Chapter 1
Fate
Sumimoy ang malamig na hangin na parang yinayakap ang aking buong katawan.Napapikit ako at dinama ang sariwang simoy ng hangin.Nananayo ang balahibo ko dahil sa lamig.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Nanginginig ang tuhod ko at pinagpapawisan ako sa kabila ng lamig ng simoy ng hangin.
I'm agent who secretly hired by someone else just to kill and punished someone i need to. I didn't kill. Hindi ko kayang pumatay ng tao. I secretly freed them and tell them to stay away. Nobody knows that. Kahit pa ang mga taong naguutos sa akin na pumatay ng mga inosenteng tao.
Gusto ko mang tumakas pero hindi ko magagawa. Once i did they will kill me. Bagay na labis kong pinagsisihan sa pagpasok sa trabahong hindi ko naman talaga nais.Trabahong napilitan ko lang gawin dahil sa mga personal na pangangailangan.
"Analyn Bartholome." Dinig kong tawag mula sa labas ng isa sa mga kasamahan ko. Bahagya kong nilingon ang pintuan at humarap sa salamin.
I'm still the same. The soft hearted one. Ipinuson ko ang aking buhok at ngumiti.Ngiti na nagpapabago sa personalid ko, kung sino ba talaga ako at kung anong buhay ang mayroon ako.
Sunod-sunod ang katok sa aking pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit dito at pagbuksan ang kung sino mang tao ang naroon.
"Ready?" Sumilay ang isang matamis na ngiti ni Evan. Napangiwi ako. May gana pa siyang ngumiti kung patayan ang pupuntahan namin.
Tumango na lang ako at huminga ng malalim.Tumalikod na ito at nauna ng bumaba sa mahabang hagdanan. Nakasunod naman ako dito at ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod. Mahigpit akong kumapit sa hawakan at pakiramdam koy mahuhulog ako.
I don't know why i'm feeling this way. Hindi ko alam pero may pakiramdam akong may kakaibang mangyayari sa akin, sa amin. Beads of sweat form to my forehead. Ipinilig ko pa ang aking ulo para iwaglit ang mga negatibong naiisip.
Pumikit ako at nakahinga ng maluwag ng matiwasay akong nakababa ng hagdanan.
Pagmulat ko ay nagulat ako dahil lahat ng mata ay nakatingin sa akin.Mga seryosong mukha na matiim na nakatingin sa akin. They look like i did something wrong or my dumi lang sa aking mukha.
My heart skip a beat at habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang aking kabang nararamdaman. I never felt this way before.
Katabi ko si Evan sa passenger seat habang nasa byahe kami.Tumingin ako dito at seryoso lang itong nakatingin sa unahan. Hindi ko na lang iyon pinansin at pinagmasdan ko na lamang ang papalubog na araw.
Hindi ko alam kung anong lugar na ito at kung saan kami patutungo. Maraming puno, mga ibong lumilipad at mga huni ng mga panggabing kulisap.Natitiyak kong wala na kami sa syudad.
Huminto ang kotse sa tapat ng isang madamong mansyon.Bumaba na silang lahat at sumunod naman ako.
Bumilis na naman ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit nandito kami? Tumingin ako kay Evan, nagtatanong ang aking mga mata. Nagkibit lamang ito ng balikat.
"Let's go." Saad ng isa. Sumunod naman kami sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan na kaming nakapasok. There is a man na nakaupo sa sinaunang silya at labis ang aking kaba ng matamis itong ngumiti sa akin.