Lost

0 0 0
                                    

"Naaalala mo pa ba yung huling beses na kumain tayo sa labas?"

Di ka sumagot.

"Sobrang saya natin nun" dagdag ko.

Wala pa rin akong narinig na tugon mula sayo.

"Yung binigay mo sakin nung araw na yun, nasa akin pa. Tinago ko yun kasi sabi mo ingatan ko diba?"

Nakatitig lang ako sayo. Inilabas ko ang pagkaing baon ko.

"Diba paborito mo to? Sumasaya ka pag kumakain ka nito ee. Gusto mo kantahan kita?"

Nilabas ko ang gitara ko, bumalik ang mga alaala noong panahong tinuturuan mo palang akong gumamit ng gitara.

Nakakatuwang balikan ang mga alaala pero...

"Kailangan ko na bang mag move forward?"

Nag iinit nanaman ang aking mga mata. Hindi ko pa kaya.

Bakit ganito? Ilang taon na ang nakakalipas pero bakit nahihirapan parin ako.

Bakit parang pinag kakaitan ako ng mundo.

Wala ba akong karapatang sumaya? Ginagawa ko naman lahat pero parang nasasayang lang.

"Ma anong gagawin ko?" Tanong ko sayo. Napangiti ako ng mapait.

Pero as usual wala nanaman akong natanggap na sagot sayo. Pano ka ba sasagot?

Diba nga sa mismong harapan ko nung nawalan ka ng buhay?

"Ma sumunod nalang kaya ako sayo? Hindi ko na kasi kaya ma"

Biglang pumatak ang bawat butil ng ulan.

Hindi ako aalis, susunod nako sayo. Tumabi ako sa puntod mo.

"Ma dito lang ako sa tabi mo ha"

Nakasandal ako nang maramdaman kong bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

NARAMDAMAN kong may humahaplos sa buhok ko. Nakakagaan sa pakiramdam.

Tiningnan ko kung kaninong kamay iyon.

Hindi ako makapaniwala, kinusot ko pa ng dalawang beses ang aking mg mata.

"Mama!"

Niyakap kita ng mahigpit habang tumutulo ang aking luha.

"Anak" sambit mo kasabay ng pagpunas ng mga luha sa mga mata ko.

"Ma ang galing, kasama na kita ma"

Natatakot akong kumurap kasi baka namamalikmata lang ako. Ayokong mawala ka ulit.

"Nak, alam mo ba na sa tuwing umiiyak ka, nababasag din ang puso ko. Nahihirapan ako tuwing makikita kang nagsasakripisyo para sa mga kapatid mo. Pasensya ka na anak"

Hinaplos mo ulit ang buhok ko.

"Ma bakit ganun? Ikaw lang naman ang nawala. Hindi naman nawala si papa pero bakit ako lang ang gumagawa ng paraan? Hindi na kami sinusuportahan ni papa, ma"

"Alam ko anak, alam kong mahirap. Pero diba matapang ka? Pinalaki kitang hindi sumusuko diba? Kayang kaya mo yun anak"

"Pero ma"

"Nakikita ko namang hindi nagkulang sa suporta ang nga kaibigan mo. Wag mo kasing hanapin palagi ang wala.  Hindi porket hindi na umaayon sa gusto mo ang tadhana, hindi na maganda ang nangyayari"

Ganon ba ang ginagawa ko all this time? Ako rin ba ang may kasalanan kung bakit miserable ang buhay ko?

"Anak, imulat mo ang mga mata mo, marami pang mga bagay ang hindi mo mahanap kasi tumitira ka pa sa nakaraan, sa mga alaala natin. Huwag mo nang intindihin ang mga bagay na hindi naman importante"

Hinalikan mo ako sa noo. Napatulo ang luha ko.

"Oras na, mahal na mahal kita anak ko"

"Mahal na mahal din kita ma"

"BESS! Bess!"

Naramdaman ko na may yumuyugyog sa aking katawan.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Bess okay ka lang? Bakit umiiyak ka?"

Tama ka ma, marami pa nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon