KABABATA :)

134 3 1
                                    

Sabi nila masarap magkaroon ng tunay na kaibigan yung taong poprotekta sayo, yung taong magpapasaya sayo . Pero panno kung mahulog ka sa di mo inaasahan na panahon sa iyong tinatawag na bestfriend, handa kabang isakripisyo ag pagkakaibigan para sa hinahangad mong pagmamahalan.

Hi! Ako si Christine grade school pa lang ako lagi ko ng kaklase si Mikel. Magkaibigan kasi yung mga mommy naming kaya kung nasaan ako nandun din siya mapalungkot man o mapasaya, sa kulitan man o problema yan si Mikel ang taong laging kakampi ko sa buhay. Sabay din kami nag- college ni Mikel sa UP ( Univesity of the Philippines) . Mabilis kaming nakilala sa school, dahil sa talent namin. Ako ay napabilang sa Cheerleading , si Mikel naman ay pianist ng sarilng banda nila sa UP. Pero di kami nawawalan ng time para sa isa’t isa tuwing sabado nasa mall kami namamasyal tapos tuwing lingo naman ay nagsisimba kaming dalawa. Parang kami di ba pero sana totoo na lang na kami ni Mikel iniisip ko na. Hanggang sa isang araw sinasama niya ako sa praktis ng banda niya. Pagkadating namin din, nagsisimula na ang barkada niya sa pagpraktis at may isang babaeng sumalubong sa amin ni Mikel ang sabi ni Mikel “ Christine meet my girlfriend Aika”. Natulala ako ng pinakilala niya si Aika. Gusto ko na umalis nun pero parang may pumipigil sa paa ko at may bumubulong at nagsasabing “di pa huli ang lahat”.

Pagkatapos ng araw na yun pinilit kong iwasan si Mikel di ko na siya titext, di ko na rin sinasagot ang mga tawag niya. Pero ka hit anong gawin ko tadhana pa rin ang naglalapit sa aming dalawa. Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Mikel, tinanong niya ako “kamusta ka Christine”, sambit ko ay “Ok lang ako “,Pagkasabi kong ok lang ako ay naglakad na ako ngunit hinila niya ang braso ko at nagtanong ng “Iniiwasan mo ba ako” ang sambit ko “hindi busy lang ako sa pagpapraktis ng cheerleading at dali dali akong nagpaalam sa kanya. Dumaan ang mga buwan di na kami nagkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa kamusta na kaya si Mikel ang taong lihim kong minamahal. Isang gabi pagkadating ng mommy ko. May sinabi siya sa akin na balita na nagpaguho ng mundo ko ang sabi niya “ Nak, alam mo ba yung kaibigan mo na si Mikel ay may malubhang sakit sabi sa a kin ng mommy niya”. Di ako makapaniwala sa narinig ko. Tinanong ko si mommy kung saan ospital nandun si Mikel. Ang sabi ng mommy ko “kung balak mo pumunta mag-isa di kita papayagan, bukas pupunta tayo ng umaga ka ya matulog kana” . Buong gabi ko siya iniisip at pinagdadasal na kami papunta sa kwarto ni Mikel grabe ang kabog ng dibdib ko. Nang makarating kami sa kwarto at kakaibang Mikel ang nakita ko sobrang payat at naglalagas ang kanyang buhok habang papalapit ako sa kanya ay umiiyak ako ang sabi niya “Christine bestfriend kamusta ka na ganda mo parin ah” di ako makapagsalita kundi iyak lang ako ng iyak. Nalaman ko na may Cancer siya. Bumuka ang aking bibig at ang sabi “Bestfriend paggaling ka dito lang ako sa tabi mo di ako aalis”. Dumadaan ang mga araw oras minuto at Segundo mas lalo akong nalulungkot malapit na siyang kunin sa akin kaya mas lalo ko siyang minahal a t inalagaan . Isang gabi habang nasa kwarto kami ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ang sabi niya “Christine paano pagwala na ako sino magpoprotekta sayo , sino magpapasaya sayo pagmalungkot ka. Pero wag kang mag alala pag nawala ako . Ako maging guardian angel mo “Napangiti ako at my pakiramdam na iiyak. Kinaumagahan umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng damit ko at kunin yung picture namin ng bestfriend ko. Habang paalis ako at sinasara ko yung gate ay biglang nahulog ang hawak kong picture naming ng bestfriend ko , kala ko walang ibig sabihin ng pagkabasag ng picture naming ni Mikel. Habang nakasakay ako sa taxi ay nagring ang aking phone.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, habang papalapit ang cellphone sa aking tenga. Patay na daw si Mikel habang sinasabi ng mommy ni Mikel ang balita. Ay halos magunaw ang mundo ko. Hindi tumigil ang pagdaloy ng luha sa mata ko .pagkalabas ko sa taxi ay tuloy pa rin ang daloy ng luha sa mata ko. Habang patakbo pumunta sa kwarto ni Mikel. Pagkadating ko kwarto ay tinatakpan na ang labi ni Mikel. Hinawi ko yung doktor at yumakap kay Mikel ng napakatagal at higpit sabay sigaw ng pangalan niya Mikel!. Habang yakap ko siya bumabalik sa akin ang mga masasayang panahon na kasama siya , di ko man lang nasabi ang nararamdaman ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. Nang kumalma ako ay lumapit sa akin ang mommy ni Mikel may inabot na liham. Liham daw ni Mikel para sa akin “ Hi ! Bestfriend paano yan mauuna na ako sayo pero bago yun gusto ko munang malaman mo na MAHAL NA MAHAL KITA”. Mas lalo akong humagulgol ng iyak habang sigaw ang pangalan niyang MIKEL. Sana di ko na lang tinago ang nararamdaman ko =(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KABABATA :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon