1. Chat

583 6 1
                                    


Nakita ko sa active now list ko ang pangalan ng isang lalaking hinahangaan ko. Kaya mabilis ang naging paggalaw ng kamay ko upang magtipa ng mensahe para rito.

Hi Simon, musta? pagkatapos kong itipa ang mensahe para dito ay agad kong pinindot ang send button.

Si, Simon Estrager ay ang boy bestfriend slash crush ko. Matagal ko na itong crush simula pa noong Grade seven kami hanggang ngayong mag g-grade eleven na kami. Walang nakakaalam na gusto ko ito dahil wala naman akong pinagsasabihan, natatakot kasi ako na baka pag sinabi kong may gusto ako dito eh bigla ako nitong iwasan.

Napabalik muli ang atensyon ko sa cellphone ko ng tumunog ito hudyat na may nag message saakin.

Binasa ko ang reply ni Simon saakin.

Hello, Zeb, ok lang naman ako, ikaw?. Napangiti ako sa nireply niya saakin bago nag tipa ng reply para sakanya.

Ok lang, punta ka naman dito sa bahay oh, libre moko.

Hahaha... Sabi na nga ba, may kailangan ka talaga sakin kaya ka nag chat ~Simon

Naman, ako pa, ano dali na punta na dito, bored nako sa bahay libre mo nako pleaseeeeeeee.....

Naku, pano bayan di kita pwedeng puntahan dyan sainyo, may lakad kasi ako ~Simon

Ahh, Ganun ba, sige sa susunod nalang:(, reply ko dito na may sad emoji pa sa dulo.

Babawi nalang ako next time Zeb, kahit ano pang gusto mong ipabili bibilhin ko, Promise yan ~Simon.

Promise yan ah?

Oo promise nga ~Simon

Sige next time mo nalang akong ilibre para makapag isip-isip naman ako kung paano ko uubusin yung pera mo:).

Tsk, Mukhang mabubutas nanaman bulsa ko nito hyys ~Simon.

Ok lang yan mayaman naman kayo eh, tsaka nga pala saan lakad mo ngayon?

Sa manila, sasamahan ko si papa dun ~Simon.

Huh manila? Bakit anong gagawin niyo dun?

Bibisitahin namin ang Brave University, ~Simon.

Brave University? Di ba yan yung pinakasikat na paaralan sa manila. Ano naman ang gagawin niyo dun?

Sa Brave University kasi tayo mag aaral, ~Simon

Huh? Ano yun? Bakit tayo diba dapat ikaw lang, ikaw lang naman yung may kayang mag aral dyan eh.

Basta ipapaliwanag ko nalang sayo pag kabalik ko dyan satin, hirap kasing mag explain pag sa text eh ~Simon.

Ah, sige hihintayin ko yung explanation mo hihihi.. reply ko dito habang nakangiti.

Oh, bye na muna sa ngayon Zeb ah, mag ooff line na ako. Magiingat ka ahh, Kumain ka sa tamang oras ~Simon

Kinikilig na nireplyan ko ito.

Sige bye, ikaw din, ingat, bye ulit, Reply ko.

Mabilis ko namang itinago ang phone ko nang makita ang masamang tingin na ibinibigay sakin ng kapatid ko.

Sinong ka text mo? tanong ni Brayl ang kapatid kong Oa.

Wala. sagot ko dito.

Wala daw pero halos mapudpod na ang daliri kaka text.

Wala nga hys, ayaw maniwala.

Tsk, kung wala ka talagang katext ipakita mo nga sakin ang phone.

Wala nga kasi akong ka text hys ayaw maniwala.

Huwag ako ang lokohin mo ate, Alam kong may ka text ka dahil kitang kita ko mula kanina ang pamumula ng pisngi mo at ang pagngiti mo ng mag isa, para kana ngang timang kanina eh, yayakapin ang phone habang mahinang tumitili na akala mo natatae, tapos babalik sa pagtitipa ng mensahe, ngayon tatanungin kita ulit, Sino ang katext mo ate?

Wala nga, hys ayaw maniwala.

Wag kang mag alala ate di ko naman sasabihin kay nanay na katext mo yung jowa mo, basta ba bigyan mo ako ng five pesos.

Bwiset kang buraot ka, at anong jowa wala akong jowa, baliw.

Wala daw, pero nakangiting nakaharap sa cellphone kanina, Ano na ate bigyan mo nako ng five, sige ka isusumbong na talaga kita ka kay nanay.

Edi mag sumbong ka!

Mama si ate may jowa na, sigaw ng kapatid ko.

Mabilis ko naman tinakpan ang bibig nito at dumukot ng limang piso sa bulsa ko tsaka ibinigay sa kapatid kong buraot.

Nang mabigyan ko ito ng pera ay mabilis itong tumakbo papalabas.

Totoo ba ang sinabi ng kapatid mo? tanong ni Nanay na ngayon at nasa likod ko na.

Huh? Ano ba nay, hindi totoo yung sinasabi ni brayl, wag nga kayong magpapaniwala sa kapatid kong yun, sagot ko dito

Siguraduhin mo lang Zeb, dahil oras na malaman kong may jowa kana, nako mapapatay ko yung lalaking pangahas na yun, pagbabanta ni nanay.

Nay, wala nga po akong jowa, hys, Inay naman.

Buti naman kung ganun, alam kong dalaga kana anak. Pero wala ka pa sa tamang edad para mag jowa-jowa na yan, pangaral ni nanay saakin.

Yeah alam ko naman yun nay eh, paulit-ulit monang sinabi sakin yan.

Mas mabuti nang paulit-ulit nang hindi mo makalimutan, sagot ni nanay bago ako tinalikuran at nagtungo na ulit sa kusina.

Wala sa sariling napabuntong hininga ako dahil sa ka istriktuhan ng mga magulang ko at dahil sa pagiging oa ng kapatid ko.

Hirap kasi sa magulang ko, mapapangiti kalang sa harap ng phone may jowa na agad.

Btw, ako nga pala si Zainaleen Zeb Carpio, kilala sa tawag na Zeb. Ako yung taong may  lihim na pagtingin sa kaibagan ko. Teacher ang nanay ko at Pulis naman ang tatay ko ngunit sa kasamaang palad namatay ang papa ko dahil binaril ito. Dalawa lang kaming magkapatid, ako at brayl lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walang LabelWhere stories live. Discover now