-AYA-
Kararating ko lang dito sa Manila, medyo mahaba ang byahe hindi na ako naihatid ng Pamilya ko dahil busy sila. Bukas ang start ng klase ko sa Saint Avila University bilang grade 12 student alam ko na rin ang mga schedule at section ko sinend saakin sa messenger kaya ready na ako for tomorrow. Ayos naman ang Tinitirahan kong Condo maayos at affordable. Apartment sana ang kukunin ko kaso pinilit ni papa na mag-condo nalang ako. Atleast mas safe daw ako. 8:30 na ng gabi at katatapos naming mag usap ni mama kinamusta nya ang byahe ko, sabi okay lang ako maayos naman. Bale dalawang sakayan bago makarating ako ng school medyo hassle pero kakayanin.***
WELCOME TO SAINT AVILA UNIVERSITYTotoo nga nakakalula itong school napakalaki at napakaraming estudyante. Kumuha rin ako ng map ng school para hindi ako malito. Walang Uniform ang school na to. Depende sayo kung ano isusuot mo kaya naman may mga babaeng kinulang sa tela ang suot. By the way papunta na ako ng room ko whic is nasa 3rd floor ng SHS building.
Pagpasok ko nasa 20 plus pa lang kami kaya naghanap na ako ng magandang spot nang upuan which is sa bintana kaso may nakaupo malapit dun."Hi? Can I seat here?" sabi ko.
"Yes, sure! BTW I'm Sandy Faith Perez" pakilala nya sabay abot ng kamay nya
Inabot ko naman yung kamay ko atska nagpakilala
"Abbygaile Ayyanna Kate Martinez, Aya nalang" pakilala ko
"Transferee ka? Galing san?" tanong nya
"Oo transferee ako, from Zambales" sagot ko skanya
Lumaki yung mata nya
"Wow! Alam mo bang dream place ko yan" sabi nya
"Hahahaha. Minsan pwede kitang dalhin dun" sabi ko
"Talaga? God thank youuuu" sabi nya with beautiful eyes
"Teka, san ka nakatira?" dugtong nya pa
"Sa SMD Condo Units" sagot ko
"Mag isa ka lang dito?" tanong nya
"Oo" maikli kong sagot
"Yung mama ko kasi Nurse sa Zambales tapos yung Papa ko nasa Bahrain tapos yung dalawa kong kuya may trabaho na rin" dugtong ko skanya
"Ahh. Pati parents ko Doctor pero nasa Cebu sila, tapos Yung kuya ko 1st year college nag aaral din sya dito and sila Lolo at Lola lang ang kasama namin sa bahay" sabi nya
Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin napag alaman ko rin half day lang ang pasok namin. Tumakbo lang ang buong klase namin ng puro pagpapakilala hanggang sa nag bell oras na pala ng uwian. Pero Napagpasyahan namin ni Faith na maglibot dito sa school ito-tour nya raw ako para ma-familiarize ako dito sa school. Una kaming naglibot sa ground ng school sa field, sa court at sa covered court, sa swimming pool ng school, pati na rin garden ng school. Dinala nya rin ako sa Building ng mga college ng university. Nakwento nya rin na dito nag aaral ang kuya nya. Kaya natuw naman ako kasi pareha kaming may kuya. Pasado alas tres na kami natapos kaiikot dito sa school hanggang sa nakasalubong namin ang kuya ni Faith"Faith di kapa nauwi?" sabi ng kuya nya
"Mamaya nalang kuya sabay nalang ako kay Aya" sabi ni faith
Tumingin naman ako sa kuya nya tsaka ngumiti at kumaway
"Btw Kuya and you guys this is Aya my friend" pakilala saakin ni Faith sa kuya nya at mga kaibigan nito
"Hello po? Nice meeting you" nahihiya kong sabi
"Hi Aya, Andy nga pala" pakilala nung isa sa barkada ng kuya ni Faith
"Hello" sabi ko nalang
"I'm Cole, Faith's brother" pakilala ng kuya ni Faith
"Hi po" sabi ko
"Paul here" sabi nung isa
"Hi, Nice meeting you" sabi ko nalang
"Hmm, Hatid na kita" sabi nung Andy saakin na ikinagulat ko
"Alam mo matino yung kaibigan ko, at alam kong hindi sya papatol sayo" mataray na sabi ni Faith kay Andy
"Uuwi na rin kami nyan kuya, magmemerienda lang kami." dugtong ni Faith saka nya ako hinili palayo skanilaDinala nya ako sa may tindahan ng kwek-kwek, fishball, at kikiam basta mga pagkaing kalye. Akala ko maarte itong babaeng to eh mas maarte pa pala ako skanya eh.
"Hoy, ikaw Aya wag na wag kang lalapit sa Andy na yun" sabi ni Faith habang kinakagat yung fishball
"Bakit naman?" tanong ko
"Aba dakilang playboy yun, huwag kang magkakamaling lapitan yun" sabi nya
"Ahmm. Okay sige" sagot ko nalang
Nabanggit nya rin na same way pala ang daan namin pauwi sakanila kaya may kasabay ako palagi.
Nakababa na kami ng kanto kaya lalakarin nalang namin papasok ng village yung bahay ko at bahay nya.
10 minutes na lakad lang at nakarating na si Faith sa bahay nila, mayaman nga tong babaeng to laki ng bahay. Nagpaalam na kami sa isat-isa saka ako lumakad mag isa pauwing condo.
Pagkarating ko sa condo humiga agad ako, feeling ko napagod talaga ako hindi sa paglakaf pero sa kadadaldal ni Faith jusmiyo nakakapagod syang pakinggan.Mabilis lumipas ang araw mag iisang linggo na rin ako dito sa Manila, kaya medyo nasasanay na rin ako. Same routine lang din ang ginagawa ko pagkatapos ng klase diretso uwi kami ni Faith. Its Friday last day ng klase for this week pero may group activity kami pero di parin namin napag uusapan kung san gagawin yun, hindi naman pwede dito sa Condo dahil napakaliit dito at hindi kami masyadong makakagalaw. Tatlo lang kami Ako, Si Faith, at si Marie new best friend namin ni Faith.
Sorry for late update readers. Hihi I try to update everyday
YOU ARE READING
Loving Him Since Day 1 (On-Going)
FanfictionMeet Abbygaille Briella Ayanna Martin a 18 years old typical girl. Maganda, Mabait at Matalino. Hindi ganun kayaman, hindi rin ganun kahirap sakto lang ang pamumuhay nya. Ang kanyang tatay ay nagtatrabaho sa isang kompanya sa Bahrain at ang kaniyang...