Chapter 1
Be careful about who you trust, not everyone has good intentions to you
-kanRow, row, row your boat
Gently down the stream
Merrily merrily, merrily, merilly
Life is but a dream
Row, row, row your boat
Gently down the stream
Merrily merrily, merrily, merilly
Life is but a dreamMom used to sing this lullaby song to me when I was little, she played the piano while I sat beside her listening. It was a cool dark place surrounded by doors. I heard footsteps of children passing by at the door laughing. Pinihit ko ang door knob para pumasok ngunit may isang pintuan na naman sa harapan ko, lumingon ako sa likuran ko at nakita ang reflection ng mukha ko at nakitang may babae sa likuran ko, nilingon ko naman ito at bigla itong pumasok sa isa pang pintuan. Hindi padin tumitigil ang kanta at mas lalo pa itong lumakas kaya tumatakbo na ako palabas pero wala akong makitang exit dahil nakakalito ang mga pintuan sa sobrang dami. Nagkadapa dapa ako dahil sa bilis ng takbo ko at para bang hinahabol ako. Napahinto ako sa pulang pintuan at pinihit ko ito ng may humawak na braso sa akin at duguan pa ito.
“AHHHHH!” I shouted and suddenly woke up in bed. I was having a nightmare.
“Kanina pa kita ginigising, binabangungot ka na naman,” ani ng Ate ko na nakatayo sa gilid ng higaan ko. Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil na rin sa takot na naramdaman ko. I’m sweating and I am catching my breath right now. Tiningnan ko ang orasan at nakitang 3:00 AM pa. Naramdaman kung umupo si Ate at hinaplos ang likuran ko, pinapakalma niya pa ako.
“Hindi maganda sa iyo ang kakapanood mo ng mga horror movies, Lianna.”sabi niya habang hinahaplos ako sa likuran. Mas may alam siya sa kung ano ang gagawin sa akin kasi isa lang naman siyang psychiatrist at siya ‘yong naging doctor ko simula pa noong bata ako. I always had this weird dream na para bang nangyari na sa akin noong bata pa ako pero hindi ko naman maalala.
“Kukuha lang ako nang gatas para makatulog kana ulit,” tumayo siya.
“Coffee na lang Ate kasi may gagawin ako,” pahabol na sabi ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin.
“Palpitation, Lianna” she reminded me. I nodded because it is not the time to argue with my sister. Palagi na lang kasing sumisikip ang dibdib ko kapag umiinom ako ng kape, I easily get irritated sa lahat ng bagay kaya Ate always refused to give me coffee that is the reason of my sudden mood of change. Umalis na lang ako sa higaan ko at umupo sa computer table ko. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa kakapanood ng mga kdrama in behind the scene at kung ano-ano pa. Nilapag na ni Ate sa side table ang gatas na tinimpla niya at yumuko siya para tingnan ang pinapanood ko.
“Matulog kana ulit. Baka mga kdrama actors na naman ang mapanaginipan mo at magtitili ka diyan sa higaan mo,” she tapped my shoulder then went outside of my room. I laughed at her and then focused myself to the videos I played. I drank my milk and comfortably sitting in my office chair. Kung ano ano na lang ang pinipindot ko and I accidentaly pressed the weird thumbnail in youtube at nag play ‘yon.
‘Mommy, can you sing a song for me?’ she held her Mom’s shirt and her Mom smiled at her.
‘Come here,’ they both lay in bed and her Mom caressed her hair and started to hum.
‘Row, row, row your boat
Gently down the stream
Merrily merrily, merrily, merilly
Life is but a dream’ she continued to hum.Nabitawan ko naman ang baso na dala ko at nagkaroon agad ito ng ingay, dali dali akong umalis sa harapan ng computer at tinakpan ko ang aking tenga. Naramdaman ko naman na agad pumasok si Ate at dali niyang pinatay ang computer at niyakap niya ako. Umiiyak ako dahil sa takot na nararamdaman ko.
“Hush, everything will be fine,” kalma niya sa akin ngunit hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak dahil para bang naka ukit na sa utak ko ang kantang iyon at kailanman hindi na ito mabubura pa. Simula nang nagkamulat ako sa realidad ay hindi na ako nakikinig sa mga lullaby songs, hindi ko rin alam kung bakit masama ang epekto nito sa akin. I don’t have any dolls inside my room or even in this whole place, walang mga laruang pambata ang naka display kasi may phobia ako doon.
Pinahid ko ang luha ko at tinignan si Ate.
“I want to go back to the place where we belong, Ate,” she looked down and slightly nodded. I know that she don’t want to go back to that place because of me but it’s been a year since we left and I think this is the right time to face my fears. Simula nang tumungtong ako sa middle school ay umalis na kami sa Pilipinas at lumipad papuntang London kasama ‘yong nakakatandang kapatid ko na lalaki. Wala akong maalala kung bakit kailangan naming umalis doon pero they told me na it’s all because of me, they just want to take good care of me and to make sure that I’m safe. Ever since hindi pa rin ako gumagaling. I do have lots phobia and may anxiety rin ako. I can’t barely stand in front of the crowd kasi nakaka suffocate. Ito rin ang dahilan kung bakit wala akong masyadong kaibigan.
“What happened to her?” lumingon kami ni Ate at nakita si Kuya Ford na nakatayo sa pintuan. Kakauwi pa lang ata niya galing party kasi nakasuot pa siya ng button down collar shirt and blazer partnered with dark pants and a leather shoes. Lumapit naman siya sa amin at dinaluhan agad ako.
“Inatake lang ng phobia niya. Magbihis ka na dun ako na bahala sa kaniya” utos ni Ate sa kaniya. Pero hinawakan ko si Kuya sa kamay.
“Please bring me home, Kuya,” i said. He looked confused kaya tinignan niya si Ate, tila ba naghahanap siya nang kasagutan. Bumuga naman ng malalim na hininga si Ate.
“What’s the sudden change,Ate,”tanong naman ni Kuya sa kanya. Pinatayo na ako ni Ate habang umalalay naman si Kuya para pa upuin ako sa higaan.
“She wants to go back, Ford,” she showed an assuring smile. Tumango naman si Kuya at kinuha ang phone niya, he is dialing someone right now.
“I’m sorry to disturb you, Mr. Gonzales. I just want you to booked a flight early this morning papuntang Philippines. We are going home,” pagkatapos niyang paki-usapan ang secretary niya ay hinarap na niya kami.
“I will tell the housemaids to packed all your things. First, you need to take a nap” tumayo na siya at lumabas sa kwarto. Sinamahan naman ako ni Ate na matulog sa kwarto ko and I’m glad na nakatulog na rin ako nang mahimbing.“Attention please, the plane to Philippines is now boarding. Please prepare to get on. Thank you,”
‘I will conquer my own fears to have a better version of myself in the future’