"S-si S-Samantha"
"What? Aub wag ka ngang nananakot, it's not funny" pagsabi ni Aeolus na medyo natatakot din.
Tumingin silang lahat sa class picture at napamura sila ng sabay sabay dahil sa nakita nila.
"B-bakit nandon siya?" Ley
"What the fvck is she doing there?" Niko
"May kailangan ba siya satin kaya niya to ginagawa?" Sab
"Wala naman tayong ginawang masama ah!" Aeolus
"I bet she just misses us" si Zach na nagawa pang magbiro.
Bakit siya nagpaparamdam?B-bakit ngayon pa kung kelan nakamove-on na kami sa nangyare sa nakaraan. Hindi naman kami ang may kasalanan non pero bakit kami? Bakit kami ang kailangan niyang balikan?
Samantha is a good friend of us. She's cheerful and energetic, isa siya sa mga bumuo ng childhood ko. Pero may times talaga na ayaw ko sa kanya lalo na kapag dumidikit siya samin. I hate it so much. Feeling ko napakaoutcast niyang tignan kapag nakadikit siya samin.
"Balik na tayo sa room natin baka kung ano pa mangyarei satin dito pag naiwan tayo" Sab convinces us to go upstairs.
"Lets' go Aub" inalalayan akong tumayo ni Zach.
Kanina pa nagdidiscuss si Ms.Villanueva pero wala ako naiintindihan sa sinabi niya dahil nakatuon pa din yung isip ko dun sa nakita ko. Alam kong hindi ako namalik-mata don dahil nakita din yon ng mga kaibigan ko. Pero bakit kami lang ang nakakakita? Kasi nung tinignan namin sa ibang phone ng iba naming kaklase wala naman sa kanila. It becomes weirder than before. What does she want from us? Napatungo na lang ako dahil sumasakit na ulo ko kakaisip.
–––––
"Hindi niyo man lang inisip yung mararamdaman ko"
"Wala kayong kwentang kaibigan"
"Bakit kayo pa?Sa lahat ng tao sa mundo!"
"I hate you, I'LL KILL YOU ALL!!"
Bigla akong nagising dahil sa bangungot na 'yon. Nakatulog na pala ako? Pagtingin ko sa harapan nandun pa din si Ms. Villanueva na nagdi-discuss. Kala ko matagal akong nakatulog.
Kahit nababagabag ako sa panaginip na 'yon mas pinili ko na lang na hindi ikwento sa lima kong kaibigan yung masamang panaginip ko. Baka kasi matakot pa sila lalo at kung ano pang eksena gawin nila kapag sinabi ko yung bagay na 'yon.
Pumatak na ang alas singko wherein eto ang oras ng uwian namin. Agaran kong inayos ang mga gamit ko sa bag.
"Aub sleepover tayo sa bahay ni Ley" pag-aya ni Sab with matching taas taas pa ng kilay.
"Sama kami girls" ani ni Niko.
"Sure! Why not? Tara na agad" kumapit agad ako sa braso ni Sab at Ley at tumakbo na palabas ng school. Sumunod na din yung boys samin kagad. Ang saya saya naming pumunta sa bahay ni Ley na parang wala lang nangyari samin kanina sa school.
"Hi Tita! wassup, namiss mo ba kami?" pagbati ni Aeolus sa mama ni Ley at hinalikan ito sa pisngi. Syempre naka domino effect kaming magkakaibigan kaya humalik din kami sa pisngi nito.
"Mom, sleepover daw sila dito"
"Ganun ba? sige paghanda ko lang kayo ng makakain niyo"
Pumunta na sa kusina si Tita at naghanda na ng makakain namin. Umaakyat na kaming lahat para makapag ayos ng gamit namin at kung saan kami mags-stay at matutulog.
Magkakasama kaming mga babae sa isang kwarto at magkakasama naman ang lalaki sa kabilang kwarto. Syempre alangan namang magsama sama kami baka kung ano pa mangyari samin.
Pagkatapos naming mag ayos bumaba na din kami at kumain.
"Laro tayo guys!" Sab
"Maglalaro ba talaga? hindi gagawa ng kalokohan?" kabisadong kabisado ko na mga galawan nitong mga 'to eh.
"Hahaha! laro tayo ng tagu-taguan tutal malaki naman bahay nila Ley eh andaming pwedeng pagtaguan"
"Game na!" sabay sabay nilang sabi.
Nag maiba-alis method kami kaya nagkaroon agad ako kung sino ang taya, at 'yon ay si Zach. Buti na lang at hindi si Ley ang naging taya dahil kabisadong kabisado niya na yung bahay edi nahuli agad kami.
Nagsimula na kaming maghanap ng pwede naming pagtaguan, may mga nagtago sa ilalim ng lamesa, may umakyat sa ikalawang palapag ng hagdan, may mga umupo lang sa sofa kunyari nanonood ng tv, at eto ako pumasok sa loob ng cr at nagcellphone na lang habang naghihintay kung merong papasok sa loob. Maganda 'tong cr nila Ley eh at dito ako umupo sa loob ng bathtub para sosyal at hinarang ko pa yung kurtina sa harapan ko para matago talaga ako.
Na-stiff ako ng may marinig akong kaluskos at pagbukas ng pinto sa cr. Tangina ayan na, mahuhuli na ko. Umayos na ko ng pwesto para gulatin si Zach. Pagkabukas ko ng kurtina bumungad sakin ang isang -------
"AHHHHHHHHHH"
And everything went black.
BINABASA MO ANG
La Photo de Classe (On-going) / TagLish
Horror₊·͟͟͟͟͟͟͞͞͞͞͞͞➳... 💌 :: (𝘠𝘰𝘶 𝘩𝘢𝘷𝘦 1 𝘯𝘦𝘸 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘨𝘦) Welcome to hell. ~Sam . . . . . Aubrielle Vinyl as Shin Ryujin Hailey Taylor as Ahn Yujin Sabrina Kali as Jung Jinsoul Zachary Shawn as Hwang Hyunjin Aeolus Laxon as Koo Jungmo Nicho...