Chapter 2 - Getting To Know Each Other

76 4 0
                                    

YEHEY!!! Lunch na!!!!!

Umupo ako sa table na malapit sa pinto (Table15).

Uhmm...Let's see, ang ulam ko ay Adobo!! YES!!! Uhm, okay andami kong kanin. Kaya ko to! Ay, walang iced tea! (Paborito ko yun since birth)

Nomnomnomnom. Kumakain ako ng masaya nang may UMEPAL. 

"Ahh!" Wala na. Nahulog na yung pagkain ko sa floor.

"Oops, sorry. Hindi ko kasi nakita na kumakain ka pala. Yan tuloy, pagkalapag ko ng bag ko natapon. Ikaw kasi eh, ayaw mong mag-ingat." Sabi nung babaeng nakatapon ng pagkain ko. ABA! Sino ba tong babaitang to!

"Waw lang ha miss. Kumakain ako dito ng mapayapa tapos ginulo mo ko. Hindi mo ako nakita? Bulag ka ba? At ikaw ang mag-ingat kasi nakakapahamak ka na ng ibang tao!" BOOM! Nag-let it go na ako ng galit ko. Walang-wala dito si Android.

"Excuuuuuse me?!? Ako pa ang nakakapahamak? Ikaw na nga may kasalanan kung bakit nadumihan tong bag k--" Sabi nya. SPLASH! Tinapon ko sa kanya yung tubig ko. At nabasa siya ng sobra.

"Oops, sorry. Di ko napansin na may sinasabi ka pala. Yan tuloy, pagkakuha ko ng tubigan ko natapon yung tubig. Ikaw kasi eh, ayaw mong mag-ingat." Pinigilan kong matawa kasi gayang-gaya ko siya kanina.

"How dare you! Di mo ba ako kilala?!?" -Babaita

"Sino ka nga ba?" -Me

"Ako lang naman ang anak ng principal ng school na to!" -Babaita

"So? Ano ngayon kung anak ka ng principal? Estudyante ka lang. Estudyante lang rin ako. Kaya sana, respetuhin mo ang karapatan kong kumain!" - Me, galit na galit.

"Ugh!" - Babaita, pahiyang-pahiya habang umaalis.

Aamin ko, opo. Napahiya rin ako. Nilinis ko yung "kalat" ko at pumunta sa rooftop. Dun ako nagdrama, umiyak, at nag-tantrum. (Kapag akoý nagtantrum, pumipitas ako ng random leaves sa mga puno. Tapos, pinupunit ko. Kung walang leaves, papel. Good thing maraming puno sa tabi ng rooftop.)

"Wag ka na umiyak, Ms.Sungit." Ugh. Si Android. Pero this time, di ako nagagalit sa kanya. Mas galit ako kay Babaita. 

"Eto oh, sayo nalang sandwich ko, total busog na naman ako." Wow. ang bait niya pala.

"Ha? Sure ka? Okay lang sayo?" Grabe, nakakahiya talaga sa kanya, pagkatapos ko siya awayin kanina.

"Sorry ha, inaway kita kanina.." Sabay naming sinabi.

MOMENT OF SILENCE.....

"So, ano name mo? Di pa tayo pormal na nagkakakilala." >////< Wahh!!! Ang sweet niya pala (Grabe sweet na siya sa lagay na yan)

"Dianne Victoria Lopez. You can call me Dianne. Ikaw?" Full name ang binigay ko sa kanya. Rare para sa akin na magbigay ng full name sa mga random peeps. Pero ngayon, di na sya stranger.

"Jason Andrew Torres, just call me Andrew. Anyways, nice name." WAHHH!!

"Thanks." 

Kriiinggg Kriiing! Ay, time na.

"Tara na, punta na tayo sa P.O.E.M." Niyaya ko siya.

"Tara, by the way, ano ba yung P.O.E.M.?" TInanong no Andro--Andrew pala.

"Ah, Program Of Excellence in Mathematics." At pagkatapos nun pumunta na kami sa room ng P.O.E.M. 

"Good Morning. Mr. Britiller!" - Buong Curie

"Good Morning Class, I'm Mr. Henry Britiller. I am a Math Major Graduate in PNU, Philippine Normal University. I currently live in España, Manila. So that's it for my introduction. Ngayon, gusto ko kayo naman ang mag-introduce. Let's start from you." Tinuro niya si Babaita.

UGH! Naaalala ko parin yung incident sa canteen! Wahhh! Kalma lang, Dianne. Kalma lang.

"Hi I'm Jean Ashley Lucero. I came from Williamford Academy. I live in Manila, specifically in Vito Cruz. We own a condo unit and a resthouse in Tagaytay. My motto in life is "If you don't have something nice to say, don't say anyhting at all." Waw. Ang yabang. Parang di man lang isinasabuhay ang motto.

Sumunod na yung seatmate niya (obviously.) 

"Hi. I'm Sarah Angela Wilson. I live in Tondo, Manila. I graduated from Jenov Stephenson Elementary School for Girls. (A/N: Sorry, wala na akong maisip na school eh :P) That's all thank you." WAW. Ang ganda niya. Nakakainggit!

Tapos nun, sumunod yung iba pa, si Katrina Marie Ramirez, Wade Angelo Ramirez (Magkapatid sila), then etc., etc.

What the?! Si Andrew na! Malapit na ako! Paano ba naman, eh magkatabi kami.

"Hi, I'm Andrew Torres. I live in Pasig City and I graduated from Dexter Stephenson Academy." Yun lang? Bakit kaya di nya sinabi full name nya? Anyways, ako na.

"Hi, I'm Dianne Victoria Flores. I live in Quezon City and I graduated from Oakley Hills Elementary School. That's all, thank you!"  Wooh! Natapos din!

Natapos na ang buong klase. Pero kalahati palang ng period.

"Thank you class. Now, for all of us to know more about each other, I want all of you to face your seatmates and tell random stories. Embarrassing, funny, sad, etc. Kayo bahala. Aalis muna ako at pag-dating ko dapat tapos na yan."

The f? Kami talaga ni Andrew? Shucks, ayokong mapahiya sa kanya!!! Ang conyo ko pa naman!

(A/N: Conyo = Taglish/Taglish User)

Hi guys! So since busy ako hanggang Chapter 2 palang ipupublish ko so stay tuned for updates!!!

See ya! ~~~~~

P.S. Sorry kung medyo pangit yung story noob pa kasi eh haha...See ya ulit! XD

Love Is An Open DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon