Special Chapter: Hand in Hand

2.8K 111 74
                                    

[ONE WEEK LATER]

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Napatingin ako sa wall clock. Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw. Dahan-dahan naman akong bumaba ng kama at nagtungo sa banyo para maligo. Nang makapag-ayos ay hinila palabas ang maleta ko. Kaagad kong nakita si Alexander sa tapat ng pintuan ng Kuwarto niya.

"Ready?" ang tanong niya. Napabuntong-hininga naman ako at tumango.

"I can't believe how time flies" ang komento ko.

"Yeah" ang pagsang-ayon naman niya. "Two weeks more and this semester's over"

Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa elevator.

"At nakakalungkot ding isipin na aalis ka na" ang sabi niya sabay pindot ng up button.

"We can still meet though" ang komento ko naman sabay pasok sa elevator. Sumunod naman siya.

"So, nakahanap na kayo ng matitirhan?" ang tanong niya.

"Oo, si Kuya Peejay ang namili" ang tugon ko.

"I see" si Alexander. Magkasunod naman kaming lumabas ni Alexander mula sa elevator. Sinalubong naman kami ni Glen sa lobby.

"This is the day" si Glen. "Fighting!"

"Fighting!"

"Let's meet the rest in the cafeteria and have dinner breakfast first before we go to the venue."

Sumunod naman kaming dalawa ni Alexander Pinalagay muna namin ang mga maleta sa loob ng bus bago kami pumasok sa cafeteria at nag-almusal.

"Listen, everyone!" ang pagkuha ni Glen sa aming atensyon. "On behalf of the Supreme Student Government of Montecillo University; I would like to thank everyone for your effort to give pride to our University. To our contestants... to our glam team... May you shine the brightest tonight."

"Go, Montecillo!" ang sabay-sabay naming sigaw bago sumakay sa bus at bumyahe patungo sa venue. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami run. Tulad ng inaasahan ay naroon na nga ang mga bus ng ibang University.

"Let's go" ang sabi ni Glen. sumunod naman kami sa kanya.

"Eliah!" ang pagtawag ng isang boses. Natigilan naman kami at napatingin. Sila Kyle, Yessa at iba pang taga-Saint Anthony. "Good morning!"

"Morning" ang bati ko naman.

"Let's take a picture first" ang yaya ni Yessa. Lumapit naman ako at kinuhanan kami ng litrato gamit ang phone ni Yessa. Lumapit naman ako at kinuhanan kami ng litrato gamit ang phone ni Yessa. "Ipopost ko 'to. Tag ko kay."

"Let's get going guys" ang paalam ni Glen.

"Coming" ang tugon ko bago nagpaalam kila Yessa at Kyle. Sumunod naman ako kila Alexander at Glenn.

"We need to go to the stage first for your rehearsals. Kapwa naman kami tumango ni Alexander. Naroon na nga ang event coordinator. Bago ang rehearsals ay ipinaliwanag muna sa amin kung saan ang markers at ang back stage. Naroon na rin ang mga kalahok muka sa Richmond University at iba pang pamantasan. Kaagad kong hinanap si Chad sa kanila. Kumaway ako nang magkasalubong ang aming mga tingin.

"I miss you" he mouthed.

"Me too" I mouthed, too. Nagsimula ang rehearsals. I badly need to adjust with the beat. Sa totoo lnag ay kinakabahan na ako. Pagkatapos ng ilang oras ay mapupuno na ang venue. Pagkatapos ay nagpunta kami sa dressing room backstage. Dalawa ang dressing room. Isa para sa mga babae at isa para sa mga lalake. Kaagad naman akong pinaupo ng Glam Team sa harap ng salamin. Sinimulan naman nila akong ayusan.

Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon