Tingnan niyo ito napakaganda talaga ng family picture dito sa salas.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ipakilala ko nalang muna sila sa inyo.
Itong naka orange ang nanay. Siya ang namamahala sa paga-alaga sa amin at sa mumunting palasyo namin.
Ang katabi naman ni nanay, ay ang itay. Ang tatay ay sobrang nagsisipag sa pagtatrabaho para may pang tustos kami sa pang araw araw. Sa umaga siya ay pedicab driver pagdating naman sa hapon suma-side line siya sa pamamasada ng jeep kay Mang Tunying.
Itong nakadilaw naman ay ang Kuya Makmak, nasa kolehiyo na siya ngayon medyo malaki na siya kumpara sa larawan na ito. Ang kinukuha niyang kurso ay Information Technology. Nag-aaral siya doon sa Vocational School sa katabing barangay.
At syempre ang pinakahuli ay ang prinsesa ng palasyo. Ako si Ana, ang paborito ng lahat.
Mayroon naman kaming alagang mga pusa, si Puti and si Itim. Napulot namin siya ni nanay dun malapit kina Aleng Osang noong maliliit palang sila. Sa una ayaw ng itay dahil dagdag lang daw iyon sa alagain at papakainin sa bahay pero sa bandang huli napilit ko rin siya.
"Anak kakain na, tawagin mo na ang tatay at ang kuya mo" utos ng inay. Agad ko naman itong sinunod dahil baka ma-late kami sa pagpasok.
Ganito kami araw araw, palagi akong maaga nagigising, katabi ko kasi ang inay sa pagtulog kaya sa tuwing nagigising siya eh nagigising narin ako. Masaya kaming nagsasalo salo sa hapag kainan kahit ang ulam lang namin ay tuyo (dried fish). Minsan sa tuwing malaki ang kita ni tatay, bumibili siya ng kaunting karne at gulay para maluto ang paborito naming sinigang, pero madalas tuyo (dried fish), itlog, at noodles and ulam namin mula umaga hanggang gabi.
Sabi nga ni inay,
"De baleng ganito ang buhay natin, na paulit ulit ang ulam sa araw araw. At least, tayo kahit papaano may nakakain sa buong araw kasi yung iba wala. Magpasalamat nalang tayo"
Ayan ang lagi niyang paalala sa tuwing sisimangot ako dahil paulit ulit nalang ang ulam.
•••
"Ma, bumili ako ng maluluto, malaki kasi ang kita ngayon"
Agad agad naman akong bumangon sa pagkakahiga sa kahoy namin upuan ng marinig ko iyon.
"Alam ko kasing sawang sawa na itong anak mo sa ulam natin araw araw eh" biro naman niya sa akin ng makita niyang nagnining ang mata ko.
Tinulungan ko ang nanay sa pagluto ng sinigang na baboy, tinuruan niya rin ako ng tamang proseso ng pagluto para daw sa susunod ako naman daw ang magluluto para sa kanila.