First Time We Met

235 3 3
                                    


********************

Hi! First and Foremost po I want to introduce myself. Kahit hindi po kailangan. Hehe! I'm Jennifer Castillo Saavedra, a kind of a simple girl who had a simple dream in Life. And I heartly-rending dedicate this story to someone whom never give up, just to make me feel special in his own ways.

Summer season na, my mom and I went to Manila to visit daw may relatives. Feeling so excited...

********************

One time, kinausap ako ni mama...

********************

" Nak, ano kaya kung sa Manila kana lang mag-aral ng high school? Total naman, kasama mo mga pinsan mo. For sure matutuwa sila. "
" Ayoko ma, hindi ako sanay sa buhay Maynila. Alam mo namang ayoko malayo sa inyo ni papa eh.. "
" Oh Sige na.. Di naman kita pinipilit.. Basta anak, I respect your decision. "

-----------------------------

Nakaka boring parang gusto kona ulit umuwi ng probinsiya. Pano kasi, wala man lang ako pwede makausap. Maging kaibigan man lang sana. Hmmm! Maghapon na kahiga, nanunuod ng TV. Di tulad sa probinsiya, ang sariwa ng hangin ang saya ng paligid. Buti pa kuya ko, sanay na dito ayon sa aking nakikita madami na siyang barkada.

Speaking of my kuya... Dumating siya ng bahay with his friends. Rex, Peter, Len & Clang.

Tinawag ako ni kuya..

" Jen akyat ka muna hah? Mag vivideo game lang kami. "
" Ok! "

May pa bulong na nagtanong kay kuya.

"Kuya Jeff, sino yun? Kapatid mo?"
"Si Jen? Oo, bunso kung kapatid yun. Sagot ni kuya."
"Bakit ngayon ko lang ata nakita? "
"Galing kasi siya sa probinsiya namin, kaka rating lang nila kahapon kasama mama ko. Sagot ni kuya."

Habang nakikinig ako sa usapan nila naisip ko.Hmmmm! Sino kaya yung nagtanong? Hindi ko pa naman kilala mga barkada ni kuya...

Pangatlong araw na ng bakasyon namin ni mama, pero hindi ko feel na nagbakasyon kami. Sobrang boring! Kaya naisipan ko mag lakad lakad na lang muna sa village nang biglang may tumawag sa kin.

" Jeeenn... "
" Huh? "
" Ikaw yung kapatid ni kuya Jeff no? "
" Ahm! Opo, bakit po? "
" Ako nga pala si Peter.. ( nag smile ) bakit mag-isa ka lang? "
" Naglilibot lang. "
" Pwede ba ako sumama sa paglilibot mo dito sa village? Boring din kasi ako sa bahay... "
" ahh yeah! Sure, no problem. "

In fairness naka smile ako! Abot langit ang saya ko, not totally naman. Haha! Kasi finally may kaibigan na ako. Si Peter yung tipo ng KAIBIGAN na sobrang bait, nakakatuwang kasama. Hindi ka maborboring. Siya din yung taong Simple kung titignan pero May ipagmamalaki. Mayaman kasi sila.

" Jen, wala kabang close dito? " Peter ask.
" Wala eh, ikaw pa lang. "
" Hindi kaba mahilig sa mga outing, party o what kind of event. "
" No! Hindi ako sanay sa mga ganyan. Mga big event. "
" Pano yan? After class ano ginagawa mo?
" Wala. Bahay, School, bahay, school. Doon lang umiikot ang buhay ko sa probinsiya. "
" Di mabuti. Pansin ko nga din, lagi ka seryoso Hindi ka man lang pala ngiti. "
" Ehm! Ganito na talaga ako ka seryoso. "

Habang tumatawa ako sa mga korning jokes niya ng biglang sabi niya sakin.

" Alam mo Jen, mas lalo ka gumaganda pag nakangiti ka. " ( yaayyyy KTB )

That time na sinabi niya sakin yun. Bigla ako Kinabahan at napa tahimik , at diko namalayan nakangiti na pala ako.

Ang sarap sa feeling nang mag karoon ako ng KAIBIGAN na tulad niya. Kahit na famous siya marunong siya makisama, Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko pag naalala ko yung mga sinabi niya.

Fight For LoveWhere stories live. Discover now