Kapitulo XXVIII - Love

8.7K 521 29
                                    

Naramdaman ko ang dahan-dahang paglubog ng aking katawan sa malalim na tubig. Nang maramdaman ang pagtapak ng aking paa sa ibabaw ng sahig sa ilalim ng karagatan ay nagmulat ako ng aking mga mata. Ngayon ay wala nang bakas ng kahit anong tubig sa paligid at narito na ako ngayon sa likod ng kapitolyo ng Galaxias.

Lumipat ang aking tingin kay Inang nang makita siyang naglalakad papalapit sa akin. Ibinuka ko ang aking bibig upang tawagin siya ngunit nabitin sa ere ang aking salita nang mapagtantong hindi ako ang ipinunta niya rito.

"Wala na tayong kailangang pag-usapan pa, Sherbet," malamig na panimula niya.

He swallowed hard and shook his head. "I am not breaking up with you, Amanda Graciano." The conviction in his voice was bone-chilling and I immediately knew how it affected her.

"I... I am not asking for your choice on this," nauutal na aniya bago nag-iwas ng tingin. "Desisyon ko ito para sa ating dalawa—"

"And you call this a decision, Amanda?" He scoffed out of disbelief. "Ikaw na rin ang nagsabi na desisyon ito para sa ating dalawa, yet you're just deciding by yourself!"

He shut his tired eyes and tried to compose himself. Nang imulat niya muli ang kanyang mga mata ay namumungay na ito habang nakatingin sa kanya. "Come on, Amanda... We'll talk about this some other time. You need to calm down first, okay?" maamong aniya bago sinubukang abutin ang braso niya.

Agad siyang umatras at pinukulan ng masamang titig ang kanyang kausap. "My decision is final, Sherbet. Why don't you just accept it and move on?" galit na aniya.

His jaw clenched again as he looked at her with bloodshot eyes. "Amanda, please... h-hindi ko sinasadya! Hindi ko alam kung paano ko nabuntis—"

"Hindi mo alam? Ano iyon? Aksidente? Aksidente mong nabuntis ang kapatid ko?" She laughed without humor. "Puwede pala iyon 'no? Aksidente kang mabuntis kahit walang nangyayari? Naku, delikado pala ako, baka mabuntis din ako nang walang—"

"I said enough!" malakas na sabi niya na siyang nagpatahimik kay Amanda. "Hindi tayo maghihiwalay, Amanda. Walang maghihiwalay! Magpapakasal tayo at gagawin kitang reyna ng kahariang ito—"

"Well I don't want to marry you, Sherbet! I don't want to be your queen! Ayokong maging reyna ng kahariang ito," singhal niya. "Ayokong magpakasal sa manloloko! Nandidiri ako sa'yo..." Nanginig ang kanyang boses kaya napatigil siya.

Naglaho ang galit sa mga mata ni Sherbet at napalitan ito ng pait at pighati. His eyes watered and his mouth remained half-open. Sinubukan niya muling lumapit ngunit itinulak siya nito palayo. She looked at her with nothing but disgust in her eyes.

"I fell out of love with you, Sherbet. May mahal na akong iba," ani Amanda gamit ang nanginginig na boses. Mabilis siyang tumalikod bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. "And I'm not sorry for that. You should be."

Sherbet shook his head in disbelief and slowly stepped backward. Mabilis siyang pumihit at tumakbo paalis. Napaluhod sa lupa si Amanda habang umiiyak. Kasabay ng kanyang pag-iyak ay ang malakas na pagbuhos ng ulan.

"Bakit mo ako pinapunta rito, Betana?" mariing tanong niya.

Taas-noong nilabanan ni Betana ang intensidad ng tingin ng kanyang kaharap bago humalukipkip. "Why not, right? I just want to check how my beloved sister is doing! I've missed you, Amanda! Hindi mo ba namimiss ang bunso mong kapatid? Bakit hindi mo ako dinadalaw dito sa palasyo?" kunwaring nagtatampong sabi niya.

Napakurap ako nang dalawang beses pagkarinig sa sinabi ng malupit na reyna. Magkapatid silang dalawa?

Pinasadahan ko ng tingin ang magarbong kasuotan ni Betana. Nakasuot siya ng isang champagne satin one-shoulder midi dress na pinarisan niya ng isang rose gold high heels at mga gintong alahas. Her hair is fixed into a French bun with lots of gold hair accessories which accentuated her sophisticated look.

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon