Kaibigan lang pala

37 2 0
                                    

     Hindi ko na mabilang ang mga segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon na ako ay napasaya, napaiyak, napangiti at naging inspirasyon sa pangaraw-araw ang babaeng namumukod-tangi. Mga bagay na naging daan upang mas lalo ko pa syang  mahalin ng lubos. Hindi ko nga alam kung paano at bakit ako nahulog sa kanya. Mga araw na kasama ko siya, mga projects na nagtutulungan kami at mga recess na nagkakasabay. Basta’t alam ko, “Mahal ko sya!” at “Mamahalin ko pa ng sobra”. Sabi nila nagpapakabaliw na daw ako sakanya, dahil sa mga pinaggagawa ko. Nagiging bolero na rin yata ako, dahil sa mga pinagsasabi ko. Parang sinungaling na rin, mga pangako na hindi ko matupad, pero pinipilit ko namang gawin para mahalin nya rin ako. At sabi rin nila wag na daw akong umasa kasi wala naman daw siyang gusto saakin, wala daw kasi ang mga katangian na gusto nya. Basta’t alam ko, “Mahal ko sya!” at “Mamahalin ko pa ng sobra”. Ganun ba talaga ang nagmamahal? Masasaktan at masasaktan ka talaga ng sobra, ginagawa mo naman ang lahat para mahalin ka rin. Pero kahit anong gawin ko ay wala parin, hanggang kaibigan parin yata talaga. “Hanggang kaibigan lang talaga!” iyon ang katagang mahirap tanggapin subalit kailangang aminin na wala talagang pagasa. Mga katagang “hindi lang naman ako ang babae sa mundo, bakit ako pa?, “ , ganun ba talaga ang babae? Hindi nila maintindihan ang nararamdaman ng lalaki? Hindi ba nila naiisip kung gaano kasakit ang mga nasasabi nila sa kagaya ko? Pero kahit ganoon inaamin ko na masarap din silang magmahal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan lang palaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon