02: Her Fault

144 53 9
                                    

Chapter Two

Her Fault

PAIGE

"Damien!"

Lahat kami ay napalingon sa isang tinig ng babae. Malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa kaniya. Maamo ang mukha at abot hanggang beywang ang nakalugay nitong buhok. Base sa suot nitong uniform, mukhang sa iisang university lang sila nag-aaral.

Hindi ko alam pero parang may nagbuhos sakin ng malamig na tubig, 'yong tipong akala mo nag-ice bucket challenge. Parang pinapamukha talaga sa'kin, pinipilit akong gisingin sa kahibangan ko.

Kung anu-ano ang mga iniisip ko. Malamang sa malamang ay hindi ako nito nakikilala. It's been 5 years. Imposibleng maalala niya pa ako. Sino ba namang makakatanda sa isang tulad ko?

Nang makalapit ito ay agad siya nitong niyakap. Bakas sa mukha ni Damien ang pagkabigla sa ginawa nito. Nang kumalas ito ay dali-daling hinila niya ito palabas ng convenience store.

Sana all.

Maya-maya'y tumunog na naman ang chime bilang senyales na may pumasok na panibagong customer. Pero hindi na ko nag-abala pang lingunin ito. Parang bigla akong nawala sa mood.

"Bakit nakasimangot ka diyan?"

Kunot noo ko itong tiningala. Nang mapagtanto kung sino ito ay sumama agad ang tingin ko. "Ano bang pakialam mo?"

Naalala ko na naman ang ginawa nito kanina. Paiba-iba nga talaga ang mood ng lalaking ito. Dahil ngayon ay todo ngisi ang nakakabuwisit niyang mukha. Nakatago sa kaniyang mga salamin ang maloko nitong ngiti. Kung anong kina-inosente ng porma nito ay kabaliktaran ng tunay na ugali niya.

"Sungit," dinig kong bulong nito kaya napairap na lamang ako.

Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa mga binili niya. Ngunit napahinto ako sa isang boteng kulay itim. Napansin niya atang napatitig ako doon kaya naman sinubukan kong iwasan ang mga tingin niya.

"Sorry nga pala kanina." Napakamot ito sa kaniyang batok bago nagpatuloy, "Just call me Parker."

"Why would I?"

Bakas ang pagtatakha sa mukha nito. "H-ha?"

"Why can't I call you by your name,

Nolan?"

Bahagya itong nabigla sa sinabi ko. Imbis na magalit sa sinabi ko ay napangisi lamang ito. Weirdo.

Nang mabayaran ang kaniyang mga binili ay agad na itong nagpaalam, "Paano ba yan? Aalis na ang guwapo," halakhak nito.

Ngunit bago pa nito mabuksan ang glass door ay tinawag ko siya dahilan para mapalingon ito. Napatitig ako sakaniya, 'tila hinahanap ang mga salitang sasabihin ko. Nagtatalo ang isip ko kung dapat ko bang itanong sa kaniya ang bagay na iyon.

Napailing ako. "I-Ingat ka." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko.

Iwinaksi ko ang mga bumabagabag sa'kin. Baka napa-paranoid lang ako. Bakit naman niya gagawin iyon? Wala naman sigurong dahilan para gawin niya ang bagay na 'yon di ba?

Tama, wala lang iyon.

Huwag mo siyang itulad sa'yo, Paige.

Yeah. Right.

***

Wednesday.

"According to that article, it was written by him but it turns out, it was all just a hoax."

Lost with HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon