Pasko sa Pinas

167 3 4
                                    

Isang araw nalang bago mag-Pasko, at sabik na sabik na si Marvin sa pag-tulong sa kanyang inay sa pag-luto at paghanda ng Noche Buena para sa kanilang pamilya at mga kamag-anak na papunta sa bahay nila. "Inay, maghanda na po tayo ng Noche Buena." Masayang na bigkas ni Marvin. "O sige na nga anak," sagot ni Aling Lita, ang nanay ni Marvin.

At sinimulan nga nila ang paghahanda. "Anong uunahin natin, inay?" Tanong ni Marvin. "Utusan mo nalang si Manong na simulan na ang pagluto ng litson." Sabi ni Aling Lita. Habang inutusan ni Marvin si Manong na nasa kabilang kanto, ay sinimulan na ni Aling Lita ang pag-luluto ng manok. At bago pa nga siya matapos magluto ng isa pang putahe, ay biglang bumalik si Marvin agad-agad. "Bakit ang bilis mo, Marvin?" Tanong ni Aling Lita. "E diba, sa kabilang kanto pa nakatira si Manong." Dugtong pa niya. "Eh kasi nga po nay, papunta na rin po si Manong dito, noong nakita ko po siya diyan sa kabilang bahay po." Paliwanag ni Marvin. "Ah, eh di sige." Sagot ni Aling Lita.

Kaya ganon nga, nag-patuloy sila sa pag-handa. Nagluto sila ng mga putaheng ala Noche Buena.

"Ayan nay, malapit na po tayo matapos." Sabik na binigkas ni Marvin. "Oo nga anak." Sabi naman ni Aling Lita. "Kulang nalang ay ang mga bisita." At biglang tumunog ang doorbell.

Binuksan ni Aling Lita ang pinto at andoon ang kanilang mga kamag-anak. Nakisaya sila, at siyempre, nakipag USAP USAP.

Ilang oras ang lumipas at nag-countdown sila. 5, 4, 3, 2, 1...

MERRY CHRISTMAS!!!

Maligayang Pasko sa lahat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pasko sa PinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon