My Gay Fiancé
Written by: Sam Heartbreak
**********************************************************************************
♥♥♥ PROLOGUE ♥♥♥
Naglalakad ako ngayon sa aisle ng simbahan...
In all white, holding a bunch of white roses in my hands, I look at the guy I've always been in love with.
Walking slowly, inalala ko ang bawat nagdaang taon na ginugol ko sa pagmamahal sa kanya.
9 years...
9 years ko nang mahal ang lalaking naghihintay sa 'kin sa harap ng altar...
...at sa bawat hakbang ko papalapit sa kanya, ay unti-unting naghahalo-halo ang iba't ibang emosyon.
Pag-asam.
Pananabik.
Kaba.
Saya.
Umaapaw na pagmamahal.
Eto na akooooo.
Malapit na...
Malapit na malapit naaaaa.
I could feel butterflies, dragonflies, fruitflies... fruitflies?! Ahh, basta, yun na yun. I can already feel them fluttering all over my hungry stomach!
Eeeeh! Kagutom kasi eeeh!
Kakagutom pala 'tong ganito, kung alam ko lang, eh di sana nagdala ako ng kakanin habang naglalakad!
Di bale. Mamaya na'ng pagkain.
Kakaharapin ko muna itong husband-to-be ko sa harap ng altaaaaaaarrr!
This is it!
Is this it?
This is really is it!
Is it?
This is really really is it is it!
Isn't it?!
Waaaaaahhh!
Eto nakoooooooo!
Come to me beybeh!
"Gianna."
"Kenneth."
"Gianna..." He reached for my cheeks, and we stared at each other's eyes with that look... that look of love...
"Yes?" I answered with all the pagpapa-cute effect. :3
His hand went for the strands of my hair, and then.....
"Aray naman! Kenneth naman eeh, panira masyado ng moment!"
Pa'no kasi... SINABUNUTAN BA NAMAN AKO?! Lengyeeee. =_______=
"Eh ikaw naman kasi! May palakad-lakad ka pa nang sobrang slow, tapos kung maka-smile ka pa, parang maya-maya maiiyak ka, feel na feel mo masyado ang moment! Ayy, chaka. Kaloka 'tong lokaret na 'to." sabi niya tsaka ako inirapan.
"Ang OA te ha! Minsan lang 'to, hanubeyyy!"
"Anong minsan? Eh lagi ka nalang ganyan ano! Dati nung high school prom, commencement sa high scool, graduation ball, activities nung college pati graduation, ganyan na ganyan din ang hitsura mo kada lalapit ka sa 'kin! Huuuuyyy, naku nakuuuu! Daydreaming ang peg? Hoy atiiiii, mandiri kaaaa!"
"Eto naman. Masisi mo ba 'ko, eh ang gwapo-gwapo mo kaya! Kakilig ka din mag-stare, killer eyes pati killer smile na sobrang mahal ko!"
"Yucks! Mahal-mahal ka dyan! Ewww haa, magtigil ka! Kadiri much! Killer, eh baka patayin kita!"
"Ayy, hehe, ibig kong sabihin mahal, kasi minsanan ka lang magsmile sa 'kin, madalas irap, kaya, hehe, ganun, mahal ang smile mo, di ko ma-afford." sabi ko sabay peace sign.
"Hmmp, mabuti na yung nagkakaintindihan. At saka ikaw haa, huwag mo nga akong matawag-tawag na 'Kenneth'! Alam mo namang ayokong tinatawag nyan. Kaloka ka talagaaaa."
"Eh, ano, Kendee? Kendee mong mukha mo! Ang bitter mo kaya, wala kang kasweetan sa katawan! Di bagay sa 'yo, wala sa hitsura mo ang pagka-candy!"
"Bakit, sino ba sa'tin ang mas panget ang pangalan? Di ba ikaw? Gee Anne? Ang panget kaya! Parang hindi pinag-isipan kung babagay ba i-combine ang 'Gee' at 'Anne'."
"Eh bakit ba?! Mula sa names ng parents ko naman yan ah!"
"Oo, mula kay Gina at Anselmo! Di maganda ang pangalan mo noh! Pasalamat ka na nga lang at bininyagan kita ulet mula sa pagiging 'Gee Anne' mo sa 'Gianna'!"
"Eh a---"
"Hep hep hep!" he shushed my lips using his index finger. "Shut up na!" inalis rin naman niya ang daliri niya. "Ikaw Gianna, kaka-stress ka! Andami mong kasalanan ngayon! Sinayang mo pa ang oras ko't may hindi pa 'ko naasikaso sa botique! At isa pa, GUTOM NA AKOOO!"
"Oo na, oo na, I give up. Pagkatapos nito, ililibre kitang lunch! Pasalamat ka may pera ako galing sa racket ko! Ikaw kasi ang damot mo sa pasahod!"
"Che! Di kaya kita bigyan ng sahod, gusto mo?"
"De, joke lang boss! Este, madam! Ite-treat na nga kita sa McDo oooh!"
"Ayy, gusto ko yan, sisterrr, gusto ko yaaaan!"
Haaay.....
Eto ang lalaking dine-daydream ko nang paulit-ulit, ang lalaking pinapasaya ako at pinapalungkot at the same time...
...paano kasi, siya ang lalaking kahit kailan ay hinding-hindi magiging akin.
Lalaki? Ayy, oo nga pala. Hindi siya lalaki.
BAKLA SIYA.
Bakla itong best friend slash boss slash love of my life ko for 9 years mula 3rd year high school hanggang ngayon na si Kenneth Dee Villanueva, na mas gustong tinatawag na "Kendee".
Oo na. Oo na.
Inaamin ko na.
Yes, I'm in love.
Matagal na akong in love.
I've always been in this one-sided love affair with Kenneth... my Kenneth, hopefully yet hopelessly my Kenneth.
Kahit ano pa mang itawag sa kanya, bakla, vaklush, binabae, sirena, shokoy, shokla, bading, beki, pa-gurl, gay, at iba pa...
Kadiri man isipin, basahin, at pakinggan, pero oo...
I'M IN LOVE WITH HIM.
I'M IN LOVE WITH A GAY.
I, Gee Anne Silvestre, am in love, and will always be in love with this gay, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death do we part.
Ganyan ko kamahal si Kenneth...
.
.
.
.
.
My GAY Kenneth.**********************************************************************************
Supposedly, one-shot lang 'to, but imagining the plot, feeling ko mahaba-haba ito para maging one-shot story. Chossss! Ang feeler ko lang xD
Vote. Comment. Follow. :)
♥~Sam Heartbreak~♥ :">
BINABASA MO ANG
My GAY Fiancé
RomanceGOOD NEWS: Ang taong mahal mo ay best friend mo na mahal ka rin. BAD NEWS: Mahal ka lang niya bilang "sisterrr". Dahil BAKLA siya, BAKLA ang best friend mo na mahal na mahal mo. Ano ang gagawin mo para mag-iba ang turing niya sa'yo at mahalin ka na...