Aubrielle's POV
"Hoy Guys! tahimik muna may iaannounce lang ako" sigaw ng presidente ng aming klase samin. Pero hindi naalarma ang iba sa sinabi nito.
Kung makikita mo lang ang room namin baka isipin mo nang hindi room to' dahil merong nagpapaipit at nagmemake-up sa kanila kanilang pwesto di mo mawari kung parlor shop o barber shop. Meron ding naglalaro ng mobile legends kasama na don yung boyfriend ko at ng dalawa kong kaibigan, facebook, instagram at kahit ano pang social media apps sa kanilang cellphone. Mayroon ding sigaw ng sigawan dahil naglalaro sila ng Mafia Game daw. At ako eto nakikipagchikahan sa dalawa kong kaibigan na si Hailey at Sabrina.
" HOY! TUMAHIMIK KAYO MGA DEPOTA!MAGKAKAROON TAYO NG CLASS PICTURE NGAYONG ARAW KAYA MAGPAGANDA AT MAGPAGWAPO NA KAYO KUNG AYAW NIYO EDI WAG! LAST NA YEAR NA NATING MAGKAKASAMA OH TAS PANGET PA KAYO?"
At ayon don na kami naalarma sa sinabi niya. Agad agad kaming nagsikilusan nong marinig namin 'yon.
"Aub! lavan na ba yung beauty ko?" sambit ni Ley.
"Lavan na yan kahit di naman tayo magmake up nila Sab maganda na tayo no" pahambog na sabi ko.
"Ayy bet ko yan girl!" pahabol ni Sab
"Tara na baba na tayo baka mawalan pa ng maganda sa class picture HAHAHA" nagsipagsunuran naman sa'kin si Sab at Ley.
"Di man lang tayo inantay ng boys!parang gusto kong magtampo kay Niko ngayon hahaha" natawa na lang kami sa binalak gawin ni Sab sa boyfriend niya.
—————
"Formal muna tayo okay? in 1, 2, 3! Smile!"
"Wacky naman, in 1, 2, 3!"
"Kuyaaa! last 3 shots naman oh last year na namin dito baka pwedeng paramihan" angal ng isa kong kaklase.
"OO NGA KUYA"
"NGAYON LANG KUYA PLSS"
"MAGTITINO NA KAMI PAG PINAGBIGYAN MO KAMI" weh?
"MINSAN LANG MAGING MAGANDA SA PICTURE TONG MGA KAKLASE KO KUYA PAGBIGYAN MO NA" pati tong si Ley na nasa tabi ko nakiangal na din.
"Osige na" agree naman si kuyang photographer. Bait naman pala.
After 123456789 years, charot, After 30 minutes natapos din kami sa photoshoot namin sa class picture namin.
Sinend naman ni Ms. Villanueva sa group chat namin yung mga pictures na gusto namin ipadevelop.
Lumapit sa'kin si Zach at pinakita sakin yung class picture namin. "Baby you're so cute here!" pinisil niya yung pisngi ko. I glared at him.
"I already told you to stop pinching my cheeks, it hurts as hell Zach"
"You're so cute when you're angry and I'm falling for you even more" kinilig ako dito pero galit pa din ako, masakit kaya.
"Hoy, Lovebirds, mamaya na kayo mag away dyan kain muna tayo sa canteen" pag aya samin ni Aeolus habang nakaakbay kay Ley.
"Let's go na sis and Zach kayo na lang hinihintay don. Umoorder na sila Sab at Niko sa canteen." Ley added.
Habang naglalakad kami sa corridor nakaramdam ako na parang may sumusunod sa amin pero wala namang yapak ng sapatos sa likod namin. Napatingin tuloy ako sa likuran. Wala namang tao halos lahat sila nasa canteen at ground na. Why does it feel so weird? Am I hallucinating? Wala naman akong sakit.
"Hey, something's wrong?" may halong pag-alala sa boses ni Zach.
" Ah no, wala, okay lang ako, akala ko lang may sumusunod satin"
"Tinatakot mo 'ko Aub. Gutom lang siguro 'yan" marunong palang matakot tong lalaking to? Takot na mawala ako, char.
"Bilisan na natin, baka nga gutom lang 'to"
Umupo na kami sa table na lagi naming inuupuan and as usual, andun na yung mga pagkain namin. Nasanay na din kasi kami sa gantong situation na sila Sab at Niko ang oorder, si Ley at Aeolus ang susundo samin at kaming dalawa ni Zach ang palaging VIP kapag time to eat na.
Binuksan ko yung cellphone ko at tinignan yung mga class pictures namin para mamili ng ipapadevelop ko. Nakapansin ako ng kakaiba don. Bakit parang may dumagdag dun sa gilid? Napabalikwas na lang ako nung ngumiti ito bigla sakin. Natapon yung soup na kinakain ko dahil sa kaba. B-bat nandun siya?
"Aub! anong nangyare?" ani ni Sab.
"M-may nakita a-ako sa class p-picture natin. N-nandon si a-ano" takot na takot na sabi ko sakanila.
"Sino?" sabay sabay nilang sabi.
"S-si S-Samantha"

BINABASA MO ANG
La Photo de Classe (On-going) / TagLish
Horror₊·͟͟͟͟͟͟͞͞͞͞͞͞➳... 💌 :: (𝘠𝘰𝘶 𝘩𝘢𝘷𝘦 1 𝘯𝘦𝘸 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘨𝘦) Welcome to hell. ~Sam . . . . . Aubrielle Vinyl as Shin Ryujin Hailey Taylor as Ahn Yujin Sabrina Kali as Jung Jinsoul Zachary Shawn as Hwang Hyunjin Aeolus Laxon as Koo Jungmo Nicho...