Ang Story ng Buhay Q
Chapter 82: Baliw
Dati hindi ako naniniwala na may mga taong makikilala tayo para ibahin ang takbo ng buhay natin pero tunay pala yun. Mga taong darating sa buhay natin para magbigay liwanag, magpasaya o maaaring magbigay din naman ng kalungkutan. Naniniwala kasi ako na tayo ang may hawak ng ating kapalaran, ang tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran at ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay bunga ng ating desisyon.
Sabi nga, sa buhay marerealize natin na may dahilan kung bakit mo nakilala ang isang tao. Yung iba dumating para subukan ka. Yung iba, para gamitin ka. Yung iba para turuan ka. At yung iba naman dumating para malaman kung sino ka talaga. Meron namang iba na dumating para saktan ka pero atleast natuto ka.
Araw ng paglilinis ng Barangay nuon, magkakasama ang aming barkada para tumulong sa Barangay. Maaga man ngunit masigasig kami kahit mga puyat. Itago na lang natin ang mga kasama ko sa mga pangalang uwel, tano, pochi at alvin. Naglilinis kami sa tapat ng mga Kuya Marling na tapat ng dumaan ang dalawang babae. Sinigawan ang isa sa mga kasama ko, "Huy! Ang sipag mo ah. Himala.. (sabay ngiti ng maganda) "Ganyan talaga!" Sabi ng kaibigan ko. Kapatid pala nya ito . Tapos tinanong ko ang pangalan. Ah! Ang ganda naman ng name nya. Narinig ng isa sa mga kasama naming nuon ex daw! Nya..hehe (di naman pala) Anyway (highway, skyway) yun nga dun ko sya nakilala si cute..haha =D atataw!
Tapos magpefiesta ng bayan nuon, nagkakabit kami ng bandiritas sa kanto ng Sto. Domingo tapos dumaan sila ng kaibigan nyang itago na lang natin sa pangalan na Jenina. (Nakangiti akong nagsalita) "Ui! Ang cute mo tuwing nakikita kita." Sabay alis nila. Haha.snob naman pala. Sabi ko sa kapatid nya, bigay mo naman sa akin number ng kapatid mo para makatext ko." Ay kapatid lowwwbat ako".. "Asus ayaw mo lang ibigay, haha"
Syempre mapamaraan naman ako eh may FB, eh di minessage ko..hehe. hiningi ko number butit ibinigay. Magaan loob ko sa kanya at yun natutuwa naman ako sa mga napaguusapan naming sa fb. Pero di pa ganung kaclose as in close talaga dahil syempre mahiyain din naman ako (ansabe!) oo nga, mahiyain pa ako ng lagay na ito. Nakuha ko nat lahat ang number nya pero di ko pa sinave sa phone ko, hinayaan ko muna sya maburo sa fb. Minsan nawrong sent sya, gamit nya phone ni onat, nagulat ako kasi kakaiba message. Sabi ko, "Huy kapatid ano sinasabi mo? Iba ata gm mo?" Tapos nagreply sya, "Ui, hindi si onat toh, kapatid nya" ah..un naman pala, tapos hiningi ko ulet number nya, mema lang ala masabi..hehe. "Nabigay ko na sayo ah, di mo sinave?" "Ui asa fb ko yun di ko pa lang nakukuha." Pero binigay din naman nya. Ayun dun ko na sya nakatext. Tsaga ko nga gamit ko minsan sa kanya ang globe ko pangtext. Masarap sya kausap, gusto ko ang humor nya. Ang araw ay naging mga lingo at ang mga lingo ay naging buwan. Natutuwa naman ako at nakakausap ko pa sya. Nice!
A gud frnd wud bail yu out of a jail, but ur bestfriend wud be the one sitting nxt 2 yu saying "damn that was awesome." - una nyang text sakin sabay sabing ",gud evening kua mon =D haha (matandain..hehe)
June 18, 2011 umuwe ako ng Calatagan. Syempre mag-sasanjuan nun, papahuli ba ako.haha. Bigla sya nagtext at nagkataon naman nun nagpaprint ako ng mga picture nya hangang sa inamin ko na gusto ko sya. Haha. Takot nga ako nung sinasabi ko kasi baka din a ako replyan at magalit sa akin pero ok naman daw yun, normal lang daw. Ayun, ok na. Nagstart akong manligaw (maging baliw) Andyan ang mga walang kamatayang pick-up lines para mapangiti sya. Tandang-tanda ko pa yung sinabi nya "Abangan natin ang susunud na kabanata." Wow at ako naman desidido mag-abang. (Mr. Tyaga) Sabi ko gusto ko sya Makita, bakit daw? Tinatanong pa ba yun, syempre gusto diba, krasz (crush) mahal pa..hehe
,hehe =D kaka2wa nmn. Oops (happy) - yan ang message na nareceive ko nung sabihin ko sa kanya na mahal ko sya.. at saka naniniwala naman daw sya pero sa lahat ng mga pag-uusap naming dalawa laging may "oooppss, gusto ko lang linawin ha, magkaibigan tayo diba?" oo naman ako, sabi ko darating tayo sa punto na hindi na..haha (nanliligaw kaya ako, ano bas a tingin mo) =(

BINABASA MO ANG
Chapter 82: Baliw
Romanceito yung first story na nagawa ko ng dahil sa pagiging sawi , haha .. pagpasensyahan nyo na po ang nakayanan ko .. masarap magmahal lalo na kung minamahal ka din ng taong mahal mo