L.D.R/Heartbreak

11 0 1
                                    


LDR...

First time kung magmahal, first time kung maramdaman kung ano yung feeling pag nagmamahal ka at minamahal ka. Pag-ibig nga daw parang sugal e, kailangan mong tumaya kahit walang kasiguraduhan kung mananalo kaba o matatalo ka. At isa sa pinakamabigat na parte ng pag-ibig ay ang mapalayo sa taong mahal mo although hindi naman siya totally na long distance hindi naman ako sa ibang planeta tapos siya dito sa Earth? Haha sa probinsya lang naman ako, pero kasi hindi mo siya lagi nakikita at nakakasama kaya LDR na din. Diba?

So ayon nga, kahot mejo malayo kami sa isa't isa palagi pa rin naman siyang may oras sakin. Simula nung umuwi ako walang araw na di niya ako tinetext at tinatawagan. Daily routine na nga kumbaga, bago pumasok ng school, may gagawin, may pupuntahan, always updated ako kahit sino kasama niya sinasabi niya. Bago matulog tatawag siya tapos ikukwento yung nangyare sa buong maghapon.

Kung gawin ba naman sayo yan ng taong mahal mo, magkakaroon kapa ba ng duda na baka linoloko ka lang niya? Na baka hindi siya seryoso? Na baka trip lang niya? Diba hindi? Kasi sabi nila, ORAS LANG ANG TANGING KAILANGAN PARA IPARAMDAM NA MAHAL MO ANG ISANG TAO. Kasi kung wala kang oras at panahon, meaning di siya mahalaga sayo. Bakit mo naman pag aaksayahan ng oras diba? Kung dimo naman pala mahal?

Dahil first boyfriend siya, lahat ng tiwala binigay ko sa kaniya, lahat ng pagmamahal binuhos ko sa kaniya. Pero alam kung bigyan ng limitasyon ang mga bagay bagay. Kahit ramdam ko naman na mahal niya ako.

6 months have been passed...

One night...

Nagtext si Angelica sakin..

" Jen, how are you? It's been 2 weeks or more I guess wala kang paramdam, are you okay? I miss you na, dika man lang makaalala."
" Sorry Gel, I'm just busy for this past few days. School works, alam mo naman kailangan ko pagbutihin pag-aaral ko. Hahaha"
"Hayy nako o siya ikaw na, ikaw na matalino ikaw na honor student. Baka naman mamaya niyan masobrahan ka, mabaliw ka hah? Mahirap na yan girl. Haha kiddin'"
" Haha sira syempre naman hindi yan mangyayari, 101 percent assurance na hindi ako mababaliw. Mangyayari lang yan pag naghiwalay kami ni Peter. Haha "
" Oh well, speaking! Kamusta naman pala kayo? "
" Eto okay naman, eventhough were both busy bcoz of priorities may oras pa din naman kami sa isa't isa. "
" Whoa, good to hear that. Ganun pa rin ba siya sa dati? "

Sa tanong niyan ni Gel napa isip ako, bat niya itatanong na ganun pa rin siya sa dati? Bakit may dahilan ba para magbago? Kasi ramdam ko naman na tulad pa rin siya ng dati, walang duda. Isa pa, praning lang siguro ako. Diko nalang pinahalata sa text ko na napa-isip ako sa sinabi niya.

" Oo naman, walang nagbago sa kaniya. Tulad pa rin kami ng dati. Bakit mo natanong.? "
" Hah? Wala siyempre gusto ko lang din malaman kung linoloko ka ng mokong na yun. Bugbug yun sakin pag sinaktan ka niya. Hehe basta ha? If ever lang na magkaroon ng problema about sa relationship niyo, you can tell me anything mapa lovelife man yan o personal just do text me okay? "

Parang binibigyan niya talaga ako ng dahilan para mag-isip ng mga bagay bagay. Una, bakit niya itatanong kung ganun pa rin ba siya sa dati? Hindi ka ya may alam siya para magbago si Peter? Pangalawa, parang pinapangunahan na niya. Kung sakali man na magkaroon kami ng problema?? Ano yun? May alam ba siya na hindi ko nalalaman na diko dapat malaman?? Hayysss ewan bigla nalang akong kinabahan.

Fight For LoveWhere stories live. Discover now