Chapter 1

2.9K 76 68
                                    

2025 (5 YEARS AFTER)

















Ma? Tulog na po kayo? Umaga na po 1:00 am na po oh?



Mauna ka na chade. Antayin ko lang papa mo. Sige na okey lang ako.





Ma? Wag niyo na po antayin si papa. Uuwi din po yun? Alam naman po niya kung saan yung bahay natin. Tingnan niyo po yang mata niyo oh? Ang lalaki na ng eyebags?


Loko ka talaga kuya.😄
Sige na, okey lang ako. Ikaw ang matulog na kasi may pasok ka pa bukas? Okey lang ako sige na. Sanay na akong laging inaantay yang papa mo.




Yun nga po eh. Madalas ka ng puyat kakaantay sa pag uwi niya? Magkakasakit ka po niyan sa gawa mo?




Oh siya! Matutulog na ako pero dito lang sa sala, okey? Wag na makulit?





Hay nako ma? Tigas talaga ng ulo mo? Sige na nga. Kuha lang ako ng unan at kumot mo ha?



Okey kuya salamat.😊




Umalis agad ako ng sala at pumunta sa kwarto nila para kumuha ng unan atsaka kumot kay mama.

Naawa na nga ako sakanya, sa ilang taon, yun nalang lagi niyang ginagawa. Galing trabaho, aasikasuhin pa kami. Pagkatapos,  magtatrabaho pa ulit siya sa mini office niya yung mga hindi niya natapos gawin sa office dinadala niya pa dito sa bahay para tapusin. Tapos pagdating ng hating gabi kapag wala pa si papa, eto ang ginagawa niya nag aabang, nag aantay sa pag uwi ni papa. Kahit kitang kita na sa mga mata nito ang antok pinipilit niya pa ding maging gising para daw pagdating ni papa maasikaso niya pa eto.
Bilib na talaga ako sayo ma? Minsan si papa nagiging pasaway na din eh.🙄

Sabi ko nga biglang daming nagbago. Lalo pa sa pamilya namin. Lalo na kanila mama at papa. Yung panay bangayan nila? Kasama na ata sa pang araw araw namin na buhay. Hindi ko naman masabi kung sino ba ang tama at mali. Kung sino ba dapat naming kampihan? Ayaw naman din naming maging one sided of the story lang. Pareho silang mahalaga sa amin. Kaya ang tanging magagawa lang namin ay laging nanjan para sa kanila, maging mediator nilang dalawa.

Akala nga namin, hindi na kami haharap pa sa mga problema o pagsubok kasi nakaraan madalas kaming sinusubok at nalalagpasan naman namin. Pero sadyang hindi mo talaga alam kung hanggang saan kayo susubukin. Kahit pa, nasukluban ka ng pagmamahal at pamilyang nagsusuportahan pero hindi yun exemption na hindi ka na makakaranas ng mga pag uuga sa buhay. Kasi madalas na nasa ganung mga sitwasyon yun pa ang lagi or paboritong pinaparanas ng mga unos.

Akala kasi natin kung ano gusto natin, kung anong plano natin yun na agad ang masusunod. Yun na agad ang mangyayari. Kaso madalas nakakalimutan din natin Hindi lahat aayun sa gusto nating mangyari o sa mga plano na inilatag natin para yun ang sundan natin. 
Because the fact is?
Life is unpredictable.
We don't know what will happen next.
We don't know what brings our tomorrow.
Kasi, hindi natin hawak ang buhay natin, oras, panahon at maging pangyayari. Kahit nga tao? Hindi natin habang buhay silang mahahawakan.
Ang tanging magagawa na lang natin ang sumabay sa agos ng buhay.
Dapat marunong kang lumaro.
Dapat handang handa kang haharap at hindi ka dapat pahina hina at basta bastang sumuko.
Because life is always a Survival thing.
Kung mahina ka, kung susuko ka? Talo ka na.









👪THE SUCCESSORS👪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon