FOUR

22 3 0
                                    

M A R O J A

Mag-iisang oras na akong nakaupo dito at kadaldalan si Klara, siya yung nakaupo sa harapan ng upuan ko. Oh diba may frenny agad ako? HAHAHAHA effective yung pasmile smile ko!

Marami na kaming napag-usapan at napagchismisan kasi parehas lang naman kaming madaldal atsaka kumportable na agad ako sa kanya.

Break time na namin at papunta na kami ngayon sa cafeteria habang patuloy parin ang chikahan namin.

"You know what, you look so familiar to me"biglang pagseryoso ng itsura niya at parang inaanalyze ang mukha ko.

"Talaga?"tanong ko na may halong may pagkamangha dahil sa sinabi niya.

Tumango naman siya. "Yun nga lang hindi ko matandaan kung kelan at saan kita nakita basta pamilyar ka sakin"

Hindi na ako sumagot pa dahil kahit sabihin niyang nagkita na kami dati ay hindi ko rin naman matatandaan.

Papasok na kami ng cafeteria at sabi rin niya ay may naghihintay daw sa kanya dito, yung boyfriend niya atsaka yung isa nilang kaibigan. Sana lang makasundo ko sila hehe.

"Ayun pala sila, Maroja. Tara!"turo niya sakin ngunit hindi ko din naman nakita kasi hinila na agad niya ako.

"Babe!"

Agad na tumakbo si Klara papunta sa lalaking nakatayo at nakabuka ang mga braso na parang naghihintay sa yakap ni Klara.

Pagkalapit naman ni Klara sa lalaki ay tulad ng inaasahan, niyakap niya ito plus kiniss pa sa cheeks! Hindi naman sila corny sa lagay na yan.

Humiwalay naman sila sa pagkakayakap sa isa't isa at tumingin sakin si Klara para sumenyas na lumapit. Thirdwheel ako, ganon?

Nag-alangan pa ako kung lalapit ako o hindi pero lumapit na rin naman agad ako. Inakbayan ako ni Klara nang makalapit ako sa kanya.

"Babe, siya si Maroja yung tinext ko sayo na transferee then Maroja siya yung jowa ko, si Klyde"

Pagkatapos akong ipakilala ni Klara sa boyfriend niya ay agad akong ngumiti.

"Nice to meet you, Klyde!"cheerful ko na sabi.

Agad din naman siyang ngumiti sa akin ng malaki.

"Nice to meet you din!"cheerful din niyang sagot. "Pakiramdam ko sasaya si Xavier mamaya pagnakita niya si Maroja!"sabi niya kay Klara.

Natawa din naman si Klara sa sinabi ng boyfriend niya at nag-agree din si Klara sa sinabi ni Klyde.

"Nasan nga pala yung tukmol na yun?"takang-tanong ni Klara sa boyfriend niya.

"Siya na umorder ng kakainin nating apat"nakangiting sagot ni Klyde.

Nagtaka naman agad ako at napansin nila yung pagtataka ko kaya sinagot iyon ni Klara.

"Tinext ko na kanina kay Babe na may bago kaming friend kaya ipinasama ka agad sa pagkain."pagpapaliwanag niya tapos ang masaya pa nito libre pa!

Agad naman akong nagthank you sa kanila pero sabi ni Klyde dapat daw doon ako kay Xavier magthank you kasi siya daw nag-insist na bumili ng pagkain naming apat. First day tapos libre pa yung pagkain ko hahaha pagsinuswerte nga naman!

"Iwan ko muna kayo dito Babe atska Maroja, tulungan ko muna si Xavier doon sa pagdadala ng pagkain natin."

Nagsuggest ako na ako na lang yung tutulong doon kay Xavier sa pagdadala ng pagkain namin dito sa table namin pero agad nila akong kinontra at sabay pa nila akong tinanong ng "kilala mo ba si Xavier?" Napaisip naman ako doon at tama sila hindi ko nga yun kilala hehe. Boplaks kasi ni Maroja hahhaaha!

Pinuntahan na ni Klyde yung Xavier at nagchikahan muna kami ni Klara, dami talagang chismis na baon samantalang ako wala akong machismis masyado hays.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bigla akong nakarinig ng ingay mula sa jowa ni Klara na pinalilibutan ng mga babae.

Napansin ko naman na masama ang tingin ni Klara sa mga babaeng nakapalibot dito kaya agad nilang binigyan ng daan si Klyde para makadaan.

"Eto na ang foods girls"sabay lapag ni Klyde ng apat na fries, apat na carbonara, apat na breadroll at apat na baso na may laman na cheese sticks. Shit, favorite ko 'to kaso wala pang drinks hehe.

"Nasan nga pala si Xavier?"

"As usual nandon pa sa mga babae"naiiling na sagot ni Klyde kay Klara.

"Sabihin mo naman bilisan na niya doon kasi sa totoo lang kanina pa kami gutom ni Maroja"

Luh, dinamay pako? Hahahaha pero totoo naman na gutom na ko simula nang makita ko yung mga pagkain.

"Oh eto na pala ang loko eh!"bati agad ni Klyde sa kaibigan nila ngunit hindi ko makita ang itsura nito dahil nahaharangan ni Klyde.

Siniko naman ako ni Klara at ininguso ang pagkain. Nakita ko na rin na may kinakain na siya kaya kumuha na rin ako kasi favorite ko to eh!

Napansin ko naman na umupo na si Klyde at yung isa nilang kaibigan. Hindi na ako nag-abala na tapunan pa sila ng tingin dahil gutom ako siguro mamaya na lang ako magtha-thankyou hehe.

Susubo na sana ako ng fries pero may pamilyar na boses ang nagpahinto sa akin.

"Hindi niyo ba ipapakilala sakin yung transferee na 'to?"

Agad akong humarap sa kanya at bahagya na nanlaki ang mata ko.

Ang lalaking "minamanyak at pinagnanasahan" sa school na ito ang siya'ng nanlibre sakin sa first of school year ko!

Kumurap-kurap pa ako dahil baka mali yung nakikita ko pero hindi, siya talaga yung kaninang lalaki na humawak sa kamay ko!

"I-ikaw?!"

Napangisi naman siya bago niya ako sagutin.

"Yup, ako nga"mayabang niyang sagot.

"Magkakilala kayo?"

"Kelan pa?"

Magkasunod na tanong ng lovebirds na sina Klara at Klyde.

Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa lalaking na sa harapan ko, siya si Xavier, ang lalaking napakahangin!

Nakangiti siya sa akin na parang may pang-aasar at ang tanging nagawa ko lamang ay irapan siya.

---

A/N:Please do vote, comment, and share. Thank you & Godbless!♡

My Moment With YouWhere stories live. Discover now