Kabanata 29

7.5K 152 15
                                    

Kabanata 29

Back

Nasa isang gilid lang kaming lahat habang tumutugtog iyong banda. Marami-rami ring tao sa pub na ‘to na nasa rooftop. Kanina pa tumutugtog iyong banda. May mga waiter din lumilibot para sa inumin. May kulay asul lang na ilaw na lumilibot sa paligid dahil madilim ang lugar. Kanina pa rin nagtatawanan si Lana at si Sebastian. Magkalapit na magkalapit sila habang nagkekwentuhan. Napapairap ako kapag tumitingin sila sa amin ni Benj na magkatabi lang na nakatayo.

Nanginginig ang tuhod ko kapag nagtatama ang kamay namin dahil sa maliit ng paggalaw ko. Ramdam ko na tumitingin siya saglit sa akin at umiiwas din. May dumaang waiter kaya napakuha agad ako ng inumin at nilagok iyong kahit hindi ko alam kung anong klaseng inumin ‘yon. Pakiramdam ko nanunuyot ang lalamunan ko sa di pagsasalita.

Napabuntong hininga si Benj kaya napatingin ako sa kanya. His jaw is clenched. Nakayukom ang kamay niya at napailing nang makita niya akong nakatitig sa kanya. My hand aches for a touch from him.

“O! O!” I heard Lana shout. Sabay pa ata kami ni Benj tumingin sa kanya. Binigyan niya kami ng ngisi at nakakainis na itsura. Bwisit! “Anong meron?!” ani Lana.

“Wala!” My lips are trembling. Lumawak ang ngisi ni Lana.

“Busy,” ani Sebastian at bigla kong tinadyakan ang paa. Napangiwi ito at lumayo sa akin. Pero humalakhak silang dalawa ni Lana. Mga bwisit!

Magsasalita pa sana ako nang lumapit si Lana kay Benj. “Bakit hindi mo sinama si Jezel? Sana sinama mo para masaya!” I scowled, silently. I furiously glared at Lana. Hindi ko alam kung alam niya o hindi niya alam o nang-aasar lang ‘to. Wala akong nakekwento sa kanya pero parang may alam siya at hindi ko matukoy. Siguro may lahi ng manghuhula itong si Lana at pati na rin ‘tong si Bastian.

Pero hinihintay ko ang sagot ni Benj. Syempre, mayroon sa akin na atat na atat na malaman kung ano ang mayroon sa kanila ni Jezel ngayon. Dalawa kami. Paano na si Jezel? Marami akong tanong kung bakit sila ni Jezel? Paano nangyari? Pero kahit isa sa mga tanong ko wala pa ring sagot galing sa kanya.

Wala akong alam? Paano na? Syempre, sa mata ng tao si Jezel talaga kay Benj. Pero sa mata ko at sa pagkatao ko, kami ni Benj at sana…sana ganun din siya sa akin. I trust Benj. I trust him.

Napakagat ako ng isang daliri at tumingin sa banda. Babae na ang kumakanta ngayon. Slow and soft music na ito kaya mabagal na ang pagsayaw ng tao.

“Busy ata siya dahil naghahanda siya sa birthday niya,” ani Benj. Naalarma ang sistema ko sa sagot niya. Okay, nag-uusap pa rin sila. Kasi ito ang current na kalagayan ni Jezel. Sila pa rin ni Jezel. Kami rin ni Benj.  Wow.

“Ganon? Invited ba kami ni Seb?” ani Lana at lumapit naman sa akin. Inakbayan niya ako. “Ikaw a! Di mo sinasabi sa amin ‘yung birthday ni Je.” Lana lifted my chin to meet her gaze.

“Wala naman ako pakelam,” singhal ko at inalis ang akbay niya sa akin.

“Baka ayaw lang ni Leigh na pumunta tayo, ” ani naman ni Sebastian. Okay, napupuno na ako sa dalawang ito. Kung sana may alam sila, sabihin na nila dahil sobra na akong naiinis sa inaasta nila. Argh! Damn you, Lana at Sebastian! Oo na si Jezel at si Benj pa rin! Oo na!

“Ayaw?! Ayoko rin kasi!” sabi ko at tinignan ng masama si Sebastian. “Tama na nga! Sana si Jezel na lang pinapunta niya rito! Sana—“ Napatigil ako nang may humatak sa akin. Naaninag ko pa ang pag-alis ng asul na ilaw sa pwesto namin. Biglang dumilim at may humapit sa bewang ko at may naramdaman na lang akong labi sa labi ko.

“I love you,” he said between the kiss. He tasted like beer, mint, and Benj. Of course, si Benj ‘to. He pressed me against his body. Napatingkayad ako para masabayan siya hanggang sa gumala ang labi niya sa panga ko at dinestino niya ang baba niya sa balikat ko. “I love you,” he breathed. And I am still shock and I don’t know what to say.

“That was…sexy.” Parehas kaming napakalas ni Benj doon sa nagsalita. Pumalakpak si Lana at ngiting-ngiti sa amin. “Akala ko hindi pa kayo bibigay sa asar namin!” ani Lana at tinigil ang pagpalakpak. Dumestino na ang asul na ilaw sa amin.

“You guys are back right?!” Sebastian spread his arms. Ngiting-ngiti ang loko.

Oh my gods! Paano?! I mean! Argh! Nakakaasar dahil nang-aasar lang talaga sila. Mga bwisit! Traydor na kaibigan!

Unti-unti akong napalingon kay Benjamin nang hawakan niya ang kamay ko. Napalunok pa ako nang higpitan niya ang hawak dito. Nginitian niya ako at hinalikan ang kamay ko na hawak niya. I heard Lana giggled. I felt my body turned red. O! O! Damn.

“Time to dance!” Lana beamed at us. Hinatak niya kami ni Benj na makapunta sa gitna. Ganun din sila ni Sebastian. Oh my God! Hindi ko pa rin naabsorb ‘yung nangyari! Alam nila! Alam nila Lana at Sebastian! Paano na?!

Napapikit ako. Isip, Leigh. Isip, paano na ‘to?! I shut my eyes, tightly. Nag-iba ang musika at kumanta na ulit iyong lalaki na vocalist. Ano na, Leigh Scarlett! Paano na kayo?! Si Jezel sila pa ni Benj!

“Worrying is a waste of time, Scar.” I felt a hand on my waist. Hinapit pa niya ako papalapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang hininga niya sa noo ko. Hindi ko maiwasan mag-alala dahil wala akong makuhang sagot sa kanya. Paano ako mapapalagay? “Ours is safe with them.” Napatingala ako. How can I ask about Jezel? Paano ‘yung kay Jezel? Pero tumango lang ako at niyakap si Benj.

“I love you, Benj.” I whispered. Pinakinggan ko ang kalmang tibok ng puso ni Benj. I want more-more explanation, Benjamin?

“I love you, too, Scar.”

**

“Ang tamis nung sa’yo Leigh!” Napangiwi si Chico habang nginunguya iyong cookies na binake ko. “Ba’t ‘yung kay mama okay lang?” Napahawak ako sa sandok para ipampalo sana sa kanya pero dumating si mama kaya hindi ko natuloy.

Nandito si Chico sa mansyon dahil wala pa naman si lolo. Hindi na siya rito nakatira kasi pinili ng kambal ko na umalis na lang dahil kay lolo. Pero ngayon kumpleto kami rito.  Naabutan kami ni Chico na nagbe-bake. Ako sa cookies, si mama naman sa cake.

“Ang arte mo!” Kumuha ako ng isang cookies. Kinain ko at hindi naman matamis! Halos maubos na nga niya yung binake ko e! Kapal ng mukha nito a! “Sabihin mo lang masarap! Ayaw mo lang akong purihin! Hmp!”

“Leigh naman!” Chico shouted. Nilayo ko kasi ‘yung cookies sa kanya. Matamis pala a! “Tinitiis ko na nga lang ‘yung tamis dahil gutom na ko! Ma, o!” Lumapit si mama sa amin. Napatawa si mama sa kalagayan namin ng kambal ko.

Grabe talaga ‘tong si Chico!

“Mula pagkabata hindi kayo nagkakasundo,” ani mama at napatawa na naman.

“Si Chico kasi!” Tinuro ko siya. Bigla kong pinigilan ang pagngiti dahil nakatingin si Chico sa akin. Naalala ko dati kahit hindi kami nagkakasundo, iba pa rin ‘yung pagiging protective brother ni Chico. Ilang taon na kami pero ganito pa rin kami.

Hindi ko maipaliwanag iyong sayang meron ako ngayon sa nangyayari. Lalo na ‘yung tawa ni mama. Iba sa pakiramdam kasi pati puso mo tumatalon at kinikilig dahil masaya ang mama ko. Sana tuloy-tuloy na ‘to. Ayoko ng masaktan si mama dahil sa akin.

“MA!” Napasigaw ako nang kunin bigla ng kambal ko iyong platong hawak ko. “CHICO!” Napasigaw pa ako. Tumawa si mama kaya nahawa rin ako sa pagtawa. Grabe hindi ko talaga maipaliwanag iyong saya ko ngayon.

Hahabulin ko na sana si Chico nang may pamilyar na boses akong narinig.

“How could you be happy Leigh to what happened?”

My muscles are alarmed with that voice—with that evil voice echoing in my mind. “Paano ka nakakatawa ng ganyan sa problemang binigay mo sa akin?” I looked around and saw lolo beside the kitchen’s door. “How?” Lolo brows’ are creased. Nanindig balahibo ako nang magtama ang mata namin. Naglakad siya papalapit sa pwesto ko at may naramdaman akong kamay sa aking balikat. Maaring si Chico o si mama.

“HOW?!” Lolo roared. Napatalon ako sa gulat. And I felt my tears rolling down on my face. I can’t even utter a word. But the only thing I know, fear conquered my system.

Hindi ko na alam.

Lolo is back.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon