Simula

66 0 0
                                    

Simula

"ELIZABETH!"

Dali- dali akong nagising ng marinig ko ang boses ni mama na tinatawag ako. Ano ba naman si mama ang aga- aga eh. Ang matinis na boses niya agad ang bumungad sa akin. Ang sarap ng tulog ko at ang ganda ng napanaginipan ko. Sinira lang niya.

Bumangon agad ako pero dahil sa pagkakataranta nahulog ako sa kama.

Aray! Sakit ng pwet ko.

Paika- ika akong bumaba sa hagdan nakahawak sa aking puwetan. Ang malas ko naman. Hays.

"Anong oras na ba ang alam mo?Magtatanghali na at ngayon ka pa lang gigising. Kung di pa kita tinawag di ka na magigising." Nakapamewang na bungad ni mama sa akin sa sala.

"Mama naman eh ang aga- aga. Inistorbo mo yung panaginip ko. Panira ka talaga." nakalabi kong sinabi sabay kamot sa aking magulong buhok. Dumiretso ako sa kusina at tiningnan kung anong pagkain na nakahain. Sinundan naman ako ni mama.

"Ang dami- dami mong alam. Panaginip panaginip ang ilusyunada mong babae ka. Hala kumain ka na para makapaglinis ka na sa bahay. May bisita tayong darating. Nakakahiya naman kung madatnan nilang marumi ang bahay." si mama talaga ang sakit sa ulo. Ang sakit sa ears. Ang sakit sa bangs. Basta lahat na ng sakit masakit.

"Ang sakit ng pwet ko eh. Nahulog ako sa kama. Si nana na lang."

Pero teka? Anong sinabi niya? May bisita kaming darating? Sino kaya?

"Ma, sinong bisita?"

Matagal bago sumagot si mama.

"Iyong kaibigan ko na taga- Manila darating. Bibisita kasama ang anak kaya bilis bilisan mo ang pagkilos diyan. Baka mamaya nandito na sila." Pumasok si mama sa kusina na may bitbit na basket. Di niya ata narinig yung sinabi ko na masakit ang pwet ko.

"Si tita Lea?"

"Hindi. Kaibigan ng papa mo ang asawa nun kaya naging magkaibigan na rin kami ng asawa niya at naging magkaklase kami sa college ni Elena."

Elena? May iba pa palang kaibigan si mama. Akala ko si tita Lea lang. Buti naman at may nakatiis sa pagiging madaldal ni mama. Di na ko magtataka kung marami pa siyang friends tinagurian nga siyang Ms. Congeniality.

"Bakit ako ang maglilinis wala ba si nana Nathy?" Lumabas ako at tiningnan sa may likod kung nandun si nana pero walang tao.

"Mama, si nana? Saan siya pumunta?" usisa ko kay mama ng makabalik ako sa kusina at pinagpatuloy ang pagkain.

"Umuwi. Binisita ang pamilya."

"Huh?" Eh?

"Kailan ang balik niya?"

"Next month pa. Bakit ang dami dami mong tanong? Bilisan mong kumain at makapaglinis ka na."

Oh no. I can sense something bad is gonna happen.

Umabot ako ng isang oras sa paglinis sa dalawang guest room. Hindi naman maalikabok kaya mabilis lang. Bumaba na ako para ibalik ang panglinis. Alas onse pasado na at di pa tapos magluto si mama kaya nagdesisyon akong tumulong na lang kaysa magmukmok sa taas. Tutal tapos na ako sa paglilinis.

"Hmm... bango. Ngayon ko na lang ulit matitikman ang specialty mo ma. Ang tagal na nung huli mong lutuin yan eh." Inaamoy amoy ko pa ang usok na lumalabas.

"Tapos ka na bang maglinis?"

"Yep. Tapos ko ng linisin ang dalawang guest room. Mabilis lang di naman kasi marumi." Tinikman ko ang chicken curry. Sarap.

"Mabilis? Isang oras mahigit mabilis? Dalawang kwarto lang? Hay naku kang bata talaga. Kunin mo yung panlinis at linisin ang sala pati na rin sa labas." Napatampal si mama sa kanyang noo at umiling- iling.

"I'm tired. Pwede later?" Pinagdikit ko pa ang dalawa kong palad para mas effective ang pagpapaawa. "Please."

"Huwag mong gamitin yan sa akin hindi yan tatalab. Kebabae mong tao ang tamad tamad mo," Hay, wala talaga akong ligtas kay mama. "Bilisan mo!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Kahit kelan talaga si mama ang sakit sa ears.

"Ito na po oh. Aalis na. Aalis na. Happy?" Pang- aalaska ko pa.

"Aba't!" at inihagis ni mama ang pamaypay niya pero kumaripas na ako ng takbo bago pa ako matamaan. Ang amazona talaga ni mama. Ang sarap niyang pagtripan di man lang maloko. Sineseryoso lahat ng bagay.

Katatapos ko lang maligo at kasalukuyan akong namimili ng damit. Magdress daw ako para presentable tingnan. Ayaw daw niya akong mukhang losyang sa harapan ng kanyang kaibigan. Napaka talaga. Maganda naman ako a kahit anong damit ko bagay sa akin. Marami nga ang nagsasabi na sumali ako sa beauty contest ngunit ayoko. Hindi yun ang forte ko. Marami rin ang nagkakagusto sa akin at sumubok manligaw pero tinatanggihan ko lang.

Getting myself in a relationship is not on my list of priorities. Masaya kaya ang single. Enjoy and carefree.

"Ito na lang."

Pinili ko ang peach off- shoulder dress above the knee. Naglagay ako ng lip gloss at cheek tint sa mukha. Mahaba at makapal ang pilik mata ko kaya di na ako nagmascara. Dito lang naman ako sa bahay walang balak umalis dahil may bisitang darating.

Bumaba na ako at nadatnan kong nag- aayos ng pagkain si mama sa dining area. Nagpresinta akong ituloy ang pag- aayos niya sakto na nagring ang cellphone niya.

Tinawag ako ni mama galing sa labas. Tapos ko ng ayusin ang cupcakes sa lagayan. Pinunasan ko ulit ang table bago lumabas.

"Ayusin mo na ang sarili mo. Tumawag ang tita Elena mo nasa bayan na sila." Tinuro ni mama ang buhok ko. "Magsuklay ka ang gulo ng buhok mo." I combed my hair using my finger. I pouted nakalimutan ko palang magsuklay kanina.

Bumalik ako sa taas upang kunin ang cellphone at makapagsuklay na rin. Pagbalik ko sa labas ng bahay may white na Hiace ang pumarada. Lumabas ang isang lalaki para buksan ang gate. Nanatili naman kami ni mama na naghihintay sa bungad ng pintuan.

Bumukas ang pinto ng van at lumabas doon ang isang babae. Namangha ako sa ganda niya para siyang diwata sa kanyang damit. A long white sleeveless dress dressed up perfectly to her. The summer air in the province swaying her long and black straight hair. She is a bit taller than my mother. She is a perfect example of a beauty queen. Wow.

Lumapit si mama sa kanya para bumati at nagyakapan sila. May sinabi si mama sa kanya kaya bumaling siya sa akin at ngumiti. Bago ko pa suklian ang kanyang ngiti binalik na niya ang kanyang tingin sa van. Napatingin rin ako sa van at may lumabas doon na isang lalaki.

Eto na ata ang anak ni tita Elena.

His hair is messy. Mas gumulo lang iyon ng ginulo niya pa lalo but damn he is a good- looking man. Kakaiba ang kanyang aura. You won't stop yourself from staring back.

I never compliment a man before ngayon lang. Ang gwapo talaga.

"Come here, Eliza," tawag ni mama sa atensyon ko. Sumulyap ako ulit kay mr. handsome at nahuli kong nakatingin siya sa akin binawi lang ng tawagin rin siya ng kanyang ina.

Dahan- dahan akong lumapit sa kanila.

"Elena, this is my daughter Eliza," ginaya ako ni mama sa harap ni tita Elena.

"Hello po. Welcome po sa bahay namin," bati ko at nakipagcheek to cheek sa kanya. Hinawakan ni tita Elena ang braso ko. Ang lambot ng kamay.

"Nice to meet you Eliza. You're beautiful. You look like your mother when she was at your age. Dalaga ka na." Oh, I'm flattered such a good compliment from a beauty queen.

"Thank you po, tita Elena," pa-humble kong sinabi.

"By the way, this is my son, Kurt Clemente. Kurt, si Eliza anak ng ninang Belinda mo." Pagpapakila naman ni tita sa anak niya. Ninang pala niya si mama? Bakit di siya kinukwento ni mama sa akin?

"Hi. I'm Elizabeth Trinidad. Nice to meet you po kuya," inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya at binigyan siya ng matamis na ngiti. Tintigan niya iyon bago hawakan. Inalis rin bigla ang kamay.

"Hi" poker face niyang saad.

Ang sungit naman ni kuya. Di man lang ngumiti kahit pilit.

Well, gwapo kasi kaya may karapatan na magsuplado.

My Probinsyana Girl (PS #1)Where stories live. Discover now