1

5 0 0
                                    

"Tanga amputa!"

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko habang nakatitig sa aking phone. Mahigit isang oras na rin akong nagi-i-scroll sa page na kinahihiligan ko ngayon. University Trashtalkan.

Nakakatawa kasi 'yong mga pikon sa page. Naaaliw ako tuwing nakikita ang mga comments ng mga tao mula sa iba't ibang university na dinadamdam lahat ng mga posts. Halatang weakshit sa comments.

Humiga ako mula sa pagkakadapa sa kama at nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Tumingala ako sa kisame ng aking kwarto. Ang boring.

Habang nakatitig sa bombilya ng aking kwarto ay may natandaan ako. Alam ko na!
Dali-dali kong kinuha ulit ang aking phone mula sa aking tabi at pinindot ang New Post sa page.

Balita ko panget daw curriculum sa FEU? Di na rin ako magtataka, ang papanget ng mga estudyante dun e.

I posted it without hesitation.

Agad-agad ako nakatanggap ng mga comments, mula sa mga taga-FEU. Napairap ako. Obviously.

ang panget mong mangtrashtalk dun ka sa mga imburnal sa ust.

I scoffed. Yun na 'yon?

tanga pano mo nalaman curriculum dito. umamin ka, nag feu ka dati no?

Natawa ako. Bawal i-search online?

Marami pang negative comments at bash ang natanggap ng post ko. Umiling ako, habang patuloy sa pag-scroll. Until I came across a comment that's way different than the others.

Ganun ba? Kaya mo pala ako inadd noon?

Nakakuha ito ng maraming haha reactions. Natawa ulit ako. Ang yabang ng gagong 'to.

Iñigo Alvarez.

Oo, inadd ko siya no'n. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Nilunok ko na lang ang pride ko at nag-reply.

tanga wag kang mag-alala, iu-unfriend na kita ngayon.

As if.

Balak ko pa sanang dagdagan ang sasabihin ko nang biglang may nag-pop up na notification mula sa Facebook.

Iñigo Alvarez sent you a message.

Fuck. Ano na namang sasabihin niya?

From: Iñigo Alvarez

Oh kala ko ba iuunfriend mo ko?

To: Iñigo Alvarez

wag kang atat eto na.

Wala akong magawa kundi i-unfriend. Leche.

Iñigo Alvarez added you as a friend.

Tumibok nang mabilis ang puso ko. Ay gago. Ginugulat ako pucha.

To: Iñigo Alvarez

anong kailangan mo?

From: Iñigo Alvarez

Hahahaha ba't mo ko inunfriend?

Napalunok ako. Sinusubukan ako ng lalaking 'to. Huwag kang marupok, bulong ko sa sarili.

Hindi ko muna ni-replyan at dali kong minessage si Macy.

To: Macy

bitch ihy anong gagawin ko putangina nagmessage sakin si iñigo anak ng

Sinend ko ang screenshot ng conversation namin ni Iñigo at nag-reply agad si Macy. Sunod-sunod ang mensahe niya na halos mag-lag na nga ang aking phone. Nakakainis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MusingsWhere stories live. Discover now