Chapter 2 - JAYDIE

36 2 0
                                    

"Gale ! Gale! Gumising ka na !" Sabay yugyog sa balikat ko.

Hah? Bakit? Sino ba to? Bakit nya ko tinatawag? *UNGOL*

"Gale kapag hindi ka gumising dyan hahalikan kita!" Narinig kong sinabi ng isang boses lalake.

Nang maintindihan ko ang sinabi nya. Bigla akong napadilat at bumangon.

"Ano?!" Napalingon ako sa bandang kanan ko. Nakita ko ang isang lalake na nakangisi sa akin.

"Kung hindi ko pa sinabi yun hindi ka pa babangon." Sabi nya sabay ngiti.

"Jayd!!" Sigaw ko.

"Hoy! Wag ka nga'ng sumigaw para ka namang nakakita ng GWAPO nyan haha"

"Ang kapal ah! Aga mong mangarap." Bawi kong pang-aasar.

"FYI. 6:30 am na" Sabi nya habang nakatingin sa relos.

"Whaaat?!!" Gulat kung sabi. Napatingin ako sa alarm clock ko sa bedside table.

"What the EF! Late na tayo sa school!" Sabay tingin sa lalakeng nakatingin lang sa akin.

"Mantika ka kase kung matulog eh. Kanina pa kita ginigising ayaw mo namang magpagising. Tapos tignan mo nga tulo laway ka pa." Tapos turo sa mukha ko.

"Aaarrrggghhh! Nakuha mo pang mang-asar ah." Hinampas ko sya ng unan.Pero nasangga nya.

"Kung ako sayo tatayo na ko at maliligo." Tawa pa din sya ng tawa.

"Oo na!" Tumayo na ko at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan.

"Nga pala..." Habol na sabi ni Jayd bago ako pumasok sa banyo.

"Oh! Bakit?" Tanong ko sa kanya na nakataas pa ang isang kilay.

"Ligong tao ang gawin mo ah. Hindi yung magwiwisik ka lang kaya amoy ---"

Binato ko sya ng tsinelas para hindi nya na maituloy ang sasabihin nya. Pero magaling ang loko nakailag. May lahing aso ata to eh.

"hahahahahahaha!" Tawa lang sya ng tawa. Hanggang sa banyo dinig ko pa din ang halakhak nya. Psssh! Ang lakas talagang mangbuska ng lalaking yun.

AFTER SEVERAL MINUTES :

Paglabas ko ng banyo naka bathrob na ko. Hinanap ko si Jayd sa paligid pero wala sya. Siguro si Mama naman ang ginugulo nun sa baba. Hayss! Pasaway talaga ang lalaking yun.

Nagsimula na lang akong magbihis. Pagkatapos maya-maya may kumatok.

"Pasok!" Sigaw ko.

Bumukas yung pintuan. Tinignan ko sa salamin yung reflection kung sino yung pumasok.

"Hindi ka pa ba tapos?" Tanong ni Jayd sa akin.

"Here!" Inabot ko sa kanya yung blower at brush. "Patuyuin mo ang buhok ko para may magawa ka naman hindi yung tanong ka ng tanong." Utos ko sa kanya.

Kinuha nya yung blower at brush. At sinimulan ng patuyuin ang buhok ko.

"Ready na ang breakfast sa baba ikaw na lang ang hinihintay nila tita" Sabi nya habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Ikaw nag-almusal ka na ba? Sumabay ka na samin." Nakatitig ako sa salamin kung saan kitang kita ko ang mukha nya.

"Oo ba! Hindi ako tumatanggi sa grasya." Nakangisi nya namang sagot Sakin.

PG din to minsan eh.

Sa Kusina :

"Goodmorning mama !" Sabay halik sa pisngi.

My BestFriend is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon