A Ride Back Home

0 0 0
                                    

"Andyan na siya" sabi nila.
It was my first time in a while, nakita ko siyang paparating gamit ang motor na hindi pamilyar. Kelan pa siya natutong magdrive?

Pumasok siya ng dire-diretso na wala manlang pakialam sa may-ari ng bahay, palagi ba siya rito? Bakit kumportable na siya agad?

Nakita ko ang mga mata niyang nakatawa at ang mga labi nyang nakangiting sasalubong samin, o sa kanila lang?

Bakit pa nga ba ako magtataka? Wala lang pala ako sa paningin niya. Simula nung araw na yun.

Matagal silang nagkwentuhan, binalikan yung mga panahong marami pang kalokohan. Tahimik lang ako, pinapagmasdan ko siya, bakit ang galing niyang makisama sa iba?

Oo nga pala, isa yun sa mga minahal ko sa kanya.

Nagkayayaan na ding umalis, uuwi yung iba at yung iba naman ay may ibang lakad pa.

"Ikaw? Kanino ka sasabay?" tanong sakin ng dati kong kaklase. Nakalimutan ko, san nga pala ako sasakay?

Napatingin ako sa kanya, oo nga pala napag-usapan na namin kanina.

Nakasakay ako sa motor niya. Ngayon lang ulit ako aangkas sa iba, kinakabahan ako. Mabagal lang ang aming takbo, pinapag-usapan namin kung bakit nga ba kami umabot sa ganito?

Bakit nga ba kami naghiwalay?

"Kumusta ka na?" Tanong ko sa kanya. Kasunod ng mga ngiti nyang parang may inaalala.

Nalaman kong may mahal na siyang iba, masaklap lang naghiwalay na din sila. Nakakatawa parehas lang pala kaming wasak.

"Minahal mo ba talaga ako?" Tanong ko sa kanya. Bigla na lamang tumahimik at tila hindi nya na sasagutin.

"Oo" tugon nya, di ako nakapagsalita. Naubos na yata lahat ng mga salitang nais kong sabihin kanina. Naubos na lahat ng tanong simula nung marinig ko ang oo nya.

"Kasi nung nakita kong kasama mo siya, na masaya ka sa kaniya, nagsisi ako. Kung naging matapang lang ako, kung hindi ko inisip ang sasabihin ng ibang tao, sana meron paring tayo"

Binalot ng katahimikan ang aming paglalakbay, sinubukan kong kumapit sa kaniya. Umaatake nanaman ang pagiging clingy ko. Di ko na napigilan ang sarili ko, kinagat ko siya.

Napasigaw siya sa sakit. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. Nakita kong papalapit na kami sa bahay ko.

"Pwedeng payakap?" Tanong ko sa kaniya.

"Sige bahala ka" Niyakap ko siya ng sobrang higpit hanggang sa hindi na siya makahinga.

"Kung sakali, pwede ba ulit maging tayo?"

Tumahimik nanaman siya, ano bang problema? Gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Oo siguro pero depende sa sitwasyon" tumahimik ulit siya "Siguro next time kung okay na ako at okay ka na. Alam mo yun? Yung tayo nalang ang magiging priority ng isa't-isa."

Nandito na kami sa bahay. Bumaba na ako. Umalis siya ng hindi man lang tumitingin sakin. Inaamin ko, mahal ko parin siya. Mahal ko parin siya pero sa tingin ko hanggang dito na lang kami.

Dahil pinalaya ko na siya simula pa nung bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Mahal na mahal kita simula pa nung una, salamat sa mga alaala.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon