XVII

3.3K 214 25
                                    

Hanggang sa nakababa na si Rafael sa stage at isa-isang kinamayan ang mga taong naroroon. Samantalang napako sa kinauupuan si Joshua na hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari. Naputol ang pagkatulala ni Joshua ng maramdaman nito ang paghawak sa kanyang braso ni Luis.

"Halika na Josh, ipapakilala kita kay Uncle Rafael." saad ni Luis at hila nito patayo kay Joshua. Wala ng nagawa si Joshua kungdi ang magpatianod sa kaibigan na hila-hila siya. Ilang sandali pa nga ay nakalapit na ang dalawa sa kinaroroonan ni Rafael.

"Uncle welcome back, oo nga pala ito si Joshua soon to be boyfriend ko." pakilala ni Luis sa kasama nito sa kanyang uncle.

Nanatili naman na tahimik si Joshua at hindi nito alam ang gagawin.

Hindi naman nagustuhan ni Rafael ang narinig nito sa pamangkin, pansin rin nito ang pananahimik ni Joshua na mula pa kanina ay hindi man lang magawa ang tignan siya.

"Mukhang gulat na gulat pa ang kasama mo Luis." saad ni Rafael na ang tingin ay nasa nakayukong si Joshua.

"Josh, heto na si uncle, hindi ba kahapon tinatanong mo ang tungkol sa kanya." saad ni Luis at tapik nito sa balikat kay Joshua.

"Ah uhm, nice to meet you sir." saad ni Joshua at wala ng nagawa kungdi ang ilahad ang kanyang kamay, sa lalaking hindi niya akalain na muling magpapakita sa kanya.

"Nice meeting you too, Josh." saad ni Rafael at kaagad na kinamayan ang namiss nitong si Joshua.

Pagkatagpo ng kanilang mga kamay, ramdam ni Joshua ang marahang pagpisil ni Rafael sa kanyang kamay, kaya naman kaagad na binawi ng una ang sariling kamay.

Nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdid si Rafael sa naging reaksyon ni Joshua. Alam ng bilyonaryong bachelor na hindi basta-basta na muling makukuha niya ang loob ni Joshua, ganunman handa itong maghintay kahit gaano pa ito katagal, ang importante ngayon, hindi na niya muling hahayaan na mawala pa sa kanyang paningin ang tanging lalaking nagpagulo sa buong pagkatao niya.

Wala namang kaide-ideya si Luis sa nararamdaman ngayon ng dalawang kasama.

"Nga pala uncle, isa si Josh sa mga manager nitong hotel mo, at hindi sa pagiging bias ko sa kanya, isa siya sa mga dahilan kung bakit marami ang nagpupunta dito sa hotel na ito." pagmamalaki ni Luis sa kaibigan sa kanyang uncle.

"Siya nga? Salamat kung ganoon Josh, at sana maging ganoon ka rin sa akin, I mean, ngayong ako na ang may-ari ng hotel." nadulas ng sabi ni Rafael.

Pigil naman ni Joshua ang sarili na sagutin ng pabalang, ang malakas ang loob na lalaki na gumawa ng kawalanghiyaan sa kanya noon.

"Of course sir, gagawin ko ang lahat para gampanan ko ng mabuti ang trabaho ko, kaya mawalang galang na po, babalik na ako sa trabaho ko." sagot ni Joshua at matapang na tumingin sa mga mata ni Rafael.

Ramdam ni Rafael ang galit sa matang iyon ni Joshua at naiintindihan niya ito. Ganunman, hindi nito ipinahalata iyon sa kaharap.

"Hindi mo na kailangan pa na magtrabaho ngayong araw, bilang bagong boss mo, i-enjoy mo na muna ang araw na ito para sa pagdating ko, mapagbibigyan mo ba ako Josh?" hiling ni Rafael at gustong-gusto nitong makita ang susunod na magiging reaksyon ni Joshua.

Gaya kanina, pigil ni Joshua ang sarili na mabastos ang bagong boss, hindi niya hahayaan na isipin ng iba na wala siyang respeto, kahit pa hindi naman karespe-respeto ang taong nakikiusap sa kanya.

"Sige boss." sagot ni Joshua.

"Mabuti kung ganun, samahan mo kami ni Luis sa isang mesa." masayang anyaya ni Rafael, kahit pa alam ng binata na napilitan lang ang namiss niyang si Joshua.

"Oo naman sasamahan niya tayo uncle, tara na Josh." masayang saad ni Luis na muling umakbay kay Joshua.

...

Nanatili lamang na tahimik si Joshua sa mesa, habang ang mga kasama niya ay abala sa pag-uusap, na 'di rin niya sukat akalain na magtito pala.

"Nga pala uncle, may anak na lalaki si Joshua at kamukhang kamukha niya ito." kuwento ni Luis sa tito nito matapos ang kamustahan nila.

Parehong gulat ang reaksyon nila Rafael at Joshua sa sinabing iyon ni Luis. Si Rafael na 'di makapaniwala sa nalaman sa pamangkin at ngayon ay maraming mga tanong ang nasa isipan nito. At si Joshua na gustong-gusto ng batukan ang kaibigan na may pagkamatabil ang dila, sa sandali din 'yon ay kinabahan na rin ito, kahit pa imposibleng maisip ni Rafael na nagbunga ang ginawa nitong panggagahasa sa kanya noon.

"Oh may anak ka na pala Josh, ilang taon na siya at saan mo nakilala ang mama niya?" 'di na napigil na tanong Rafael, na labis na nasaktan na may ibang tao ng mahal ang lalaking tanging laman ng kanyang puso.

"Mawalang galang na po sir, ayoko pong pag-usapan ang tungkol sa pribado kong buhay." sagot ni Joshua sa bagong amo.
"At Luis, sana naman hindi mo basta-basta ikinukwento sa ibang tao ang tungkol sa buhay ko." baling naman nito sa kaibigan.

"I'm sorry Josh." hiyang saad ni Luis.

"Hayaan mong ako naman ang magkuwento ng pribado kong buhay Mr Santos, tungkol ito sa naging malapit na tao sa akin noon, at ngayong nakita ko na ulit siya, gagawin ko ang lahat para lang mapatawad niya ako sa 'di ko naman kagustuhang nagawa sa kanya noon." saad ni Rafael sa saloobin nito at seryosong nakatingin sa mukha ni Joshua.

At iyon ang naging hudyat kay Joshua para tumayo na at iwanan na ang dalawa.

"Excuse me." saad ni Joshua at umalis na nga ito.

Naiwan naman na naguguluhan si Luis sa ikinilos ng kaibigan, habang pinagmamasdan nito ang papaalis na anyo ni Joshua, sunod ay tumingin ito sa seryosong mukha ng kanyang uncle.

"Anong meron sa inyo ni Joshua, uncle?" usisa ni Luis.

"Maiwan na muna kita Luis, may importante pa kaming pag-uusapan ni Mr. Yap." iwas ni Rafael sa tanong ng pamangkin.

...

Sa banyo ay 'di malaman ni Joshua kung bakit naiiyak ito ngayon.

'Sinisiguro kong hindi mo malalaman ang tungkol sa anak ko, dahil wala kang karapatan sa kanya.' saad sa isipan ni Joshua habang nakatingin ito sa repleksyon ng kanyang mukha sa salamin.

...

Matapos kausapin si Mr. Yap, kaagad tinawagan ni Rafael ang imbestigador na inirekomenda sa kanya ng una.

"Hello Mr. Florez, alam kong inaasahan mo na ang tawag ko, at gaya nga ng sabi ni Mr Yap, handa akong magbayad ng triple basta alamin mo lang ang mga nangyari sa taong ipaiimbestiga ko sayo." bungad ni Rafael ng sagutin ng imbestigador ang kanyang tawag.

"Understood boss, sino ang importanteng taong ito boss?"

"Alamin mo ang lahat ng nangyari kay Joshua Cruz Santos, sa nakalipas na pitong taon." sagot ni Rafael sa imbestigador.

Puti at ItimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon