Chapter 4: Wedding x Street Food

1K 71 14
                                    

Clyna

Napasalampak na lamang ako sa aking kama at bored lang na nakatingin sa kisame ng aking walang kabuhay-buhay na kwarto. 

So... my brother is getting married, huh?

Good for them.

Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Tinatamad ako pumunta sa kasal but I can't miss my brother's wedding, I just can't. Wedding nilang dalawa 'yon ni ate Sania and magtatampo sa akin 'yon si Kuya.

Hayy... I hate this boring life!

It's been years since nang ma-enjoy ko ang social life ko. 

Everyday is always the same cycle of my life. 

Tuwing weekends naman nasa gym ako para physically fit pa rin kahit stressed sa work. To be honest, this is kinda sickening. I want something familiar. Something that I've felt this past six years. 

Aahh, I miss her~

I just couldn't bring myself to forget the times we spent together. The moment we had. It was short but sweet.

Natawa na lang ako sa mga na-iisip ko. It's really hard to forget the person that you've never had for yourself.

I wonder if she was invited. Of course, I'm so foolish to think that she wasn't.

Bago pa ako tamarin ng bongga ay tumayo na 'ko at naghanda na ng isusuot ko sa kasal ni kuya. Naligo na ako at siniguradong sobrang ganda ko. Well, I can't also miss the chance to show how gorgeous I am.

Soy preciosa!

Nang matapos ako ay agad na akong umalis sa bahay na pinag-sstay-an ko. My parents were not really happy that hindi ako nag-stay sa kanila after nang makabalik kami dito sa pinas. Well, I really have something to deal with myself. I hope, maintindihan nila Mom though I felt guilt but... nothing.

Habang nagmamaneho ako, narinig kong nag-ring yong phone ko. It was my Mom. Sinagot ko ang tawag at masayang bumati sa Mom ko. 

"Hello, Mom!"

"Clyna, you're taking so long. Nasaan ka na?" tanong ni Mom--Clain.

"I'm here na po, Mom. Mag-park lang ako." sambit ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Mom. Hindi ko naman siya masisi, bakit kasi tinatamad ako.

"Osiya, sige. Bilisan mo ha malapit na mag-start kasal ng kuya mo." sabi pa nito. 

"Yes, Mom. Bye, I love you!"

Ang sinabi kong nandito na ako, totoo 'yon. Nag-park na ako at bumaba na sa sasakyan ko. Malapit lang kasi ang tinutuluyan kong bahay dito sa wedding venue ni kuya. Actually, may bahay kami dito eh. Dapat pala don na lang ako tumira total naman eh puro mga kasambahay lang ang nandito. 

Nakita kong nag-start na yong kasal at nakita ko na si ate Sania naglalakad papunta kay kuya. Kitang-kita ko 'yong saya ni kuya, medyo nagluluha ang mga mata niya. Masaya ako para sa kuya ko. 

Nakita ko si Mom na umiiyak at inaalo naman siya ni Mama Jin na paiyak na rin. Aaaahhh, naiiyak rin ako!

Pinunasan ko 'yong kunting luha na kumawala sa mga mata ko. Aaahh, ang pogi ng kuya ko sa kasal niyaaa! 

After nung I do's nilang dalawa ay natawa naman ako nang suminghot si kuya ng sipon niya. Ako lang ata nakahalata na sininghot niya 'yong sipon niya. Naghiyawan ang lahat nang mag-kiss 'yong asawa. Grabe, sobrang saya nilang dalawa. Ang sarap lang nilang dalawa titigan.

Nang matapos ang seremonya ay naramdaman kong nag-ring at nag-vibrate 'yong phone ko. Nakita ko si Mom na naman.

"Nasaan ka?" mahinahon ngunit seryosong sambit ni Mom. Akala siguro ni Mom hindi ako nakapunta.

Chased By A Beautiful Woman (gxg)Where stories live. Discover now