hindi nagtagal ay lagi ng sinusubaybayan ni Jean ang bawat kilos ni Louie. dahil ito sa pagtuturo ni May kung saan ito nakatira, saan ito pumapasok na pamantasan at lahat ng basic informations.
isang araw ay napansin ni Louie na hindi na sya gaanong tinitext ni Jean. nagtaka ito. kaya naman tumipa na sya ng isang mensahe na ipapadala kay Jean.
"Hi? :)"
ngunit wala siyang natanggap na reply mula dito."Jean~~ :)"
haist, miss ko na yung oras na magkatext kami :3 kumusta na kaya sya.*KRING~ KRING~* HOLY COW!! TUMATAWAG NA SYA~~~ WHAT TO DO?? WHAT TO DO???
"H-hello??"
"hello louie. kumusta na?"
"ok naman ako. ikaw? kumusta ka na? tagal mong hindi nagparamdam ah? :3"
"pasensya na. may inasikaso lang akong importanteng mahalaga :)"
"ano naman yang importanteng mahalaga na yan ha??" di mo ba ako namiss? tae ka nakakatampo :3
"wag ka ng magtampo pa~ may hinanda naman ako para sa iyo ee" anong pakulo kaya 'to.
"nakoo. pinagttripan mo na naman ata ako ee""hindi kaya~ seryoso na to" seryoso nyang pagkakasabi. lengye nemen ee.
---------------
Nakarating na sa university si Louie. Napansin nyang parang wala gaanong tao.
"Anyare? nasaan ang mga tao dito?" napansin ni Louie na may mga arrow sa damuhan. kaya siunundan nya ito.
"This way please...?" napansin niyang may mga rose petals sa dinadaanan niya. haist, kanino kaya ito galing? at para kanino naman?
"ang swerte siguro nung babae. A for effort para kay kuya hahaXD"
hanggang sa makarating ako malapit sa Gym. nakita kong may nakapost na "This way to my ♥"
"naxx, inlove na inlove siguro si kuya hihi ^^ keso ni kuya XD pero nakakakilig :")"
*KRING~ KRING~~~*
"hello??"
"saan ka na?"
"dito sa gym. bakit?"
"ahh. pumasok ka. hahaha" sabay baba ng phone. bastos =_=
..
Wala namang tao sa loob ng gym, ang dilim pa :3
♫♪"'di na maalala
pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw,
laging ikaw, ang aking nakikita Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama" ♫♪sh!t ano 'to? pamilyar yung boses nung kumakanta.
♫♪"Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala
'di ko malaman ang sasabihin ko "♫♪isa isang naglalapitan ang mga classmates ko na may dalang balloons at roses (purple).
"Congrats Louie :)" - classmate
"Paraa saan??"nginitian lang niya ako at umalis na.
"♫♪Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula?
'di na mapipigilan
Pag-ibig na ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito ♫♪"at biglang lumitaw sa harap ko si Jean.
si jean na nakaRed pants, Black polo, varsity jacket at sneakers. nakataas ang buhok, ang gwapo niya. may dala siyang isang bouquet ng purple roses. sh!t, ang mahal nun. grabe talaga. di ako makapaniwala ..
--
"Louie. natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo? yung sinabi kong, balang araw. makikita din kita. at pag nangyari yun. liligawan kita. papasayahin at irerespeto. mamhalin ng habang buhay." nakatitig lang ako sa kanya.
"ito na yun Louie. matagal na kitang sinusubaybayan. matagal ko ng alam lahat ng bagay tungkol sa iyo. nagmukha akong stalker. pero wla akong pakialam. basta makita lang kita. kaya Louie...
nandito ako ngayon sa harap mo. at ng marami pang tao. humihingi ng permiso. upang iyong payagan na manligaw sa iyo, na maging nobya ko, maging asawa at ina ng mga anak ko sa hinaharap.
Louie. Will you be my Future and Everything?"
"seryoso ka talaga? i mean.. di mo pa ako gaanong kakilala." -Louie
"Handa akong kilalanin at tanggap kita kahit ano ka pa man. kahit halimaw ka, kahit na masungit, bipolar ka. basta papatunayan ko sayo na karapatdapat ako sa yo. "
":) salamat Jean. oo, pumapayag na ako."
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Free
RomanceSa panahon daw ngayon, wala ng libre. pero sa kwento ko. mayroon pa :) as in for real?? boyfriend for FREE.