Maraming tanong sa isip ko,
Tulad ng ano ba talagang nagawa ko?
Para bigyan ako ng isang tulad mo.
Tulad ng bakit ba ako ang pinili mo?
Sa kabila ng pagkukulang at pagiging hindi ko perpekto.
Tulad ng bakit mo ako mahal?
Kahit na ako mismo di ko kayang mahalin ng buo ang sarili ko.Maraming gumugulo sa isip ko.
Tulad ng paano kung hindi ko maibigay ang mga bituin sayo at tanging sarili ko lang ang maialay ko sayo?
Tulad ng paano kung hindi ko marating ang mga pangarap ko at tanging ang mga tula ko lang ang maipagmalaki ko sayo?
Tulad ng paano kung may dumating na lahat kayang ibigay sayo, ang mga bituin kasama ang buwan at naabot na ang kanyang mga pangarap?Marami man akong tanong at pangamba,
Lahat yon nawala dahil sa sinabi mo sa aking "Mahal kita."
Wala ng pero at wala ng bakit? Ni hindi ka nagdalawang isip.
Doon ko nasabi sa sarili kong mamahalin kita at hindi na matatakot pa.Sa tulad kong puro sakit ang naranasan sa pag-ibig hindi na ako muling mag-iisip kung tama ba ito para sa atin? Magtitiwala na lang ako sayo at sa itinadhana sa akin ng uniberso.