Chapter 1

5 0 0
                                    

Ilang oras na nasa kwarto si Dein,napagod na siya sa pag babasa ng libro at ngayon nasa terris na siya upang magpahangin at naka earphone ito.

Ganito nga,gusto niya ng ganito na tahimik at mahangin.Masarap sa pakiramdam,pero may bumabagabag sa isip niya tungkol sa mama at papa niya.

Nakakalungkot kasi,broken family sila,sobrang miss na miss niya yung dating papa na nakilala niya.Yung dating palabiro,masayang kachikahan,pagtutulungan nila sa bukid,lalo na bonding nila sa EK mag ama nung kaarawan niya.Hindi naman niya akalain na dalhin siya duon ng papa niya.

Pero biglang nag bago ang lahat non,nag kaganon ang papa niya dahil sa pagkawala ng bunsong kapatid niyang si Deiah.Oo may kapatid siyang babae,dalawa lang sila.Si Deiah ay 13years old palang ay pumanaw na dahil sa rape kagagawan iyon ng ka trabaho ng mama niya.

Di naman niya masisi si mama nya,dahil hindi rin naman din akalain na mangyari yun.

Napasabunot naman si Dein sa sarili niyang buhok.Masyado na siyang naguguluhan at nalulungkot.Hindi naman siya dati ganito,yung pagiging tahimik,lagi nalang kulong sa kwarto,at palaging masungit.

Napatigil naman siya sa pag iisip ng may napansin siyang babae na umaakyat ito sa gate.Teka pano kaya nagawa yon eh ang laki ng gate nila.

10:46pm na,gabing gabi na may akyat bahay na dito?babae pa?

Lumabas naman siya ng kwarto niya.Bumaba naman siya ng hagdan patungo sa living room.Umupo naman siya doon baka sakaling madatnan siya ng babaeng yun.

Baka nga marunong pa makipag suntukan yun?tapos nanakawin pa mga ibang gamit dito?hindi pupwede yun!

Syempre,nagkunwari pa si Dein na wala siyang alam.Kumuha siya ng magazine at nagpanggap na nag babasa ito habang pinapakiramdam na mag bubukas pa ito ng pinto.

Pinag papawisan na ito sa kaba,siguro naman kaya niya kalabanin ang babaeng yun diba?

Narinig naman niyang nag bukas ang pinto kaya agad siyang umayos at palipat lipat ng page ng magazine.

Narinig pa niyang dahan dahan ang pag sara ng pinto at ang mga yapak ng mga paa nito.Tumayo si Dein at nakita niyang nakatalikod ang babae na paakyat sa hagdan.

"Psst..wag kang gagalaw."

Mahinahong sabi ni Dein,napahinto naman ang babae at napatingin sa kanya na gulat na gulat ito.

"AAAAA!!S-SINO KAA?!MANANG THERE'S A THIEF!HELP MEEE HUHUHU!"

Biglang nagulat si Dein sa pag sigaw ng babae.May napansin naman siyang isang matandang babae na tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila.

"A-asan?!..hoy ikaw anong ginagawa mo dito?!"

Sabi ng matandang katulong,ngayon niya lang ito nakita,kung sabagay eh buong mag hapon lang ito nakatambay sa kwarto niya eh.

Sinapo naman ni Dein ang noo niya.Ang o-oa naman kasi nila.Siya?mukha bang magnanakaw?eh di porket naka black t-shirt tapos boxer?di naman siya naka mask.

"M-MANANG!CALL THE GUARDS!NOW!"

Agad namang tumakbo ang matandang katulong habang si Dein ay relax lang na nakatayo.

Hindi naman siya mapapalayas dahil may taong mag papatunay eh.Di na niya kailangan mag alala at matakot.

Umupo nalang siya sa sofa at tinuloy nalang ang pag babasa ng magazine.

"Aba?ang lakas pa ng loob mo na umupo-upo ka dyan sa sofa namin?walang hiya ka talagang mag nanakaw ka!"

Napansin naman nilang dalawa na may biglang nag bukas ang lahat ng ilaw.Napatingin sila sa taong nakatayo sa may gilid ng hagdan.

A Hundred StudentsWhere stories live. Discover now