🐩chapter 30🐩

1.4K 40 0
                                    

[A/N: hey readers! Gusto ko lang sanang sabihin na magfafast forward tayo. Tinatamad na kasi akong magisip ng mga scene or ano. So itong chapter na ito ay college na po sila at dalawang taon na silang anim na magkakasama

Yun lang po. Now you can continue reading😊😊]

Sheila's POV~

Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang ay nasa high school palang kami. Ngayon nasa college na kami

Maraming nagbago. Lalo na ang pagiisip namin. Kung dati mga immature kami ngayon immature parin--charot lang. Syempre nagmature na pero hindi ganoon ka mature kasi minsan para kaming mga bata kung umasta lalo na kapag nagsama-sama kaming anim

Naging maganda ang takbo ng buhay ko. Lalo na ang buhay pagibig. Pero hindi naman ganoon kaperfect yung love life ko dahil minsan ay nagaaway rin kami ni nathan. Syempre parte yun ng love. Walang Love kung walang Pain. Saka naniniwala rin ako na yung mga problema na kinahaharap namin ay mga trials lang yan ni god para mas lalo kaming maging matibay sa relasyon namin

Share ko sa inyo yung first na away namin ni nathan

Our first fight was because of jealousy. Yan naman talaga ang kadalasang dahilan kung bakit walang nagtatagal sa relasyon e. Kala ko ngarin noon ay mawawala na siya saakin dahil sobra-sobra yung galit niya. Kulang na ngalang siguro ay saktan niya ako physically

Nagselos kasi siya kay kevin. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi niya naman alam na bakla si kevin. Kaya ayun nagalit siya nung makita niya kami ni kevin na magkasama. Iyak nga ako ng iyak nun nung simulan niyang suntukin si kevin. Mabuti nalang ay may tumulong saamin at pinigilan siya. Pero hindi yun natapos dahil dinala niya ako sa hindi mataong lugar. Nagsimula na siyang maglabas ng mga masasakit na salita. Sa sobrang galit niya nga saakin ay nasabihan niya ako ng malandi na talagang ikinagalit ko

2 buwan kaming walang pansinan. Pero hindi naman siya nakatiis at siya na mismo ang lumapit saakin at nagmakaawa na balikan ko siya. Hindi naman kami nagbreak nun e. So ayun pinagusapan namin yun at nangako sa isa't isa na hindi paiiralin ang init ng ulo kung sakaling magaway kami

Ang after that ay bumalik na kami sa dati. Yung walang iwasan at laging sweet sa isat isa. Matapos yung away namin yun ay wala namang sumunod na away na hindi namin napaguusapan

'Lalim ng iniisip natin a'

Nabaling naman ang atensiyon ko sa nagsalita. It was nathan with a smirk on his face

Napangiti nalang ako sakanya. Galing kasi siya kanina sa cr. Nga pala nandito kami sa bar at nagcecelebrate kami dahil ngayon nalang ulit kami nagkasama-sama. Naging busy kasi kami nitong mga nakaraang araw dahil sa mga thesis na kailangan ipasa. Mabuti na nga lang at natapos na namin toh at proproblemahin nalang ay ang parating na examination

'Woooh!! Party!' sigaw ni trix habang hawak-hawak ang isang baso ng alak saka niya ito ininom

Mukhang lasing na tong babaitang toh. Napalingon naman ako kay cath na mukhang may tama narin

'Namiss kita my' bulong saakin ni nathan

Bahagya naman akong nakiliti dahil sa mainit niyang hininga. Mukhang may tama narin tong isa

'I miss you too dy' sagot ko saka siya niyakap

Tatlong linggo ko rin hindi siya nakita dahil sa sobrang busy naming dalawa. Magkaiba kasi kami ng pinasukang school kaya ganoon. Mabuti nga sila cath at cris ay nasa iisang school. Samantalang si trix at kurt naman ay mga kasama ko sa school. Hayst ako lang talaga yung napahiwalay sa kasintahan ko. Nakakainis kasi si daddy e. Hindi niya akong hinayaan na lumipat sa school ni nathan. Ayaw ko naman siyang magalit kaya pinabayaan ko nalang ito. Hindi rin naman pweding lumipat si nathan dahil wala yung kurso na kukunin niya sa school na pinapasukan ko

TEEN CLASH (LOVE OR WAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon