The BIG REVELATION.

250 5 0
                                    

"BBUUUUUULLLLAAAGGGAAAAAAAA!!!"

"Ano ba Eve! Tama na ah!! Tinatakot mo nalang lagi ako eh"

"Ahahahhahahahahahh!!! Sana nakita mo ang mukha mo kanina..!! Ahahahhaahhaha"

" WAG MO NA NGA ULI GAGAWIN YON!!"

"Ahahahha....Grabe ka talaga. Ang dali mong mapa....wait Woah...woah..woah... CHILLAX LANG DUDE!! Sorry... Ok? Sorry.....Pwede ba na........"

"Na ano?"

"Pwede ba...na...na...ano....uugghh...pwede ba na bitawan mo na yang KUTSILYONG hawak mo? Nagbibiro lang naman ako.... ugghh ako eh! ok? Sorry.

- - - - - - - -

"Nangyari na to ah!! Bakit naulit?" tanong ko sa babaeng naka-uniporme

"Ipapakita diyan kung papano at kung ano ang totoong nangyari sa kaibigan mo." sagot niya

"Ha? Papaano?" pagtataka ko

"Maghintay ka lang" eto na naman siya habang naka-ngiti. Wala man siyang bibig, halata parin na nakangiti siya.

"Sige, gusto kong malaman para masagot na ang mga tanong sa isip ko!!"

- - - - - - - - -

~~~FLASHBACK~~~

"Ano ba naman to ha, Iris?!" tanong ni Eve kay Iris

"Ano?!!" padabog na sagot ni Iris

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat eh!! Pano ba napunta sayo tong kutsilyo nato?!" habang ginagamot ni Eve si Iris

"Hindi ko rin alam Eve, pero nagustuhan ko." sabi ni Iris

"Huh? Ang alin?! Anong nagustuhan mo?" tanong naman ni Eve

"Nagustuhan ko na nasugatan ako at kanina nakita ko na ang laman at ang buto ko." sabi ni Iris kay Eve

"Ha?!! Nako...Demonyo ka nga talaga eh noh?!!"

"Ha...Ha...Ha...Ha...Ha..Ha...Ha...Ha...Ha...Ha...Ha...Ha...Ha...Ha...Ha...Ha...Ha...Ha..." Walang tigil si Iris.

Hindi normal ang pagtawa ni Iris dahil bawat HA ay tumatagal ng 3 segundo...bago magsimula ang isa pang HA ay may mga 3 segundo rin... Habang patagal ng patagal ay mapapansin rin ang pagbabago ng boses ni Iris na parang boses D.E.M.O.N.Y.O.

"Hoy Iris! Masyado ka nang masya at puro 'HA' nalang ang naririnig ko sayo! Umayos ka nga! Tumatawa ka ba o nang-aasar?! Binabaan mo pa ang boses mo para mag mukhang nakakatakot ha! Hooyy!! Ano ba Iris para kang bata eh noh! Sinabi ko lang DEMONYO tapos ganyan?"

Sabay ng paghinto ni Iris sa pagsasabi ng 'HA'

"Hayy salamat at tumigil din.. Para kang robot!" pagbibiro ni Eve

"Eve??" sa malumanay na paraan ng pagsasalita ni Iris

"Oh!? Bakit?"

"Ha..."

"Jusko naman... Wag ka namang magsimula!!" sabi ni Eve

" Haek sal jou doodmaak...ek sal jou doodmaak...ek sal jou doodmaak" boses pangdemonyo nga ang boses ni Iris. Napakabilis niya magsalita. Paulit-ulit niyang sinabi ang mga salitang iyon. Walang nakakaintindi sa mga sinsabi ni Iris. Para bang may sinasabi ito na siya lang ang nakakalam...

"Huh? Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Eve

"Sorry, hindi ko napigililan ang sarili ko."

Dream About Alice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon