Chapter 4: Chat and VC

33 6 3
                                    

Maddi's POV

Nakakaloka matapos ko silang pag tiyagaan na tawagin at hintayin...

Pababa ako ng hagdan papunta sa kusina habang nag-iisip.

"Tatanungin ko ba?" pabulong kong sambit

Hmmm... sa tingin ko kakayanin ko namang tanggapin kung sakaling malaman ko ang totoo.

Habang naglalakad ako papunta sa kusina namin ay naririnig ko na ang pagbabangayan ng aking mga kapatid.

"Bakit ka kasi sumigaw? Hindi mo ba nabasa yung sign na nakakabit sa pintuan ng kwarto ko?" inis na tanong ni Ally.

"Hindi tsaka ikaw na nga itong tinawag para kumain... ikaw pa ang galit." Inosenteng sagot ni Alli.

"Wow!  Thank you hah! Thank you so much!" sarkastikong sagot ni Ally.

"Welcome hehehehe" pang-aasar ni Alli.

Nandito na ako sa bungad ng kusina namin at nasasaksihan ko kung paano mag-asaran at magkapikunan ang dalawa kong kapatid.

So back to my iniisip... tatanungin ko ba sila mama? Tutal malapit na akong tumungtong sa legal age. Dapat ko na sigurong malaman ang katotohanan.

"Maddi! Anong ginagawa mo diyan? Umupo ka na dito at kakain na tayo." Sambit ni papa.

"O Ally at Alli tigilan niyo na yan... ang mga batang ito talaga. Lagot kayo sa mama niyo kapag naabutan kayo nun na nag-aaway."

Natatawa na lang ako sa itsura nila Ally at Alli.

"Papa nasaan nga pala si mama?" tanong ko kay papa.

"May kinuha lang sa garahe. Naiwan niya kasi yung cellphone niya dun." Sagot ni papa.

"Ah okay" mamaya ko na lang sila tatanungin.

"Titingnan ko lang yung niluluto kong sopas baka ma over cook." sambit ni papa.

"Aray!" pagrereklamo ko.

"Sino nag bato nitong kanin saakin? Ang init kaloka kayo." Medyo inis kong tanong sa dalawa.

Ang sakit nun ha sa mata ko pa talaga nag tama. Nang tumingin ako sa direksyon ng dalawa ay wala akong nakuhang sagot at tanging pagtuturuan lamang nila sa isa't isa ang aking nakita.

Haaay... mga alien na ito.

Muli na naman sanang mag babangayan ang dalawa. Pero hindi ito natuloy ng marinig namin ang boses ni mama.

"What's this commotion all about?" tanong ni mama.

Napaupo kami ng tuwid pero hindi ko pa din maiwasan na mapangiti dahil sa itsura ng mga kapatid ko na mga mukha ng natatae. HAHAHAHAHAHA...

Nang makaupo na si mama ay hindi mapakali ang kambal. Halatang mga guilty, isa kasi sa mga rules dito na bawal mag away at magsigawan sa harap ng hapag kainan.

Jusq!

Natatawa na talaga ako...

HOOOH! Hirap pigilin.

Napatingin saakin si mama ng bigla akong mapangiti. Upang makaiwas sa nagtatanong na mata ni mama ay nagkunware akong may hinahanap sa ilalim ng lamesa.

Shocks! Muntikan na ako dun ha. HAHAHHAHA.

"Luto na yung last dish!" masiglang sambit ni papa.

Ang bango! Amoy pa lang natatakam na ako.

"O nahanap mo na ba ma?" tanong ni papa kay mama.

"Oo, hindi ko siguro namalayang nahulog na pala sa kamay ko nung binuhat natin yung mga kahon kanina sa garahe." Sagot ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

F.O NA TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon