Chapter 1** Blaze Aven Cadwell

11 0 0
                                    






I'm Blaze Aven Cadwell. 17 yrs. Old. Nandito ako sa bar ngayon kasama ang barkada ko. Pagkatapos ng klase dito lagi ang diretso namin. Sila Katsumi ang may ari ng bar na'to kaya ayos lang. Tambayan narin kasi namin 'to. May tumabi sa'kin na babae habang nakaupo ako sa counter.




"Hi", sabi niya and smiled at me. 'Di ko siya pinansin at ininom nalang yung alak na nasa baso ko. I heard her chuckled kaya napatingin ako sa kanya. "Hard to get huh? Don't worry, I like that.", she said and winked at me. Tss! Inirapan ko nalang siya at nilagyan ulit ng alak ang baso ko. Pagkalapag ko ng bote, bigla niyang hinawakan yung kamay ko na nakahawak sa bote. Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ooppss! Sorry! I just want to have some of this drink. Hope you don't mind.", maganda sana, malandi lang. Tch! "This is my drink so better get your own. And please, leave me alone", matigas kong sabi habang nakatingin parin ng masama sa kanya. Mukha namang natakot siya dahil umalis din siya.




"Ano yun brad? May pa leave me alone leave me alone ka pang nalalaman jan. Sayang chix din yun.", sabi ni Harvey at umupo sa tabi ko.




"Gusto mo? Iyo na. Habulin mo dun.", sabi ko at uminom ulit ng alak. Ito lang talaga ang nakapagpapagaan ng loob ko bukod sa kanya.




"Brad naman! Nandito tayo para mag-enjoy! Tapos ikaw nagpapakalasing ka lang jan.", sabi niya habang nagsasalin ng alak sa baso niya.




"Ano namang i-eenjoy ko? 'Yan? 'Yang mga 'yan? Tch! Eh halos araw-araw ko na nakikita 'yang mga 'yan eh!", sabi ko habang tinuturo yung mga babaeng sumasayaw sa dance floor.




"Di lang 'yun brad! 'Di ka ba  masaya? Tapos na yung mga exam natin ngayong 1st quarter. Hell week is over!", sabi niya at ngiting-ngiti pa ang g*go. Totoo naman. Hell week is over. Pero 'di dahilan yun para maging masaya 'ko. Iisa lang ang makakapagpasaya sa'kin. At wala yun dito.




"Siya nanaman?", sabi ni Harvey. "Huh?", taka kong tanong. "Tch! Siya nanaman ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.", siya naman lagi. "Ba't nasali nanaman siya sa usapan?", sabi ko at uminom ng alak. "Brad naman! Hanggang ngayon ba naman? Ang tagal na niyang wala. Halos araw-araw nga dinadala ka naming dito para lang makalimutan mo siya pero wala parin. Sinasaktan mo lang yung sarili mo.", sabi niya.




"Kahit ano'ng gawin mo o gawin niyo, hinding-hindi siya mawawala dito sa isip ko. Lalo na dito.", sabi ko at tinuro yung puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasa Iyo Na Ang Lahat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon