Prologue

6 0 0
                                    


Ala una na ng hapon,nasa isang silid si Dein ng naka earphone at nakahiga sa kanyang higaan habang nakapikit ito.

Ito lang naman ang lagi niyang ginagawa buong mag hapon.Mag basa ng libro,magpatugtog at tumatambay sa matahimik na lugar.

Siya si Dein Harold Ilang,ang lalaking mala prince charming ang dating,pero sa kinalalabasan ng mukha nito ay napaka sungit tignan.

*BUGSH!*

Biglang napabangon si Dein dahil sa isang malakas na kabog mula sa sala.

"Away nanaman ata sila mama at papa,tsk."

Tumayo si Dein sa kanyang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto.Hindi niya hahayaang maingay o ano mang gulo sa loob ng bahay nila.Gusto niya kasi,tahimik,relax lang.

"Sa oras ng malaman ko na kasama mo nanaman ang babae mo,lagot ka sakin!wala ka nalang ginawa kundi mag pakalunod sa alak na yan!"

"Ano bang gusto mong manyare?!hah!bakit hindi ka nalang manahimik?!"

"Aba?!sinong hindi matatahimik kung wala kang kusang mag trabaho para sa pamilya naten!..hon baon na baon tayo sa utang!"

"Edi yung pera na pinang iipon mo yun nalang ibayad mo!"

"Ipon?IPON!?..pota..pano ako makakapag ipon kung lahat ng binibigay ng sweldo sakin kinukuha mo tapos ibibigay mo sa babae?!..kulang nalang ibenta ko tong katawan ko para sa bilis ng kita?!ano sabihin mo nga sakin pano ako makakapag ipon kung puro ka nalang hingi!"

"Pwede ba tumahimik ka nalang!"

*Slap!*

"Mama!"

Biglang tumakbo si Dein papalapit sa mama niya na nakaupo na sa sahig.

"Papa?bakit mo sinampal si mama?totoo naman mga sinasabi niya sa inyo!"

"Isa ka pa,Dein!umayos ayos ka sakin kung ayaw mong masaktan!"

Duro sa kanya ng ama niya pagkatapos ay lumabas na ito ng bahay.Tuloy parin sa pag iyak ng mama niya.

"Anak,umalis na tayo rito."

"Ma?pano nalang pag aaral ko dito?"

"Huwag mo ng isipin yun,lumipat ka nalang ng paaralan sa maynila.Dun muna tayo sa tita mo."

"Pero mama--"

"Mag impake kana,ako na bahala sa mga kakailanganin sa school mo.Kumilos ka na habang hindi pa dumadating si papa mo."

Minasdan lang ito ni Dein ang mama niya habang pilit itong ngumiti.Hindi na nagtagal si Dein ay agad na itong nag ayos ng mga gamit niya.

Araw araw nangyayare dito sa bahay nila,puro away nalang nagaganap tuwing magkasama silang mag asawa.Kapag nakasalubong ng papa niya ang mama niya,hihingiin kaagad ng pera.

Sobrang na aawa si Dein sa mama niya.Kaya sobrang nag sisipag ito sa pag aaral para makabawi ito sa mama niya.

***

Ngayon nasa maynila na sila,naka sakay sila sa tricycle patungo sa bahay ng kapatid ng mama niya na si Auntie Rosa.Ang tita niya ay mayaman na ito dahil nag asawa ito ng Mayor.

"Ate?anong ginagawa niyo rito?"

Hindi na mapigilan ng mama niya na umiyak ito sa harapan ng tita niya,nagyakapan sila at pumasok na sa loob.Kinuwento ng mama niya tungkol sa nangyare.Hindi na kasi kayang mamuhay ng tama kasama ng kanyang ama dahil puro problema ang dinadala nito.

"Paano nalang pag aaral ni Dein,Ate?"

"Balak ko sanang dito ko muna siya pag aaralin.Huwag kang mag alala,mag aabroad ako at magpapadala ako ng pera para sa anak ko."

"Ate,hindi mo na kailangan mag padala ng pera sa anak mo.Handa akong tumulong para sa pamangkin ko,diba?"

Napatango nalang si Dein,actually nahihiya na nga siya sa tita niya.Makikitira na nga lang papaaralin pa siya.

"Maraming salamat,Rosa."

"Wala yun ate,ikaw naman kapatid mo ako."

Hindi na ngayon mag hihirap,dahil may tutulong na sa kanila na bumangon pa muli,kundi ang tita niya na napaka bait.

"Gusto ko mag aral si Dein sa isang magandang iskwelahan sa Via Hundred School.Napaka laking skwelahan na iyon dahil sa sobrang dami ng istudyante roon.Doon nga nag aaral si Forda."

"Oh anak,sang ayon ka ba sa sinabi ng tita mo?"

Nagisip naman ng mabuti si Dein.Hindi siya basta basta oo.Pero,wala naman siyang choice kundi pumayag dahil duon naman din ang bagsak niya kesa naman mamili pa,nakakahiya naman.

"Actually,ang gwapo pala ng pamangkin ko noh?"

"Nag mana yan sakin,Hahahha."

***

"Anak,mag thank you ka sa tita mo ha?buti nalang binigyan ka pa ng sarili mong kwarto."

Sabi ng mama niya habang tinutulungan pa itong mag ayos ng gamit niya.

"Opo naman mama,sobra nga yung tulong niya sa atin eh."

"Dibali naman anak,mag aabroad naman ako eh.Makakabawi rin si Mama mo."

Ngumiti nalang ng bahagya si Dein sa sinabi ng mama niya.

"Ang gwapo talaga ng binata ko,osige na magulog ka na.Aayusin ko yung mga papeles at mga kailangan para sa school mo."

"Thank you mama sa lahat."

"Walang anuman yun anak,mahal ka ng mama mo kaya ginagawa ko to."


*3days*

Tatlong araw na sila sa pamamahay ng tita ni Dein.Kumpleto na ang mga kailangan para sa papasukan nyang iskwelahan.Si mama naman niya,aalis na papuntang amerika dahil bukas na ito aalis.

Sabado na ngayon,kahit wala na si mama niya ay nanatili nalang ito sa kwarto niya habang nag babasa ito ng libro.Sa monday na kasi siya papasok at yun na ang first day of school ng August.

"Dein?"

Narinig niyang may kumatok sa pinto niya.Si Tita Rosa lang naman pala iyon.

"Nakita mo ba si Forda?"

Ah,yung pinsan niya.Sa totoo lang di pa niya nakikita yung pinsan niya.Oo hindi pa kahit tatlong araw palang niya dito sa bahay ng tita niya.

"Hindi po,Tita.Di ko pa po nakikita yun eh."

"Ay ganon ba,makikita mo ren yung pasaway na dalaga kong yun.Pasesnya na sa istorbo ha?"

"Ayos lang po tita,sige po."

Walang ka emosyon na sabi ni Dein,ganito naman talaga siya lagi eh.Ang walang ekspresyon sa mukha niya,mukha siyang robot pag ganon pero,ganyan naman talaga siya kausap na akala mo nakakawalang gana.

_____________________________________




A Hundred StudentsWhere stories live. Discover now