Chapter 1: First day of High School

16 1 0
                                    

*knock*

*knock*

*knock*

Anu ba 'yan ang aga-aga may kumakatok agad sa kwarto ko!

Time check: 4: 34 AM

Oh! Ang aga pa ah. Wala pa nga akong naaaninag na araw e. Anu bang meron?! 'Di ko naman birthday. Anu ba tala--

" Chloe bangon na! Male-late ka na sa first day of school mo!!"

...

...

"Bangon na!! Bumaba ka na dito ah."

...

...

Ngayon lang nagsink-in sa utak ko na ngayon nga pala ang first day of school namin.

"Sige po! Pababa na!!" sabi ko nalang at dali-dali akong bumaba.

-----

Pagbaba ko, nakita ko agad sina mama.

"Oh! Chloe kain na dito!" sabi ni mama.

"Ah sige po." tapos umupo na ako at nagsimulang kumain.

-----

Bago ko makalimutan, ako nga pala si Chloe F. Mendoza, labindalawang taong gulang. Nakatira lang kami sa isang maliit na bahay, pero 'di naman kami mahirap. Haha. May kaya lang.

-----

Wew! Busog na busog ako. Binusog ko talaga yung sarili ko, siguro dahil sa sobrang kaba. Hayy. Makaligo na nga.

-----

"Ma! Aalis na po ako!" sigaw ko habang pabukas ng gate namin.

"Teka eto baon mo. Ingat ah!" sabay kiss sa cheeks ko.

"Sige po ma, salamat." kiniss ko rin siya sa cheeks.

"Ingat!!" sigaw ulit niya.

Nag-flying kiss nalang ako sakanya at nag-wave.

Habang naglalakad papunta sa sakayan, may tumawag sakin. So, napalingon ako.

"Chloe Uy sabay na tayo!"

"O! Sige." yan nalang nasabi ko.

Siya nga pala si Rein kapitbahay ko at kaibigan din. Pareho kami ng papasukan na school. Kaya pumayag na rin ako na magsabay kami kaysa naman wala akong kasabay.

(sa sakayan)

"Hayyy! Nakakapagod!" sabi niya.

Grabe ang bilis talaga mapagod nito. Hindi nalang ako nagsalita kasi may paparating na rin na-tricycle.

Sumakay kami. Sa likod kami ng tricycle sumakay, kasi mainit sa loob at siksikan.

-----

(sa school)

"Sa wakas! Andito na rin tayo!" sabi ko.

"Oo nga tara na! Pasok na tayo!" sabay hila sakin. -__-

Bigla niya akong binitawan at tumakbo siya. Ahh oo nga pala hindi pala kami magkaklase. Iba nga pala section niya. Tsk! Bat di man lang nagpaalam sakin. Tss. Pero buti pa siya nakita na niya ung pila nila. Bat di ko pa makita ung pila namin?!! Andami kasing tao e. Huhu. Nakakakaba. Buti nalang ung dalawa kong kaklase sa former school ko e kaklase ko ngayon. Pero 'di ko rin sila makita. Bulag na ba ko? Hayy. Kaba lang siguro 'to. Hahanapin ko na nga lang sila... Hanap doon. Hanap dito. Asan ba sila?! Ahh baka nasa pila na namin. Kaya naglakad-lakad nalang ako. Baka mas makita ko pa sila at ung pila namin. Habang naglalakad, may kumalabit sakin.

"Ay pus--"

"Chloe! andyan ka na pala! Hinahanap kita e."

"Ako rin! Hinahanap ko kayo ni Gia e kanina pa."

"Ganun?! O sige pila nalang tayo sa pila natin."

"Sige." tapos naglakad na kami.

Hayy. Buti pa siya nakita niya ako. Medyo nawala na rin ung kaba ko.

Siya nga pala si Jane isa sa mga kaklase ko sa former school ko at friend ko din. Salutatorian namin yan! Haha. Teka ba't wala pa si Gia? Matanong nga 'to, baka alam niya.

"Uhmm.. Jane?!"

"Bakit?" sabi niya habang nakatingin sa iba.

Napatingin din ako dun sa tinitignan niya. Wut?! Di ko kilala yun ah. Baka kaklase niya nung summer class. May summer classes kasi dito. Lahat ng mga nag-enroll dito kasama dun.

Lumingon nalang ulit ako sakanya para tanungin ung dapat kong itatanong.

"Nakita mo ba si Gia?"

"Hindi e." sabay takbo dun sa kanina niyang tinitignan.

Hayy. Bat ba lahat nalang sila tinatakbuhan ako?! Hindi naman ako bumbay. Hayyyyy.

after mga ilang minutes...

Papalapit dito sakin sila Jane kasama ung kanina niyang tinitignan. Hala bakit kaya?! Magbabayad sila ng utang? Hahajk.

"Uy sorry ah! Iniwan kita kanina dito. Ito nga pala si, Yuki, kaklase ko siya nung summer class." sabi niya.

Nginitian ko sila.

"Hi! Nice meeting you!" sabay abot sakin ng kamay niya.

Englishera?! Halaaaa! Inabot ko nalang din ung kamay ko. So nagshake-hands kami.

"Hello!" yan nalang nasabi ko, then I gave her a big smile ^____^

*kringggggggggggggggggg*

(bell rings)

Wew. Katahimikan. Lahat siguro nagulat. Panira naman kasi ung bell e. Hayy.

Biglang naman may nagsalita. Naka-mic siya.

"A pleasant morning to all of you, students!"

Then kaingayan ulit. Greet dito, greet doon.

"Goodmorning sir!"

"Goodmorning!"

"Goodmorning po."

Yan ang mga narinig ko. So, naki-greet na rin ako.

"Goodmorning po, sir!"

A JOKE LOVE [Temporary] On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon