Chapter 1

44 6 3
                                    

Chapter 1

8 years ago...

"Mommy, papasok na po ako." Sabi ko sa kay mommy na andon sa kusina, nakipagdaldalan sa aming mga maids."Sige anak, Ingat ka. Oo nga pala, kailan mo dadalhin ang girlfriend mo dito? Matagal na naming siyang gusto makilala ng Daddy mo." Tanong ni mommy.

"Ma, wala po akong girlfriend. Wala pa po sa isip ko ang pagi-girlfriend." Sagot ko kay mommy. Halos araw araw ko yata I-remind kay mommy na wala pa akong girlfriend. Matagal nang tinatanong nila Daddy kung kailan daw ako magkaka-girlfriend kasi tumatanda na daw ako. "Aba anak, Fourth year college ka na. Mag-girlfriend ka na. Excited na kami magkaapo. Ikaw ang magmamana ng kompanya kaya kailangan mo nang mag-asawa" Singit ni Dad.

"Dad, ayaw ko muna. Gusto ko na ang first girlfriend ko ay ang magiging asawa ko at Ina ng mga apo niyo. I won't settle for less, Dad, Mom. Darating din tayo diyan. For now, I need to focus on my studies kasi graduating na po ang pogi niyong anak." I kissed my Mom and Dad at saka pumunta sa salamin ng aming living room para tingnan ang sarili ko, ang pogi ko talaga.

I was driving in my Bugatti Centodieci
at dahil masiyadong tahimik, i decided to turn on the radio, wow backstreet boys. My favorite.

Yeah
You are my fire
The one desire
Believe when I say
I want it that way

But we are two worlds apart
Can't reach to your heart
When you say
That I want it that way

Tell me why
Ain't nothin' but a heartache
Tell me why
Ain't nothin' but a mistake
Tell me why
I never want to hear you say
I want it that way


napatigil ako sa pagkanta when my friend, Khyle Xavhierre called me. I immediately answered, baka emergency.




"HOY SENYORITO ASAN KA NA?" shit ang lakas ng boses niya. "Ano ba! Nagdadrive ako. Nasa kotse malamang." Sagot ko sa kaniya. "Bilisan mo, dapat maaga tayo ngayon para makabingwit ng-" Di ko na siya pinatuloy sa kaniyang sasabihin dahil alam ko naman ang karugtong don, ang makabingwit ng - CHIKS. Hay nako, bakit ganon? Halos lahat sila gusting gusto na nila na magka-grilfriend na ako. Eh ako nga, di ako namomroblema. Ganyan ba talaga ka importante ang pag-aasawa?




Oo, ako ang magmamana ng kumpanya naming kaya kailangan kong magpakasal, pero ayaw kong basta basta nalang  mamulot diyan, baka yung mapulot ko ay miyembro ng budol budol gang. Mahirap na. Di naman sa choosy ako, pero as what I said earlier, I won't settle for less. I'm NGSB, kailan man ay hindi pa ako nagka-girlfriend. NGSB nga diba? But I have my first love-Si God. Si God ang first love nating lahat, Not our puppy love, but God. May nabasa nga ako na bible verse, "We love because He Loved us first." Kaya ayaw ko rin mag-girlfriend dahil hinihintay ko ang taong inilaan ni God para sa akin. I trust him because he is the best author . I believe that one day, when the right time comes, he will give me the woman who will love me the way he wants me to be loved.





Natanaw ko na ang aking eskwelahan, ang Oxford Academy. Isang taon nalang, aalis na ako sa naging paaralan ko simula pre-school pa lamang. Marami akong karanasan sa paaralan na hinding hindi ko malilimutan, kahit hindi ako nagka-girlfriend sa isa sa mga estudyante sa paaralan ay nakahanap naman aako ng mga totoong kaibigan, Isa na don si Khyle Xavhierre Vanstone, ang siraulo pero seryoso, mabait din naman, minsan nga lang. Mahal na mahal niya ang mga tao na malapit sa kaniya, lalo na ang pamilya niya, close sila ng pamilya niya. Halos lahat ng tropa ko ay hindi basag-ulo, wag nga lang simulan dahil hindi naming aatrasan, palaban din kami. Mabait kaming lahat magtotropa, Mas nga lang ako.





This I Promise YouWhere stories live. Discover now