Minsan masarap talagang mag mahal.
Pero di maiiwasan ang masaktan, Sabi pa nga ng iba katambal na ng "PAG-IBIG" ang salitang "SAKIT". Madami ka pang pag dadaanan bago mo mahanap yung taong itinakda sayo. Marami pang maling taong papanain si Kupido bago mo mahanap yung sabihin na nating "TADHANA MO" corny no? Well yan ang totoo.I'm Zhanaira Kapili, 18 years old. Maagang nakipag sa palaran maiahon ko man lang ang aking pamilya sa kahirapan.
Zhaira pov
"From now on your gonna work here, Our boss live in here. So behave and be good. Don't let the chef be mad ha, she had a short temper"
Paliwanag nitong babaeng nag pasok saakin ditoWell ayon iniwan nya na ko, pag pasok ko andito yung isa sa katulong na makakasama ko si Ate Delia daw. Muka syang strikta na mabaet, and yung Chef hmmm Muka syang sa Thai film (HAHAHAHHA naiimagine nyo ba?)
At ang taray ha! May dalawang body guard/Driver pa dito .
Sobrang manghang mangha ako habang nililibot ko ng paningin ang bahay."Dai anong pangalan mo? Halika dito ang kwarto natin" Sabi ni ate Delia, habang nag aayos ako ng gamit nag kwekwento sya
"Ako po si Zhanaira, zha na lang po itawag nyo saakin" pakilala ko habang tinuro nya ang higaan ko.
"Nag dala ka ba ng mga Sabon mo? Pagkaen? Pera" napalaki ang Mata ko sa sinabi nya
May dala naman akong mga gamit sa katawan, ang problema Wala Kong dalang pagkaen. Libre na daw kasi sabi ni Zeline (sya yung admin na nag pasok sa akin)
"Ano pi kasi.... Wala po kong dalang pag kaen pero meron po akong mga Sabon, at 1k na pera po" Nahihiyang Sabi ko
"Ganon ba, wag Kang mag alala ishe- share Mona Kita saakin habang Wala pang sahod"
See mabaet naman sya e. Nag patuloy lang ako sa pag aayos ng gamit ko"Taga saan kaba dai? At Sino nag pasok sayo dito?" Tanong ni ate
"Taga Pangasinan po ako Ate , kailangan po makipag sapalaran e hehehh" Sabi ko at matapos mag ayos. Ginayak nya ko palibot ng bahay para daw ituro saakin mga gagawin ko
"Ito ang gym nila boss pag umaga pupunasan lang Ito ng kaunti" tatango tango naman akong nakasunod Kay ate Delia
"Ito naman ang main kitchen dito niluluto ang pagkaen nila boss, 9am, 3pm, 5pm at midnight snack yon ang oras ng pag seserve ng pagkaen nila.
Sympre mag seserve din tayo, pagkatapos ligpit, hugas linis ng Mesa. Tapos busy lang tayo pag may mga inuman sila Lalo madaming nadayo dito na mga kaibigan at investors nila" paliwanag ni ate. Grabe ang taray nila ilang beses nakaen samantalang sa amin tatlo minsan dalawa nga lang e. Tanghalian at hapunan lang..."Ito ang kusina natin dito tayo kakaen, dito tayo mag luluto sa dirty kitchen at dito mag lalaba.
May washing naman at di maarte ang mga boss sa damit. Dito na rin isasampay.
Minsan mag lilinis tayo ng mga bintana pero yon medyo madalang naman.
At nga pala inday (taray may sarili syang tawag sakin inday hahahah) pag my boss na bumaba ganito gagawin mo" sabay dinemo nya sa akin Kung anong ilalagay. Bowl na maliit , chopsticks, at spoon para sa soup."Ganyan lang tapos pag matapos sila, ligpit ,hugas tapos pahinga na,.
Hintayin na lang natin umalis sila bago tayo umakyat sa taas para linisin mga kwarto nila"So ayon pag sapit ng gabi di naman ako pinag serve ni ate, tignan ko daw Mona mga ginagawa nya. Nakakahiya nga kasi may apat na boss pala kami dito at nakatingin sila. Sabi naman ni ate Ganon sila kada may bago...
It's time guys. Para matulog dahil kailangan daw namin gumising ng 6am Alam nyo na buhay ng hampaslupa (charot lang naman)
Nakakapagod pala no. At nakakalungkot malayo sa pamilya mo. At di ko na namalayan nakatulog na ako.。。。。。。。。。。。。。。。。
Kamusta mga reader's? Nagustuhan nyo ba ang una nating kabanata?
Please leave your vote and comments ha.Kita kits uli sa next na chapter..
。Mysterious_Door
YOU ARE READING
MY FUTURE
RomanceThis story is half real and half fake. Ang kalahati at hango sa totoong kwento ng buhay. At ang kalahati nama'y hango sa malikot kong pag iisip. this is my first story . I hope you like it. and more bash, because I know "there's no perfect story for...