Ginawa ko lang kasi wala kaming assignment ngayon :D
Mag-ingay! Woohoo!!
6:30 am
Nagising ako ng maaga para makapag bihis na.
Napangiti ako.
Sa tuwing gigising ako sa umaga, ang ngiti niya ang una kong naiisip.
Sapat na iyon upang mabuo ang araw ko.
Hinanda ko na yung isusuot kong damit at kumuha ng tuwalya sa cabinet bago pumasok sa banyo. Binabad ko ang aking katawan sa mainit na tubig at hindi namalayang naka-idlip ako.
Naaalala ko ang mga panahong magkasama kami.
....Unti-unting sumasagi sa isipan ko yung una naming pagkikita. Natapunan niya ako noon ng ice cream habang naglalakad ako pagkatapos ng mass.
“Gosh! I’m so sorry. Are you alright? Sorry po talaga kuya! Halla, bibilhan nalang kita ng bagong shirt. Sorry talaga!”
“Hindi mo kasi tinitignan yung dinadaanan mo miss eh! Ayan tuloy!”
Pero nang i-angat ko yung ulo ko para makita yung nakatapon ng ice cream sakin, Nakakita ako ng isang anghel. Anghel na tila bumaba galing sa langit upang sunduin ako. Haha, alam kong corny, pero yun kaagad ang sumagi sa isip ko nang makita ko yung maamo niyang mukha.
“Ahh.. eh.. Wag na miss! Okay lang ako. He he he. Malilinisan ko naman kaagad ‘to”
“Papalitan ko nalang talaga yan. Mukhang wala nang pag-asang malinisan yan eh..”
Tapos hinila nalang niya ako papunta sa mall na malapit lang sa simbahan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pumalag. Parang naging manika ako na hila-hila niya kung saan.
Parang kalian lang nang una kaming nagkita. Ang paglakad niya, pag ngiti, lahat ng detalye, nakabisado ko kaagad.
Kinuha ko noon yung contact number niya para maka bayad naman ako kahit papano sa damit na binili niya. Kasalanan ko rin naman na natapunan ako kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
Nalaman nalang namin na pareho pala kami ng school na pinapasukan nang tinext ko siya. At eventually, naging magkaibigan kami.
7:15 am
Nagbihis na ako para pumunta sa ospital. Mas maganda siguro kung maaga akong pumunta kahit 11:30 pa ang scheduled operation niya.
Habang nagmamaneho ako, hindi ko nanaman mapigilang mapangiti nang naaalala ko yung unang labas namin. Niyaya ko siya sa Enchanted. Dun ko binalak umamin sakanya tungkol sa nararamdaman ko pero fail.
Plano ko sanang umamin sakanya habang nakasakay kami sa roller coaster. Ang kaso lang, hindi niya narinig sa kasisigaw, kaya naisipan kong after nalang siguro ng ride.
Sasabihin ko sana sakanya nang makababa na kami pero tumakbo siya papuntang
banyo at nagsususuka. Hindi ko naman siya masamahan kasi bawal ako dun. Nagyaya narin siya kaagad umuwi kasi nahilo raw siya. Hahaha, kahit kalian talaga fail ako magplano.
7:50 am
Nakarating na ako sa Hospital at dumiretso muna sa chapel para magdasal.
“Goodmorning Shanna!” sabi ko habang naglalakad papunta sakanya sa school.
“Goodmorning rin Francis! Teka, ano yang nakatago sa likod mo ha?”
“Wala, paki mo ba?”