__
3.
Nandito na ‘ko sa school. Ang aga ko naman. 6:40 am pa lang eh 7 am pa time namin. Hayy. >___< Eh kase sumabay ako pagpasok kay Ate. Oo, may Ate ako. Si Bianca Louise Villanueva. NAPAKAMALDITA! Nakakairita minsan pero pag good mood sya, nililibre nya ko :3 Hahaha, moody din yan. 1st year college na sya.
Nandito ko sa soccer field ngayon. Ang aga pa kase. Yung gamit ko, nasa room na. FRESH AIR! =)))))))))) Ako nga pala ulit si Princess Sophia Villanueva, 3rd year high school dito sa East Valley Montessori. Malapit lang din dito yung school nila Ate. Buti pa yun kahit sobrang maldita, MADAMING MANLILIGAW! Eh ako?! Meron naman, isa. Hehe. Ang tagal na din nyang nagtatyaga sakin. Kaya lang, ayoko talaga sa kanya. He’s a stalker! Grabe, nakakairita lang. Gusto niyo ng sample? Eto flashback:
* F L A S H B A C K : 2nd year high school; 3rd grading*
Pauwi na ‘ko. Sabi kasi ni Ate sabay na daw kami kaya naglalakad ako papunta sa school nila. Ang dilim na! 7:30 pm na kasi. Eh kase naman, ngayon lang kami natapos sa pag-aayos ng room para sa teacher naming! Ayan, kelangan ko tuloy maglakad dito sa madilim na kalsada. Takot pa naman ako sa dilim. >3<
May naririnig kong mga kaluskos sa likod ko. OMG. Totoo kaya yung mga kwento ni Jelai sakin na may gumagalang multo daw dito? Hala. Loooord, tulungan nyo po ako. T^T
Di ko pinansin yung mga naririnig ko. Baka imagination ko lang. Pero lumalakas eh. At mas lumalapit sakin. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa para tawagan si Ate. Kase in any moment, baka mapatakbo na ko pabalik sa school. Ayoko na talaga. TTTTTTTTTT^TTTTTTTTTTTT
Tinry kong i-dial yung number ni Jelai pero wala na pala kong load. Ang tanga lang. Aa, wala talagang kwenta cellphone ko =(((((((((((((
Ayan na, malapit na ko sa school nila Ate. Buti naman may ilaw na dito. NINJA MOVES: ON. Tumakbo ko ng mabilis papunta dun sa poste at nung nakita ko na papalapit na yung anino ng sumusunod sakin, hinampas ko sya ng paying ko.
“Ayan, buti nga sa’yo. Walangya ka! Mamatay ka naaaaaaaa!” sigaw ko sa kanya habag pinapalo ko sya ng paying.
“P-princess, t-tama na.” teka… kilala ko ‘tong boses na ‘to ah!
“Rei?” tanong ko sa kanya. At tama nga ako. Si Rei nga! Ang masugid kong manliligaw. Shet, nabasag ko yung salamin nya. Maygaaaad. Hala, anung gagawin ko?! O__________O
“Rei, ano… Sorry. Akala ko kasi member ka ng wakwak gang. Ano, s-sorry talaga. N-nabasag ko pa yung salamin mo. Papaltan ko na lang. Sorry.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya. Hala, baliw na ba ‘to?
“Hehe, ok lang. Madami akong ganyan sa bahay. Kasalanan ko din naman eh. S-sorry din. Sige, una na ko. Buti naman napansin mo na ‘ko.” He just smiled at me at boom, tumakbo na siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Si Peter Andrei Rivera, isang nerd. Ewan ko ba kung anung nagustuhan nya sakin. Pero kahit anung gawin nya, di ko parin sya gusto e. =((( Madaming beses naulit yan, maraming beses ko rin nasira yung salamin nya. Minsan, susulpot sya sa umaga. O kaya magtetext tuwing gabi.
From: Rei
Mas maganda ka pa sa gabi aking prinsesa. Nawa’y bigyan mo ng pansin ang aking pagtingin, paghanga at pagmamahal sa isang magandang binibining tulad mo.
SHET YUCK KADIRI EWW. Nakakamatay! :O Oo, ganyan ang mga text nya. Di mo akalain na isang NERD, magtetext ng ganyan sakin. Better stay single, ayt? =))))))))))) Pati malay mo, mapasakin pa si Fafa Josh. <333 :”””>
* E N D O F F L A S H B A C K *
Odba? Yan ang story namin ni Rei. Basta wala pa yan sa kalingkingan ng kaya nyang gawin. Minsan biglang susulpot sa party na pupuntahan ko. To make sure na ok lang daw ako. Shet lang. Di ko lang masabi sa kanya na nakakasakal na. Di naman kami eh. Pati di ko ginusto na manligaw siya. Hayy, lalaki nga naman. Tsk.
6:55 na pala. Tagal ko din nagdaydream. Pabalik na ko sa classroom nang nakasalubong ko sya…..
… si Paris Antonette Porca, ang girlfriend ni Joshua Nacional <//////////3
Ang sakit lang, haha. =((( kase nasakanya na lahat. Maganda, matalino, sikat at sya ang GF ni Joshua. Marami din syang haters kase nga sya yung girlfriend pero alam nyo kung ano ang pinakamasaklap sa lahat? Yung kahit anung sabihin ng iba, pinagtatanggol parin sya ni Joshua.
Nakasalubong ko sya kasama ang mga kaibigan nya. Sila Britanny Nicole Gomez at Destiny Ivet Maranan. Katulad ni Antonette, sikat din sila. Sila ang tinuturing na prinsesa sa school na ‘to. K, I don’t care. HAHAHA.
Pumasok na ‘ko sa room. Wala pa si Jelai. Oo, classmates kami. Syempre, we’re to be together forever. XD. Nasan na kaya yung babaeng yun? Di man lang nagtetext.
Dumating na yung teacher naming, pero wala parin si Jelai. Hala, nasan yun? :O
JOSHUA’S POV
Hanggang ngayon, iniisip ko parin yung nangyari nung nagpunta ako sa ospital. Ganto kase yun, naospital kasi si Leslie. Sya yung pinsan ko. Eh nalaman ng media na papunta kami dun kaya syempre, hinintay nila kami sa labas. Eh sakto na nandun kami ni Irish, kapatid ni Leslie. Ayun, sigawan yung mga media blah blah blah.
Ang alam ko talaga, nasa likod ko lang si Irish kaya nung may sumigaw ng pangalan ko, hinila ko sya. Pumunta kami sa rooftop. Di ko na sya nilingon dahil confident ako na katabi ko lang sya. Nagulat na lang ako nang nakita ko na iba pala yung nahila ko. Ibang babae. Hala! :o
Buti na lang di sya nagalit. Pero bakit parang nag-iba yung itsura nya nung nakita nya yung wallpaper ko? May crush kaya sya sakin? Hehe, yabang. =)))))))))
PRINCESS’ POV
Break time na dumating si Jelai. Masakit daw kasi yung ulo nya kaninang umaga. Ewan ko kung totoo, hehe. Di na mahalaga yun, atleast may kasama na ko ngayon. XD. Buti na lang wala kaming quiz. Kundi, patay! XD. Kasama ko sya ngayon. Free time namin. Gala gala kami ni Je dito sa may gym. =)))))))
“Ano bakla, nagtext na sa’yo si Joshua?” tanong nya sakin.
“Shh, ang ingay mo. Baka marinig ka nila. Aish”
“Anukaba? Ang tanga lang. -___- madaming Joshua sa mundo, HELLOOOO!” ay oo nga no? Ba’t di ko ba naisip yun? Pahiya tuloy ako. Eh kase naman, iisa lang ang Joshua sa buhay ko. <3 wiiit! Hahaha, chenes. :D
Nagvibrate yung cellphone ko. Wait,
From: 0915*******
Hi, Sophia. :’)
Hinablot bigla ni Je yung cellphone ko. “WAAAAAAAAAAAH! SIYA KAYA ‘TO? BEEEEST, ANG SWERTE MONG BRUHA KAAAAAAAA! REPLYAN MO DALIIIII!”
Nireplyan ko: Sino 'to?
From: 0915*******
Si Joshua. Patrick Joshua Nacional.
EMEGED, IS THIS FOR REAL? TINEXT AKO NG LALAKING MATAGAL KO ANNG PINAPANGARAP. PWEDE NA KONG MAMATAAAAAAAAAAAAAY! :O =))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))
____
Cliffhanger. Hiii! Sabaw ang update, Writer's block eh. Sorry! =))) Belated, Ivetfriend. :>
BINABASA MO ANG
Foolish, Young and Inlove [ONGOING]
RomanceSi Princess, isang simpleng taga-hanga ng The Legends. Anong mangyayari sa buhay niya kapag nakasama na niya ang banda? Magugulo ba ang buhay niya? Abangaaaan. :))))