This is it pansit! My first story. Uhm wag po sana kayo mag expect a kasi first timer pa eh. BTW enjoy reading.!
i dedicate this kay ate Jhing kasi siya yung unang unang author na uhm naka chat ko ditoooo~ at ei ate um doodle mu po ehehe baka matagalan pa ng unti.. XD
Wednesday.Sa wakas. Halos tatlong oras din ang binyahe ko bago makarating sa probinsyang toh. Naalala ko huling punta ko dito noong 11 years old pa ko kasi dito kame nag celebrate ng bagong taon ng pamilya ko. Ganun pa din yung rest house, halos walang pinagbago. Maganda pa din ang lugar, presko ang paligid lalo na ang hangin. Nakakawala ng stress.
“ai! Minie! Nandito ka na pala!”- manang Edna. Sabay yakap sa kin. “nakuh iha! Ang laki laki mo na at lalo kang gumanda. Buti napasyal ka ulit dito. Namiss ka namin.” Dugtong niya.
“namis ko din po kayo manang Edna.” Si Manang Edna. Siya ang katiwala namin ng bahay nato. Tinuring na din namin siyang pamilya.
“manang Edna gutom na ko po. May pagkain po ba?” sabay hawak sa tyan ko
“nakuh oo naman. Pinghandaan kita. Halika ka na.”
Pumasok na kami sa loob. Pansin ko lalong gumanda ang bahay na to.
“oh iha andito ka na pala. Halika kumain ka na.”- Mang Celso, asawa ni Manang Edna.
“sige po sabayan niyo na po ako,” at ayun, nagkwentuhan kami habang kumakaen. Grabe namiss ko sila.
“aa iha mga ilang linggo ka ba dito?”- manang Edna
“mga dalawang linggo lang po Manang eh.” Sabi ko sabay kain. Grabe namiss ko luto ni Manang lalo na tong adobo. Da best.
Nang matapos akong kumain, nagpaalam muna ako sa kanila na mag libot libot sa paligid. Pumunta ako sa paborito kong lugar,. Mataas na lugar siya, kumbaga pag andun ka kitang kita mo yung buong lugar, makikita mo yung mga palayan, mga bahay at mga puno. Tinawag ko siyang Minie’s place. Sa pagkakaalam ko kasi ako lang ang nakakaalam sa lugar na iyon. Halos kalahating oras din akong naglakad. Ng malapit na ko may natanaw akong isang lalaki. “aba. May nakakaalam na pala ng lugar na to.” Sambit ko sa sarili ko. Nang lapitan ko siya, nagulat ako kasi sumisinghot siya. Umiiyak siya. Nilapitan ko siya at binigyan ng panyo. Ng nakita niya ako agad niyang pinunasan ang luha niya.
“tss. Ano ka ba kaya nga kita inabutan ng panyo eh para dito mo ipunas. Oh dali na kunin mo na.” at ayun kinuha na niya. Tiningnan ko siya. Gwapo.
“bakit ka nandito? Alam mo bang pag aari ko ang lugar na to?” sabi ko habang nakatingin sa harap. Ang ganda talaga ditto.
“aa ganun ba. Pasensiya na. aalis na ko.” Nang akmang tatayo siya pinigilan ko siya.
“ep! oi ano ka ba joke lang no! di ko naman totally pag aari tong lugar na to. Eh kasi ako lang naman ang nakakaalam dito kaya inangkin ko na. hehe ^___^v.”
Anu ba yan. Di man lang ngumiti. Ay oo nga pala problemado pala toh.
“pano mo nahanap tong lugar na to?”
“aa ano kasi nag ikot ikot lang ako. Tapos eto napadpad ako dito. Chaka ang ganda dito. Nakakarelax.”
humiga ako damuhan.
“lika gayahin mo ko. For sure mas marerelax ka.” Ginaya naman niya ako.
“oo nga. Ang ganda ng langit.”
“im Minie. Ikaw?” sabay lingon at abot ng kamay sa kanya.
“im Kurt”. Ayun nag shake hands kami.