Sobrang Nakakaiyak na Story!! Part 2

5.4K 108 63
                                    

Chapter 2

Hindi pa rin matanggap tanggap ni Tessa na hiwalay na sila ng kanyang pinakamamahal na nobyo. Ang sakit. Ang sakit sakit na ng kanyang mata gawa ng sibuyas. Napapagod na siya. Napapagod na siya sa kakatadtad ng sibuyas. At naaawa na siya. Naawa na siya sa inosenteng sibuyas. Kaya naman itinigil na niya ang pagtatadtad nito at naisipang maglakad lakad nalang sa parke upang kahit papaano ay mahimasmasan naman siya at gumaan ang kalooban.

Pagkarating niya sa parke ay may kung anong pwersa ang humatak sa kanya patungo sa isang bench. Iyon ang favorite bench nilang dalawa ng nobyo niya. Sa bench na yun una silang nagkakilala.

Hinaplos ng kamay niya ang buong bench kabilang na ang mga sulok nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Dinamdam ng kanyang mga pisngi, kaliwa at kanan ang magaspang na surface nito. Hindi mo maipagkakaila na mahal na mahal niya ang bench na ito. Na mahal na mahal niya ang taong kasama nyang umuupo dito.

Sa pagkalapat ng kanyang pisngi sa bench ay nanumbalik ang alaalang pilit na nyang kinakalimutan.

Naglalakad si Tessa noon sa parke ng biglang makaramdam na ng pangangawit ang kanyang mga binti. Kaya naman, naisipan niyang umupo muna at magpahinga.

Sa kanyang pagkakaupo ay may napansin siyang kakaiba sa bench. Makinis na madulas ang pakiramdam nito sa kanyang puwetan. Nakakagaan ng pakiramdam dahil hindi siya masakit upuan.

Parang ngayon. Kaparehong kapareho ng kanyang nararamdaman habang ang kanyang pisngi ay nakadikit sa bench. Parehas na madulas. Parehas na..

Parehas na mabaho.

Inalis niya agad ang pisngi sa pagkakalapat dito at tuluyan ng pumatak ang kanyang mga luha.

Ganitong ganito yun! Ganito rin ang nangyari noon. Pagkatayo ni Tessa noon ay may lalaking tumawag sa kanyang pansin at sinabing "Miss. May ipot ka sa pwet" At duon niya nga nakilala ang lalaking akala niya ay panghabambuhay na nyang makakasama.

Ngunit, sa pagkakataong ito ay wala na nga ang lalaking iyon. Wala na siya dahil nakahanap na siya ng iba. Ng babaeng mas maganda. Mas sexy. At probably, mas malaki at mas mabaho yung ipot na naupuan ng bagong babae nya.

"Miss. Ice cream gusto mo?"

Napatingala siya sa lalaking nasa harapan niya at nasilaw sa angking kagwapuhan nito. Sa isang iglap lang ay nakalimutan na nya ang kanyang problema. Ng dahil sa lalaking ito ay nakalimutan na niya ang dating nobyo. Ito ata ang tinatawag na love at first sight, o pwede rin namang rebound. Ang nasa isip nito.

Kinuha din naman nya ang ice cream na inalok ng makisig na binata.

Nagkwentuhan sila. Nagkulitan. At sabay nilang kinain ang ice cream ng bawat isa.

Hanggang sa mapatingin kay Tessa ang binata. na halos tinititigan ito.

"O bakit? bat ka ganyan makatitig?" nakaramdam ng konting kilig si Tessa at hindi napansin na namumula na pala ang kanyang mukha.

"Ang amos mong kumain oh." Pinahid ng binata ang amos sa pisngi ni Tessa gamit ang daliri niya at akmang isusubo ito.

Nung makita naman ito ni Tessa ay nawala bigla ang kanyang pagkakilig. Alam niyang hindi yun amos. hindi yun ice cream. kulay palang ay ibang iba na ito.

"Teka. huwag! Hindi yan ice--" Ngunit huli na ang lahat. Huling huli na ang lahat.

******

Yuck. Sht. Kadiri lang. K. Wala lang to. Bored lang. Mas walang kwenta dun sa nauna. Hahaha. XD

Sobrang Nakakaiyak na Story!! **FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon