Felicity

16 1 0
                                    

You're like a laserlight, burning down
Burning down, on me
You're like a laserlight, burning down
Burning down, on me

'Wohh!! Best birthday ever Fel!'

You make me feel good,
You make me feel safe,

''I know right! Wohh!" 

You make me feel like I could live another day
You make me feel good,
You make me feel safe,
You know I wouldn't have it any other way

This is the best birthday ever. Best nga ba? 18th birthday ko ngayun kaya legal na para sa akin ang mag club. Kasama ko ang mga bestfriends ko sa club na pag mamay-ari ng tita ko. At oo, ayos lang sa tita ko ang ginagawa ko. Wala namang may pake. 

"Fel, nakita mo ba si Jim?" 

"WHAT?! Hindi kita marinig!!" sigaw ko kay Yzia (Ya-zya), isa sa mga bestfriend ko.

"Fuck," sabay higit sa akin. Mabilis niya akong hinila palabas ng club ng pigilan ko siya.

"The hell is your problem Yzia?!" irtadong tanong ko sa kaniya. 

She closed her eyes as a sign of irritation, "someone's hitting on you Felicity! Di mo ba nahahalata?!" sabay irap sa akin. 

"And so? Kasalanan ko bang gandang ganda sila sa akin?" mahinahon kong sagot sa kaniya. Tinignan niya ako ng masama at, "nakita mo ba si Jim? Kanina ko pa siya hinahanap pero di ko siya makita." Napabuntong hininga na lang ako ng banggitin niya sa akin ang pagkawala ng babaero niyang boyfriend. 

"Hinanap mo na ba sa cubicle? Baka may kaharu-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin ng malakas. Tinignan ko naman siya ng masama at "para saan yon Yzia? Hanggang ngayon ba naniniwala ka parin na ikaw lang ang mahal niya?! Kalokohan!" 

"Why so mean Felicity.." sabay walk out. 

Shit talaga ang Jim na iyon. Lagi na lang siya ang dahilan ng pag-aaway namin ni Yzia. Why so mean Felicity? Why so stupid Yzia? 

Pshhh.. pag-ibig, nakakasira ng buhay. Hindi sa hater ako pero what the hell, pagmamahal ba yung nanloloko ka ng taong sobrang pinapahalagahan ka? Pssh. Gasgas na talaga yang pag-ibig na yan sa panahon ko. Kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, yun pa ang nasasaktan ng sobra. 

Oo, aaminin ko, wala pa akong karanasan sa pag-ibig stuffs na iyan pero base pa lang sa mga nakikita ko sa mga taong nakapaligid sa akin, pshh.. parang ayoko ng magmahal. 

Nabaling naman agad ang atensyon ko ng marinig ko bigla ang malakas ng hiyawan ng mga tao kasabay ng pagbati sa akin, "HAPPY BIRTHDAY FELICITY SWEET SANDOVAL! Wohh!" hiyaw ng bestfriend kong si Jing. Napa-facepalm naman ako ng banggitin niya ang buong pangalan ko at ang walang tigil na pag-hiyaw sa stage. "Besh! Alam kong bitter ka sa pag-ibig kahit wala ka pang experience," sabay tawanan ng mga tao. Tango lang ako ng tango sa sinasabi niya habang tinititigan siya ng masama, "at alam kong pinapatay mo na ako sa utak mo ngayun pero.. besh! Mahal na mahal ka namin! " bigla siyang tumigil sa pagtawa at nagseryoso, "kaya please, ayusin mo na lahat toh." Mabilis siyang bumaba sa stage at yinakap ako ng mahigpit.

"Nandito lang kami Fel, hindi ka namin iiwan.. pangako!" at dahil dun.. pumatak agad ang luha ko. Hindi ako iyakin at bihira lang akong ma-touch sa mga cheezy na bagay. Pero alam ko, lahat ng sinasabi ni Jing, totoo at hindi lang yun basta pangako. "Thank you Jing, thank you thank you thank you.."

"Tama na ang drama! Party na! Wohhh!" 

Mabilis naman akong hinila ni Jing pabalik sa dance floor at doon kami sumayaw ng sumayaw. Grabe, nakaka-relax talaga para sa akin ang mga ganitong bagay. Pakiramdam ko may sariling mundo ako tuwing nandito ako. Pakiramdam ko kusang naglalaho ang lahat ng tao sa paligid ko, at malaya akong nakakapag-saya. Ito ang buhay na gusto ko. 

"Hi miss!" bati sa akin ng isang matangakad at morenong lalaki. Naka-black siya na polo at may hikaw  sa kanang tenga niya. Kinindatan niya ako at syempre di naman ako bastos. Pinalaki akong magalang ng mga magulang ko kaya binati ko din siya pabalik. "Hi handsome," nag-smirk naman siya sa akin at nginitian ko lang siya. Ito lang ang kailangan ko, fling. Ayoko ng seryoso, masyadong boring.

"So, maganda ka pala talaga birthday girl!"

Natawa naman ako sa sinabi niya at nagpatuloy lang sa pag-sayaw. Hindi ko na siya sinagot pa at umalis na ako sa dance floor. Medyo napagod na kasi ako. Mabilis akong umupo sa couch at tinabihan ang isa ko pang bestfriend na si Thomas. Natawa naman ako sa kaniya ng mabilis niyang pinaalis ang babaeng katabi niya at inayos ang polo niya. "Wow! Thomas Anderson, babaero ka na?" Tinignan naman niya ako ng masama at, "birthday mo naman eh.. atska minsan lang toh!" sabay inom ng vodka. Sa aming magbabarkada, si Thomas ang pinaka-babaero. Malamang! Siya lang naman ang lalaki.  Mahilig din siya uminom at mahilig din siya sumali sa mga away. Kaya minsan, umuuwi si Thomas na may mga pasa sa mukha. 

"Buti na lang at ako ang nakakita sayo, hindi si Jing," bigla naman niya akong inakbayan at.. "wag ka maingay kay Jing, baka talakan ako nun pag-uwi!" mabilis ko namang tinanggal ang kamay niya sa balikat ko ng magsalita siya malapit sa mukha ko. 

"Ang baho ng bibig mo Thom! Kadiri ka! Psshh.. pag ikaw talaga nahuli ni Jing, hindi lang talak ang makukuha mo! Tsk tsk!" sabay irap sa kaniya.

"Tss.. talkshit ka naman eh, by the way, kamusta na kayo ng kuya mo? Nag-usap na ba kayo?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Nope," simpleng sagot ko sa kaniya. Narinig ko siyang huminga ng malalim at, "so kelan kayo magkakaayos? Malapit na balik ng papa mo ah?" 

Mabilis kong kinuha ang isang baso ng vodka at, "heps! Teka, teka my sweet! Hindi ka pwede uminom yan, sagutin mo muna tanong ko," sinimangutan ko lang siya at "18th birthday ko ngayun so legal na sa akin ang mga ganito, atska wala naman akong pake kahit umuwi si papa. Hindi naman ako babalik sa puder nila," masungit kong sagot kay Thomas.

"You have to go home my sweet, at kahit naman magpumilit ka na wag bumalik dun, wala ka namang magagawa eh!" masungit niyang  tugon sa akin. 

Tinignan ko na lang siya ng masama at huminga ng malalim. Tama si Thomas, kahit anong gawin ko, gagawa at gagawa ng paraan si daddy at kuya para umuwi ako. Wala akong magagawa kundi sumunod na lamang sa kanila. Kung pwede ko lang talaga baguhin ang buong pagkatao ko para di na nila ako makilala, gagawin ko. Kung pwede ko lang talaga baguhin ang fact na sila ang pamilya ko, gagawin ko. Pero wala, wala na akong magagawa. Mukhang hahayaan ko na lang masira ang buhay ko ng dahil sa kanila. 

Why so hapless Felicity?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Sweet DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon