Nasaan

3 0 0
                                    

Nag scroll ako sa facebook, puro status ng mga kaibigan kong masasaya sa kanya kanyang buhay. Sa messanger, pagbukas ko wala manlang isang mensahe na aking mabubuksan maliban sa groupchat. Pagbukas ko ng instagram, ni notification wala, at sa feed nakikita ko mga larawan ng mga kakilala ko. Mga larawan na kung ano sila ngayon sa buhay, tungkol sa travel, masaya at mga kuntento sa buhay. Dumako ako sa twitter, andami kong nakikita. Mga rants, mga idol kong nagt-tweet nrrg good morning, good afternoon, at good night. Pero hanggang doon na lang yun. Wala ni isang tao ang pumansin sa akin sa buong araw. Wala ni isang tao ang nangamusta. Wala ni isang tao ang may pakealam. Pinagkasya ko ang sarili ko sa pagkakuntento na ganun talaga. Pero ano ba?! Nakakalungkot na. Wala bang taong papakialaman ako bukod sa aking pamilya?! Di naman ako kulang sa aruga. Lahat ng pagmamahal na kayang ibigay ng magulang ko, natanggap ko na. Pero nakakamura, bakit parang may kulang? Ano bang kulang?

Finding UnknownWhere stories live. Discover now