11:59 PM
"Kapag may iniisip ka na makikita mo, at nakita mo nga, matutupad wish mo! Oh kaya, sign yun."
"Ganun ba yun?" Tanong ko sakanya.
"Siguro, sabi nila totoo yun eh."
"Sus! Di ka pala sure eh. Wag ka maniwala agad! Sabi nga ng ex ko na mahal niya ako, di naman totoo!"
"Pait ah, parang ampalaya." Tinawanan ko na lang siya.
Ako nga pala si Cara, isang magandang nilalang. Bitter nga lang. Kasi naman! Yung boyfriend ko pinagpalit ako, at sa hipon pa. Sino ba naman ang hindi magiging bitter?
Yung mga pinagsasabi nga pala ng kaibigan ko kanina, di yun totoo. Maluwag na turnilyo nun sa utak eh.
Pati sa love, wag kayong maniniwala. Yun pa? Eh sinungaling yun.
"Hoy Cara, ang panget mo. Tara na, time na." Sabi sakin ni Mel.
"Mel, tandaan mo, hindi totoo mga sinasabi mo, kasama na yung sinasabi mong walang kwentang pamahiin."
Inirapan niya nalang ako at tumayo para bumalik sa classroom. Pero habang naglalakad, di ko maiwasang maluha.
Nakita ko ang ex ko, may kahalikang iba.
Diba bawal PDA dito?! Anong pinag-gagagawa nila?!
Susugurin ko sana nang pinigilan ako ni Mel.
"Tara na, wag mo nang sayangin oras mo sakanya."
Inakbayan niya nalang ako papuntang classroom.
***
Hindi ko itatanggi sa inyo, mahal ko pa rin siya. Huhuhu.
Hanggang ngayon, di maalis sa isip ko na ang bilis niyang maka move-on or sadyang hirap na hirap ako sa paglimot.
"Class, we have a new student. Please stand here." Tinuro niya yung lalake sa gilid.
Di ko na tinignan kung sino. Wala akong pake sakanya. Magdadrama na lang ako kaysa sa titigan siya na hindi naman gwapo.
Pangit ba talaga?
U-umayos ka nga! Tigilan mo ako!
Mahal ko pa din talaga ang ex ko. Ano bang pwedeng gawin?
Try ko kaya yung sinasabi ni Mel kanina? Hindi. Wag na. Di naman yun totoo.
Pero there's no harm in trying naman diba?
Pero kasi baka masaktan na naman ako.
Pero baka totoo. Sayang naman yun
Huwag na nga lang!
Sige na nga! Magsastart na ako mamayang uwian.
***
"Class, you may now go."
Yesss! Uwian na!
Nagpaalam na ako kay Mel na mauuna ako ngayon. Pagkatapos, dumiretso na ako sa paradahan ng jeep at sumakay na.
Ano kaya pwede?
Kapag may sumakay na matabang babae, mag momove on na ako sa ex ko. Kung wala, edi hindi.
After 5 minutes
So far so good. Wala pa din hanggang ngayon.
"Aandar na po!" Sigaw nung barker.
O diba? Tama ako. Hindi yun toto——
"Sandali! Sasakay ako!" Habol nung matabang babae.
Owkaay. Baka coincidence lang?
BINABASA MO ANG
11:59 PM
Short Story'Sus! Di ka pala sure eh. Wag ka maniwala agad! Sabi nga ng ex ko na mahal niya ako, di rin naman totoo.' -Cara