- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 16: Alexander, the Comeback
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
[Elaine's POV]
"Mii?! . . . ELAINE!" rinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran namin. Isa lang ang taong alam kong maaaring tumawag sa akin ng ganyan. . . .
"El. . ." sabi nina Mia, Aries at Claude na sobra ang pag-aalala
"Kilala mo?" sabi ni Fray
"Oo nga close ba kayo?" tanong ni Leo
"Who the heck is that?" ika ni Third sabay turo kay. . .
"A-Alex?!"
*A/N: Alexander's photo on the right side - - - - - - - - - - - - - - - - ->*
Anong ginagawa niya dito?! Akala ko ba pumunta siya sa ibang bansa? Bakit nasa harap ko siya?
Bago pa man siya magsalita, inunahan ko na siya't tumakbo palabas para salubungin ang sundo namin.
"Elaine! Please! T-Teka ka lang! Elaine!" hinawakan niya ang braso ko't hinarap niya ako kaya naman eye-to-eye kami ngayon. . .
"Ano bang kailangan mo ha Alex?! Bitawan mo nga ako!" susugurin sana ni Jared si Alex pero pinigilan siya nina Fray at Third
"Please let me explain. . . h-hindi ko yun ginusto! Mahal kita Mii! Mahal na mahal! P-Pero binalaan ako ni dad sa- - -"
"I don't need your damn excuses Alex! T-Tapos na eh! Nasaktan na ako, kailangan mo pa bang ISAMPAL sa pagmumukha KO sa pangalawang pagkakataon na HINDI na tayo? na iniwan mo ako sa ere? Na pinagmukha mo akong TANGA?! Ha?" di ko na napigilan pa ang mga luha kong matagal ko ng pinipigilan. . .
"Mii, maniwala ka sakin dad set me up lahat ng yun ginawa ko dahil sabi niya sasaktan ka niya kung hindi ko susundin ang mga utos niya. . . Mii mahal kita, kahit lumuhod ako ngayon, kahit sampalin mo pa ang mukha ko ng ilang beses, kahit ipasagasa mo pa ako ngayon, MAHAL KITA Elaine! Mahal na mahal!" tumingin ako sakanya at bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot at kitang kita ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. . .
"H-Hindi ko alam A-Alex. . . I'm not sure kung paniniwalaan pa kita. . ." tumingin ako sa ibang direksyon pero hinawakan niya ang mga pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay para mabaling sa kanya ang atensyon ko. . .
BINABASA MO ANG
DON'T MESS WITH ME! ❤ (Editing)
Teen FictionCopyright © 2012 FORGETmeN0T. Elaine Clarisse Hera Ocampo "ECHO", is you ultimate spoiled bitch shipped from London. With her girl friends, Mia, Aries and Claude, they will rule their new school. Heaven's Gate Academy, where all rich kids spend...