naman e para sa mga tamad pumila ng mahaba sa enrollment kaya kung anung course ung pinaka maikli ang pila , ayun na rin ang kurso nya..Yan ang mga Top Reasons ng mga estudyanteng freshmen ..
May positive and negative side yan ..
Positive is nakakatapos sila and on the way e nag eenjoy na rin sila sa kursong kinuha nila , ung iba achievement dahil nakamit nila ang pinapangarap nilang kurso.
Pero mostly negative ..
Bakit ? Kasi kukuha sila ng course na di nila gusto .. Oo makakatapos sila pero walang fulfillment sa career nila dahil di naman talaga ito ang gusto nila.
Sabi nga sa isang quote diba :" CHOOSE A JOB THAT YOU LOVE , AND YOU NEVER HAVE TO WORK A DAY IN YOURLIFE."
So ngayong alam mo na kung gaano kahalaga ang desisyon mo sa pagpili ng kurso mo ..
Sino ka ba sa kanila ?
Ikaw ba e isa sa mga nadala sa sabi sabi ng iba ?
Indefinite ang choice kaya bahala nanaman si batman ?
Sa pagpila palang tamad na kaya ang pinaka maikli ang pinili ?iiwan ko ang isang payo saiyo bago mo basahin ang chapter 2..
NASASAYO ANG MAGIGING TAKBO AT OUTCOME NG BUHAY MO. EVERY DECISION YOU MAKE WILL HAVE A REFLECTION ON YOUR FUTURE.
Yan ang college.
Muli .. I welcome you to college !
The real life.