Kabanata 05

1.8K 111 34
                                    

Kabanata 05

Habang nagpapalit ako ay hindi ko mapigilang mapaisip kung tama ba ang desisyon ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng Café Lumiere. Oo, dito ako pinapunta ni Liander.

Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. Do I really need to work my butt off? Is this even worth it?

I slapped both my cheeks using both of my hands as I shook my head, "Don't think nonsense, Icehelle! Of course, Cyan is worth it! This is for Cyan!"

Napadaing naman ako kaagad dahil sa sakit na naramdaman ng aking pisngi. Nakalimutan ko na nasaktan pala ako ni Dad, sadyang may mas malalim pa akong iniisip kaya hindi ko masyado pinapansin ang nararamdaman ko.

Pero hindi ibig sabihin ay nakalimutan ko ng tuluyan ang sakit. The pain is still fucking here.

Binuksan ko ang pintuan at dahan-dahan akong pumasok. Katulad ng dati, may mga customer dito sa loob, abala sa kanya-kanyang trabaho. Ang mga tunog ng keyboards, ang amoy ng kape, at ang boses ng mga nag-uusap ay nagbibigay ng pamilyar na pakiramdam sa akin.

Napatingin naman ako sa counter, at nakita ko si Liander. Wala paring nagbago sa kanyang appearance, he is still the same handsome guy I always see here in Cafe Lumiere.

He is wearing his usual white polo shirt, beige apron, and dark gray pants. His short, brown hair has a slightly messy style, with bangs that fall softly over his forehead.

Abala siya sa nagtitimpla ng kape, seryoso ang kanyang mukha dahil nakatuon lamang siya sa kanyang trabaho. Nang mag salubong ang aming mga tingin, lumambot ang kanyang ekspresyon. Tinapos niya kaagad ang kape na tinitimpla niya at tinawag niya ang pangalan ng customer bago siya lumapit sa akin.

"Hi," he gave me his boyish smile.

Ngayong malapit na siya sa akin, ngayon ko lang napansin na medyo pinagpapawisan ito dahil sa pagod, kahit malamig dito sa loob ng Cafe, pero nagawa niya parin na ngumiti sa harapan ko.

I frowned, "Binasta-basta mo lang yung kape nung costumer."

He exaggeratedly gasped as he put his palm on his chest, "I would never do that. Tsaka kahit gawin ko, masarap parin naman." He giggled. Natigilan naman siya nang may mapansin siya sa aking pisngi, "Okay ka lang ba? Medyo namamaga ang kabilang pisngi mo."

Agad naman akong natigilan nang hawakan niya ang aking pisngi, napaatras ako ng kaunti dahil nakaramdam na ako ng matinding hiya! Mas lalo na't maraming nakatingin sa gawi namin!

"I-I'm okay!" Halos pumiyok pa ang boses ko.

He doesn't look satisfied by my answer, he looked... Worried. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin tsaka kinamot ang likod ng kanyang ulo.

"Nga pala, ipapakilala kita sa Manager." Pag-iiba niya ng usapan, "Do you badly need this job?"

Agad akong tumango sa kanyang sinabi, "I really really need it."

Tumango nalang siya sa aking sagot, "Halika, maupo ka muna.." Saad nito tsaka tumalikod. "Sakto at hindi pa siya umaalis."

He accompanied me to a vacant table, and he said to wait for her, I just nodded in return. Nakita kong pumasok ito sa staff room, at wala pang ilang minuto ay nakita ko siyang lumabas, kasama ang isang babae.

Hindi ko mapigilang humanga sa kanya. I think she's in her late twenties now, her hair is above the shoulder, her morena skintone is complimenting her, brown almond-shaped eyes, little nose, and she has this simple petite body. She is just wearing a simple blouse and pants, making her look more presentable.

"Hi," hindi ko namalayan na kaharap ko na pala silang dalawa. "You must be Icehelle."

Matangkad siya sa akin, pero kung ikukumpara ko ang height nila ni Liander, kapantay lang nito ang kanyang ilong.

Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) |   (On - going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon